Scary Two

20 5 0
                                    

Scary Two

"Bakit mo ba ako gustong patayin? Wala naman akong ginawa sayo" Natatakot na tanong niya sa babae. Ngumiti ito ng nakakaloko .

"Sagutin mo ang tanong ko, Please!" Umiyak at nagsusumamong pagmamakaawa niya.

"Tanungin mo ang sarili mo." ganting tanong nito.

Nanahimik siya sa sagot nito. Ano ba ang malaking dahilan at hinahabol siya ng isang killer? Ang natatandaan niya lang....

"OMG! Don't tell me, god please help me, anyone please help" Hindi niya napigilang sambitin. Napatawa lang ang babae habang nakatingin sa kanya sa rear mirror ng sasakyan. Nakatali siya sa likod ng sasakyan. Nagulat siya ng tumigil ang ito sa tabi ng daan at lumipat sa tabi niya.

"Anong gagawin mo?" Ngumiti lang ito. Lumapit ito sa likod ng sasakyan at may kinuha. Pagkakuha sa kailangan nito, lumapit muli ito sa kanya na may hawak na lubid.

"Anong gagawin mo dyan?"Kinakabahan na tanong niya. Lumibot ang paningin niya sa paligid, nakita lang niya ang naglalakihang puno at napakatahimik na paligid.

"Hindi masaya ang byahe pag walang thrill" Lumapit ito sa kanya. Nagtitili siya at nagpupumiglas para hindi nito mahawakan ang kamay niya.

"Help, Anyone Please heeeeellllllllllllllppppppppppppppp!!!!!" Natawa ang babae matapos siyang maitali sa kamay dahil sa kakatili niya kaya namaos siya.

"Done! Come here, pinahirapan mo pa ako hindi bale." Ayaw man niya sumunod, wala siyang magagawa kundi sumunod nito dahil nakatali siya sa lubid at napakalakas nito kompara sa isang babae.

"Please don't" Pagmamakaawa niya, kahit hindi nito sabihin ang gagawin. Alam na niya. Itinali nito ang tali sa gilid ng lubid sa dulo ng sasakyan ng mahigpit. Nagmamakaawa siya pero nanatili itong bingi at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang patapos na ito, sinubukan niya ulit humingi ng saklolo sa paligid pero tulad kanina walang nangyari.

"hahahahha itigil mo na nga iyan, walang makakarinig sayo, kita mo na ngang puro puno ang nakapaligid sa atin, huwag mong gawing t*nga ang sarili mo." Tapos na itong itali ang lubid. Sa huling pagkakataon nagmakaawa siya rito.

"Please!" Pero tulad kanina walang epekto. Sumakay na ito ng sasakyan at nagsimulang paandarin ang sasakyan.

Broom

Broom

Broommmmmmmmmm

Kinakabahan na dahan dahan na sinabayan niya ang pag andar ng sasakyan habang tumatagal bumibilis ng bumibilis ng bumibilis ang minamaneho nito hanggang sa mahila na siya at makaladkad. Naiiyak na lang siya sa nangyayari sa kanya, patuloy ang pag andar ng sasakyan at paggasgas ng katawan niya sa kalsada. Maya maya bumagal ang sasakyan hanggang sa tumigil na ito.

Pagod na pagod siyang napahiga sa kalsada kahit na marami na siyang sugat at patuloy ang pagdurugo ng iba. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumapit sa kanya ang driver nito. Kahit mukhang luma ang minamaneho nito kabaliktaran naman nito ang makina, napakabilis at hindi mo mahahalata na makabago ang makina nito.

Yumuko sa kanya ang babae at hinawakan ang mukha niya.

"Kawawa ka naman." Hindi na niya narinig ang iba pang sinabi nito dahil nawalan na siya ng malay.


Nakatayo siya sa lugar na ayaw na niyang makita sa tanang buhay niya.

Nilibot niya ang paligid at nakitang nakahiga ang taong akala niya na magliligtas sa kanya. Kung ano ang posisyon nito ng iwan nila ganoon pa rin hanggang ngayon, hiwa ang katawan at naliligo sa pulang likido ang katawan nito.

Umiwas siya ng tingin dahil ayaw na niyang makita ang kinahinatnan nito. Naiiyak siya dahil namatay ito dahil sa kanya. Dahil sa panyayaring iyon ipinangako niya sa sarili na hindi siya hihingi ng tulong sa iba.

Nagising siya dahil sa bigla ang lamig at hapdi.

"Ano gising ka na?" ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya.

Tinitigan lang niya ito at hindi nagsalita. Pagod na siyang kausapin ito, wala ring kwenta dahil hindi naman siya makikinig sa sasabihin niya kaya useless lang mas magandang manahimik na lang siya.

Bumuntong hininga ito bago magsalita.

"Mas gusto ko pang tahimik ka, sana habang buhay ka na lang ganyan kasama na ang pagkakapikit ng mga mata mo" mas lalo itong ngumiti pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon.

Nakatingin lang siya rito na naaawa.

Nagalit ito sa nakita at kinuryente.

Nanginig siya at nangingisay ng paulit ulit sa tuwing inuulit nito ang pagtutorture. Hindi pa ito nasiyahan at nilatigo siya sa katawan.

Masakit, napakasakit, bakit ako pa? marami naman ang iba dyan na masama, bakit ako pa na walang ginawa kundi manahimik at maging mabait. Bakit ganon? Napakaunfair ng buhay, kung sino pa ang mabait siya pa nakakaranas ng masasakit na karanasan.

Patuloy lang ito sa ginagawa. Puro na siya sugat at nagdudugo na pero patuloy lang ito hanggang sa mapagod. Iniwan siya nitong nakabitin na parang baboy na nagdudugo ang buong katawan.

Kung hindi pa siya nito papatayin, mamamatay siyang nauubusan ng dugo. Ipinikit niya ang mga mata, gusto niyang lumuha pero walang lumalabas na tubig. Manhid na ang katawan niya at ubos na ang luha niya.

Ipipikit ulit niya ang kanyang mga mata ng muling bumukas ang pinto. Nanatili siyang nakapikit. Naramdaman niyang binaba at binuhat siya ng kung sino. Hindi niya kilala ang bumuhat sa kanya dahil lalaki ito base na rin sa tindig at lakas nito. Idinilat niya nang kunti ang mata at nakitang buhat siya ng lalaking ngayon niya lang nakita. Kahit gusto niyang titigan ito, sumuko ang katawan niya at nagdilim ang paningin niya.

# Edited

EscapeWhere stories live. Discover now