"Sige, bye!" paalam ko sa mga katrabaho ko sa isang restaurant. Hapon na at papauwi na naman ako.
"Diretso sa bahay, Tristan. 'Wag nang liliko kung saan," sabi sa 'kin ng manager namin.
"Opo, boss," sabi ko naman bago ako lumabas ng pinto.
Kalalabas ko lang mula rito sa pinagtatrabahuan kong restaurant. Part-time nga lang ako rito dahil estudiyante ako. Buti nga at flexible ang schedule ko. Nagtatrabaho ako rito bilang waiter.
By the way, I'm Tristan O. Esquera. 20. College student. Estudiyante sa umaga. Cook sa hapon. Callboy sa gabi.
Yeah, you read it right. Callboy.
First and foremost, don't judge me. It may sound cliché pero may rason po ako kung bakit ako naging isang callboy.
The also-cliché answer: kahirapan.
Hindi naman actually kahirapan ang may kasalanan. Kahit mahirap kami ay hindi ko kailanman ibebenta ang katawan ko, pero dahil nagkasakit ang kapatid ko ay kailangan kong kumapit sa patalim dahil wala akong malapitan. Mas nauna pa po ang pagigi kong callboy kaysa sa pagkaka-hire ko doon sa restaurant na 'yun.
Wala na kasi kaming mga magulang—or rather—iniwan kami ng mga magulang namin bata pa lang kami. Naiwan kami sa tiyuhin namin na matandang binata. Namatay rin siya sa katandaan kaya naiwan sa 'min ng kapatid ko ang bahay niya. Wala akong naging balita kung nasaan, o kung buhay pa ba ang mga magulang ko.
Nagkaroon ng kumplikasyon ang kidney ng kapatid ko at kailangan niyang maoperahan at malipatan agad ng bagong bato. Buti na nga lang at match kami. Bago ko i-donate ang bato ko ay binenta ko muna katawan ko. Kaibigan ko ang tumulong sa 'kin na makahanap ng ilang customer. No choice. Mailangan ko ng mabilis na pera.
Hindi naman kasi maikakaila na may hitsura naman ako. Maganda pa ang katawan. Kaya naman dati pa ay pansinin na talaga ako ng mga babae at mga binalake.
Hanggang sa katagalan ay nasanay na lang ako kaya naging part-time job ko na ang pagiging callboy.
There are two rules kapag rerentahan mo ako: No kissing and I'll use a condom. Mahal din ang renta sa 'kin. High quality naman kasi.
Marami na rin akong naging customers. Mostly ay mga nakatago pa sa mga closet nila ang mga lumalapit sa 'kin. May mga babae rin at mga baling-bali na mga bakla. Ganyan talaga kapag callboy. Parausan ng bayan.
Don't worry. Nagpapa-test po ako. Negative.
At ano naman ang nagagawa ko sa perang naiipon ko?
Napapag-aral ko ang kapatid ko. Nakakakain kami ng tatlong beses kada araw. Nakakapag-aral din ako. Kapag nangangailangan ng pera ang mga kapitbahay namin ay alam nila kung saan pupunta para humiram.
Hindi naman kasi nila alam na callboy ako.
Para sa 'kin, walang mali sa ginagawa ko. Kapakanan lang ng kapatid ko ang iniisip ko kaya ko 'to ginagawa. Halos isang taon na rin akong nagko-callboy.
Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko. Minsan na akong tumigil sa pag-aaral dati pero bumalik din ako agad. 'Wag ka, valedictorian ako parati sa klase namin noong high school. First section pa 'yan.
Kaya hindi lang ako basta gwapong mukha at magandang katawan. May laman din na utak ang bungo ko.
"Magandang hapon po, Aling Puring!" bungad ko sa isang naglalabang babae pagkapasok ko sa eskinita namin.
"Magandang hapon, Tristan," sagot naman ng babae.
Kilala ko halos lahat ng mga tao dito sa eskinita namin. Mga mababait naman silang mga tao kaya naman wala kaming problema sa isa't-isa. Kung nagkakaalitan man ay agad namang inaayos sa mabuting usapan.
BINABASA MO ANG
One Month
Short StoryIsang buwan. Marami sa atin ang halos walang pakialam sa isang buwan. Para sa mga estudiyante, dalawampung araw lang 'to ng paghihirap. Para sa mga may trabaho, halos tatlumpung araw lang ito ng pagbabanat ng buto. Pero para sa isang tao na may isan...