Tahimik sa loob ng opisina ni Damaso. Hindi ko alam kung anong pagdadahilan ang sasabihin ko mamaya.
Ahhh, bakit pa kasi nagpasama si Maria Clara sakin kagabi.
*hikab~~*
"Oi"
"Hmm?"
At bigla akong napatingin sa katabi kong napagalitan din ni Damaso kanina. Sino nga ba to ulet? Elijah? Ella?
Ah! Si Elias...
"Alam mo, kung pinansin mo lang agad ako kanina nang tinatawag kita edi hindi na sana ako nadamay dito."
Ngayon ko lang siya natitigan ng matagal sa mata. Ang ganda pala nito. Ang kisig din ng kaniyang pangangatawan hindi tulad ng aking medyo lampang pisikal na itsura. At saka –
"Oy, hello..?"
"oh umm...pasensya na.."
"Bakit ka ba nakatulog sa klase?"
"Ah, sinamahan ko kasi si Maria Cla-"
BAM!
Biglang kumalabog ang pintuan ng opisina ni Prof. Damaso at napatalon ako sa aking upuan.
Napapadalas ang pagiging magugulatin ko ngayon ah...ano kaya ang dahilan?
"Crisostomo...hmm..inaasahan ko na magiging isa kang magandang example sa mga indio na nakapag aral dito pero ikaw pa ang pasimuno"
Indio?
Alam kong matanda na si sir pero hindi naman ganun katanda diba? Tumingin ako sa aking kanan at patagong tinitigan si Elias.
Bakit ngayon ko lang ata nakita ang lalaking eto? Itinanong ko sa sarili ko at biglang naglakbay ang aking mata sa kanyang mukha.
Bakit ngayon ko lang napansin ang panga niyang napaka perpekto ang pagkakaukit? Ang mata niya na kapag tinitigan ko ng matagal ay nakakalunod, kaya nilipat ko ang atensyon ko sa kanyang mga labi. Mga labi niyang mas malambot pa ata kay Maria Clara...
Si Maria Clara.
Nako Criisostomo ano ba ang pumasok sa iyong isipan at naisip mo ang mga bagay na iyon kay Elias.
"Ahem, Mr. Ibarra? Hellooo? Nandiyan ka pa ba?"
"ah? Ah. Opo"
"Uulitin ko, simula ngayon kayo ni Elias ang magiging in-charge sa pag-poprogram ng ating Buwan ng wika. Madami kayong oras ngayon para makapaghanda, so I suggest na gawin niyong makabuluhan ito." sinabi ni Prof. Damaso nang seryoso at tinitigan kami ni Elias na tila ba ay gagawa kami ng kalokohan, "That is all. Close the door when you leave."
duct�6���8
BINABASA MO ANG
Ballpen (Ibarra x Elias)
FanfictionNakalimutan ko lang ung ballpen ko, ganito na ang nangyare...