Escape Three ( Running )

22 5 0
                                    

Escape Three ( Running )

Humahangos na pumasok ang isang babae sa isang apartment at nagtatakbo papuntang hagdanan. Nakarating itong hingal na hingal sa 10 floor at huminto sa isang pinto na nakalagay ay Rm 369 at binuksan ito. Nilock niya muna ito bago nagmamadaling pumunta siya sa cabinet at nilabas ang isang traveling bag. Pinasok ang mga dapat ipasok. Patapos na siya ng makarinig ng pagkatok. Napatigil siya sa ginagawa at nakiramdam. Gumagalaw galaw ang doorknob nito na para bang may nagpupumilit pumasok. Tinapos nito ang pagliligpit bago sumilip sa labas ng bintana, ng makakita ng hagdan dali daling siyang dumaan dun. Nakalabas na siya ng biglang bumukas ang pinto at may nagpaulan ng bala. Yumuko na naglakad siya papalayo sa lugar na iyon.

'Muntikan na ako dun ah'

At nagpatuloy sa pagbaba habang walang maririnig na tunog ng baril kundi mga nababasag na bagay. Nasa baba na ito at naglalakad papalayo ng may biglang sumigaw.

"Ayon siya"

Hindi lumilingon na nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nakaramdam na lang siya ng hapdi sa tagiliran at braso.

'Kailangan kong makalayo'

Dalawang buwan ang nakalipas pagkatapos niyang dalawin ang pamilya 'kung dalaw nga ba ang tawag sa pagsulyap ng patago'. At ngayon nahanap na siya kailangan niyang tumakbo ng napakabilis dahil nasa likod lang sila at naghihintay ng pagkakataong makalapit. Nagpatuloy lang siya sa paglayo mula sa apartment na tinitirhan niya sa loob ng tatlong buwan. Akala pa naman niya mabilis siyang mahahanap ng mga ito pero nagkamali siya dahil inabot sila ng tatlong buwan bago mahanap ang pinagtataguan niya.

"Ayon habulin niyo."

Nang marinig iyon. Nagtatakbo na siya kahit patuloy na tumatagas ang pulang likido mula sa kanyang tagiliran at braso. Nararamdaman niya ang mga umuulang bala mula sa kanyang paligid kahit na walang tunog na maririnig.

May tumigil na isang sasakyan sa gilid ng kalsada at lumabas ang may ari nito na may kausap sa phone. Walang pagdadalawang isip na lumapit siya rito sabay agaw ng susi at pinaandar ito.

" hey what a f*cker, that's my car get out. " habol nitong sabi. Kinalampag nito ang salamin habang pinapaandar niya.

Sumilip siya sa gilid ng salamin ng sasakyan at nakitang nagwawala ang may ari nito. Nakalapit na rin ang mga taong humabol sa lalaking nagwawala at tinutukan ito ng baril bago kinalabit. Napapikit siya sa nakita.

'Sorry'

Naluluhang bulong niya. At nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi pa siya nakakalayo masyado ng makaramdam siya ng pagkayanig. Naulit ito ng maraming beses.

Tinapakan niya ang acceleration ng sasakyan at mas pinabilisan ang pagmamaneho. Humabol naman ang isang van at sinimulang bangain kasama ang pagpaulan ng bala at paulit ulit ang ginawa ng nagmamaneho. Nagpagewang gewang siya para makaiwas sa bala. Nang babangain na ito tinapakan niya ang break kaya ito ang nabungo sa gilid ng daan. Saka siya nagpaniubra palayo. Hindi nagtagal nakahabol na ito sa kanya, nasa zigzag silang lugar at may bangin sa gilid.

