Escape One

26 5 0
                                    

Escape One

Sa muling pag mulat ng mata niya nakahiga siya sa isang kama at naka gasa na ang mga sukat niya at ang iba papagaling na, ilang araw na ba siyang tulog at bakit papagaling na ang mga sugat niya? Ang natatandaan niya, malalalim ang mga sugat niya at kahit sino mandidiri pagkakita sa mga iyon pero ngayon halos wala na.

Nakarinig siya ng mga papalapit na nag-uusap na boses. Ipinikit niya ang mga mata at nagdasal na sana hindi nito mapansin na nagkamalay na siya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang mga nag-uusap.

"tatlong buwan na siyang tulog"

'Tatlong buwan'  natitilihang bulong niya sa sarili.

"Hinahanap pa rin siya ng kanyang pamilya hanggang ngayon kahit sinabi na ng mga kapulisan na patay na ang anak nila."

"No wonder about that, ganyan din naman dati sa atin eh, sa bandang huli sumuko rin sila." Sabi ng boses babae malapit sa hinihigaan niya.

"Pero---" 

"Enought napag-usapan na natin ito at wala akong sasabihin sa iyo at huwag mo muna ito iparating kay boss"

'Boss'  Gusto niyang itanong sa nag-uusap pero pinigilan niya ang sarili, kilala na niya ang boses babae na katabi niya. Ito lang naman ang dahilan kung bakit siya na comatose ng tatlong buwan tulad ng sabi nila.

"Pero mapapahamak ka"

"Alam ko, kaya huwag ka nang sumali sa plano ko, mas magandang wala kang alam." Hindi man niya nakikita ramdam niyang nakatingin ito sa kanya at hinahawakan nito ang buhok niya.

'Plano? anong plano niya?'  Kunting kunti na lang at baka hindi na niya mapigilan ang sarili na magsalita.

"Pero ash---"

"Enought, Don't called  me using that name, matagal na siyang patay, ako na ngayon si killer dark tandaan mo yan, killer manner. "

"Sa ayaw man natin sa gusto---" Hindi na naman nito na tuloy ang sasabihin ng pigilan itong magsalita ng pangalan daw niya ay killer dark.

"Puntahan mo na doon sila killer bee, susunod na ako." Ramdam niyang gusto pang magsalita ng kausap nito pero hindi na nito tinuloy sa kadahilanang hindi niya alam.

Narinig niyang bumukas ang pinto at yapak ng paa ng tao na may lumabas at sumara ang pinto. Naghintay siya ng ilang minuto bago niya minulat ang mga  mata. Iyon ang pagkakamali niya dahil na mulatan niyang nakatingin sa kanya ang dahilan ng lahat. Nasilaw siya sa liwanag na namulatan, hindi katulad kanina na tama lang ang liwanag.

Tumingin siya sa gilid, gulat at takot ang una niyang naramdaman pero agad niya rin ito itinago.

"Gising ka na" obvious na sabi nito. May nahimigan siyang saya sa boses nito pero isinawalang bahala na lang niya. Imposibleng maging masaya ito na nagkamalay siya, gustong gusto nga niyang mamamatay siya sa torture at sakit so bakit niya iisipin na masaya ito.

Nakatingin lang siya sa taong iyon na walang emosyon na makikita. Ngumiti ito ng mapait bago nagsalita.

"Alam mo ba kung bakit kita tinurture? " Nakatingin lang siya rito at hinintay ang susunod nitong sasabihin.

"Kailangan ko gawin iyon,  hinahanda lang kita sa  mas malala na mararanasan mo" Nagsalubong ang kilay niya pero nanatili siyang tahimik.

"Alam ko nagagalit ka at hindi maniniwala sa sasabihin ko pero mas magandang sumubok kesa sa hindi, tulad ng sabi ko hinahanda kita pero hindi ko pwedeng sabihin kong para saan at kanino dahil parehas tayong mapapahamak. Tutulungan kitang tumakas sa gusaling ito pero pag nasa labas ka na bahala ka nang gumawa ng paraan kung paano mo sila matatakasan."

"Bakit mo naman ako tutulungan?"

"Dahil gusto kong bigyan ka ng pagkakataon na tumakas sa kapalarang kahit sino ay walang karapatan maranasan. Lalo ka na." Tumingin ito sa relong suot at napangiti.

"15 minutes left" tumingin ito sa kanya.

"Maghanda ka na sa pagtakas." Tumayo ito at naglakad papalabas ng silid.

"Hintayin mo ang hudyat ko at saka ka tumakas." Hindi na niyang nakuhang magtanong dahil naisarado na nito ang pintuan.

Tumayo siya sa pagkakahiga, sa una natutumba siya pero nang maglaon nakakalakad na siya ng tama. Saktong may narinig siyang pagsabog, natigilan siya.

'ang hudyat'

Nakarinig siya ng nagkakagulong tao sa labas at sinamantala niya ito. Unti unti niyang binuksan ang pinto at lumabas ng silid.

Nakisabay siya sa mga taong nagkakagulo, hanggang sa dumating siya sa dulong pasilyo. Papasok na siya sa fire exit ng makarinig ng mga taong paparating na nagtatalo. Dali dali siyang pumasok sa huling kwarto na katabi niya. Inikot niya ang paningin at napansin ang mga gamit doon.

 'Labaritory' walang pagdadalang isip na lumapit siya sa mga gamot na nakita niya at inilagay sa nakitang bag na nasa tabi nito. Nang mabuksan niya ang bag may nakitang siya mga damit at isinuot ito.

'prepared talaga siya'

At isa isang isinilid ang mga gamot na sa tingin niyang makakatulong sa kanya. At nagsimula na siyang maglakad papalabas ng kwarto. Sa labas nagkakagulo pa rin ang mga tao kaya walang nakakapansin sa isang nilalang na patungong naglakad papalabas ng fire exit. Dali dali siyang naglakad pababa at hindi tumigil hanggang makarating sa pinakababa. Nakarating siya sa groundfloor at naglakad ng mabilis sa takot na may makapansin sa kanya. Sa gilid ng mata niya nakakita siya ng isang sasakyan na sportscar at nakauwang ang pintuan nito na para bang naghihintay na sumakay siya. Naglakad siya papalapit sa sasakyan at walang pagdadalawang isip na sumakay. Hinanap niya ang susi pero hindi niya nakita ng tumingin siya sa ignition nakasaksak na pala.

'nandyan ka lang pala'  at sinimulan na niyang paandarin ang ito.

# Edited

EscapeWhere stories live. Discover now