End

18 5 1
                                    

End

Sa isang abandunadong lugar may mga taong nagtatago sa dilim. May mga sharpshooter sa matataas na lugar, nakakalat silang lahat at naghihintay ng hudyat na pagkakataong sumalakay.

Meron namang dahang dahang pumasok sa loob ng isang gusali at ingat na ingat sa paghakbang habang ang iba ay nasa likod ng mga ito at tulad ng iba dahan dahan din silang umaakyat.

May nagsignal na isang tao sa mga nasa likod. Napatango ang iba at nagsimulang kumilos.

Sa loob nagaganap ang isang transaction mula sa magkalabang panig. Nagpalitan sila ng bag na malaki. Kung sa iba attaché case ang ginagamit, iba ang nais nila mas prepare nila ang ganon para mas madami at matagal ulit ang susunod na transaction, iwas gulo at ingay na rin sa mga pulis para hindi sila mapagod kakahabol sa kanila.

"Can you check it" sabi ng isang instik na lalaki.

"No need" sabay talikod. Naglalakad na sila palabas ng makarinig sila ng mga tunog ng pagkasa at barilan malapit sa kanilang pwesto. Nagtago ang mga ito at naglabas ng kanya kanyang baril.

Sa kabilang panig may isang lalaking may dala ng malaking bag nang katulad sa mga nasa loob at naglakad pasunod sa mga kasamahan. Tahimik itong nasa hulihan at nakikiramdam sa paligid. Hawak nito ng mabuti ang bag na para bang ayaw mawalay dito. Kinakabahan man ginawa nito ang plano.

Nang biglang nakarinig sila ng putukan ng baril kaya kanya kanyang handa ang bawat isa. Habang naglalakad may biglang umagaw ng hawak niyang bag at tumakbo ito palayo.

'Hindi maaari' takot na bulong nito.

'Hindi ako makakapayag na makuha niyo ang bag'

Sinundan nito ang umagaw ng hawak niya kahit gusto niyang barilin ito hindi maaari dahil hawak nito ang bag at baka matamaan ito. Umikot sila sa kabilang panig hanggang sa likod ng makitang papalapit ito sa kasamahan. Walang pag-aalinlangang tinaas ang baril at pinaputukan ito. Nabitiwan nito ang bag at nahulog sa kaparehas nito.

Kukunin na niya ang bag ng pinagbabaril siya. Tinamaan ito sa braso kaya napatago siya ng hindi oras. Walang magawang tinitigan nito ang bag saka gumanti ng baril.

'Ililigtas kita'

Sa kabila naman, nakikipagbarilan pa rin ang pangkat ni chief Garcia. Habang nakikipagpalitan ng putok, may lumapit na kapwa pulis dito.

"Sir nahuli na po si Mr. Chua." Ulat nito. Napatanggo ang nakakataas.

"Dalhin niyo na sa prisinto"

"Yes sir." Lumayo na ito pagkatapos.
Pinagpatuloy naman nito ang pagpalitan ng baril. Sa pagsilip nito tinamaan ito sa braso pero hindi alintanang nagpatuloy sa pagbaril.

Sa labas naman, bumabaril na rin ang mga sharpshooter, marami rami na rin ang natatamaan nito.

"Sir I saw SPO3 Arjay Castella, his injured and also chief Rodrigo Garcia while the other is dead." Ulat ng nakatelescope.

"How about SPO2 Manuel Rodriguez and SPO3 Brylle Knight?" Isa ring sharpshooter si SPO3 Caven San. Isa itong half Filipino and unknown coz he don't want to reveal it to an others, kakilala lang nito ang nakakaalam at sa mga nakakataas. Hinihanda nito ang sarili at bumaril.

"They're fine sir."

Tumango ito at nagbabaril. May nakita siyang dalawang malaking bag na magkatabi. Nagtaka siya, kanina lang isang bag ito. Sumilip siya sa telescope ng baril, nakita niyang nasa gilid si SPO3 Arjay Castellan at nakikipagpalitan ng baril sabay tingin sa mukha. Mapapansin ang pag-aalala sa mukha nito. Nagtaka man pinagpatuloy niya ang pagtarget.

EscapeWhere stories live. Discover now