Nakalagpas sila sa karatulang "slow down" and "dangerous" mas lalo pa nilang binilisan ang pagmamaneho. Naalala niya pa ang ganitong eksena sa pelikulang napanuod niya ang title ay "the fast and furious". Na mabibilis magpaandar at mga nagkakarera. Parang katulad ng nangyayari ngayon kaya imbes na matakot mas lalo niya pang binilisan at sinabayan naman siya ng humahabol. Nagmenor siya bago lumiko at gumanon din ang nakasunod. Binanga siya mula sa likod kaya nagpagewang gewang siya sa daan, muntikan na siyang mawalan ng control. Paulit ulit ang nangyayari ng muntikan na siyang mahulog sa bangin buti at nakamenor siya at nakabalik sa line.

Nagpapasalamat siya ngayon dahil walang dumadaan na sasakyan at nakatira. Baka madamay pa sila. Nang babangain siya nito nagmenor siya at inapakan ng madiin ang break kaya nahuli siya sa bubungo sa kanya at nagpadausdos ito pababa. Naawa man pero nagpatuloy siya sa paglayo.

Nakaupo siya ngayon sa ilalim ng puno. Napakatahimik at matiwasay. Ninanamnam niya ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Napakasarap sa pakiramdam ng walang iniisip. Kahit ngayon lang iisipin niyang walang humahabol sa kanya na gustong patayin siya. Yung walang problema, kasama pa niya ang buong pamilya at ang kaibigan. Walang kinatatakutan, walang iniintinding pakikiramdam sa lahat ng nasasalimuha niya. Yung dating siya.

Nakakamiss din pala yung dating ginagawa niya. Miss na miss na niya ang pamilya at kaibigan. Nakaramdam siya ng mainit na likido sa kanyang pisngi. Imbes na punasan ito hinayaan na lang niyang dumaloy at namnamin ang bawat sandaling lumipas. Nakapikit ito at nakataas ang mukha. Ilang oras din itong nasa ganong posisyon ng napagpasyahan nitong ilabas ang nasa gilid ng bag.

Nakatitig lang ito sa isang tabletang hawak nito. Hindi niya alam ang gamot na hawak niya kahit ang basahin kaya hindi na siya nag abalang malaman. Kumuha siya ng inumin at saka sinimulan ang paglunok sa gamot.

*gulf*

Nakapikit siyang humiga sa damuhan at nakiramdam sa paligid. Hinihila papalayo ang diwa niya kaya nakatulog ito ng mahimbing. Napakamatiwasay nito tignan na para bang walang makakapanakit dito.

Hindi nagtagal may dumating na mga kalalakihan at isang babae. Lumapit ang babae sa natutulog at nakiramdam. Hindi nagtagal umupo ito sa tabi ng natutulog. Hinawakan ang pulsuhan at nakiramdam sa pagtibok nito.

"She's gone" sabi nito sabay tingin sa kasama.

Nagkatinginan ang mga ito bago nagpatango tango. Sabay sabay na naglakad papalayo ang mga ito at naiwan ang babae. Nakita nito ang isang tabletang katabi nito. Kinuha ito at pasimpleng tinago sa bulsa.

'As a plan, good job' sabay ngiti bago lumayo sa lugar na iyon. Bago tuluyang lumayo kinumutan nito ang nakahiga at may inipit sa kamay nitong nakukumutan.

Maghahating gabi na ng nagkamalay ang babaeng sabing patay na. Hinihingal na napatayo ito at naghahabol ng hininga.

"Gosh"

Sabay ubo ng napakaraming beses.

*cough cough cough*

Nagpalipas muna ito ng sandali at pinabalik ang normal na tibok ng puso bago siya makaramdam ng lamig napakumot siya ng hindi oras.

"Ang lamig"

Napatigil siya sa ginagawa dahil napansin niyang may kumot siyang gamit at hawak na papel. Binasa niya ito bago isilid sa bulsa.

"What a plan" sabay ngiti.

Ngiting ngiting huminga siya at pinikit ang mga mata. Kailangan niya ng lakas bukas dahil magsisimula na.

"Sana maging maayos na ang lahat" sabi nito bago lamunin ng karimlan.

Kinabukasan maaga itong gumising at nagligpit bago magsimulang umalis sa lugar na iyon.

"Its showtime"

AN

Three Chapters Left

EscapeWhere stories live. Discover now