At lumapit na nang lumapit ang araw na kinakatakutan ko.
Hapon na at kasalukuyan na akong nasa taxi papunta kina Tristan. Kung tama ang sabi ng doktor, bukas na ako mamamatay.
Kaninang umaga ay pinuntahan na ako ni Riel para kumustahin ako. Finally, umiyak na rin siya sa harap ko. I tried to console him. Sinabi ko na rin sa kanya na may mana siyang mapapala mula sa 'kin.
Ngayon nga ay magpupunta na ako kina Tristan. We're going to stay up 'til midnight. Balak kong maglakad pauwi sa bahay ko. And then I will say my final goodbye to him.
Doktor ko na lang ang pupunta sa bahay ko the next day para asikasuhin ang bangkay ko. I don't want to die with someone else. Gusto kong mamatay nang mag-isa. Gustong kong matulog at hindi na magising pa. No pain, no suffering.
Nasa gilid na ng daan si Tristan at nakaabang na sa 'kin. Pagkababa ko sa taxi ay agad din niya akong niyakap nang mahigpit.
"Feeling well?" tanong niya sa 'kin.
"Yeah," sagot ko naman.
"Excited na si Thalia na makilala ka. Panigurado magkakasundo kayo," sabi ni Tristan.
These past few days ay parati niya akong tini-text o kaya ay tinatawagan, pero ni hindi man lang namin napag-uusapan ang nalalapit kong pagkamatay.
"Tara na dito sa loob," sabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko sabay alalay sa 'kin papasok ng eskinita. Maya't-maya ay may binabati siya o tinatawag.
"Kilala mo ang lahat ng tao rito?" tanong ko sa kanya.
"Yep. Tinutulungan ko sila parati kapag nangangailangan sila kaya kaibigan ko ang lahat ng tao rito," sagot ni Tristan.
"That's awesome," sagot ko naman.
"Kaya wala ritong nakawan o holdapan. We all live in peace and harmony," sabi niya.
Nakarating na rin kami sa bahay nila kung saan ay agad kaming sinalubong ng isang batang babae. "Kuya Tristan! Kasama mo na ba si Kuya Yven?" bungad niya sa 'min.
"Parati kitang kinukwento sa kanya," sabi ni Tristan nang bumaling ako sa kanya para tanungin siya kung bakit kilala ako ng kapatid niya.
Tumango na lang ako bago ako bumaling kay Thalia. "Hello. Ako nga pala ang Kuya Yven mo—"
"Boyfriend ni Kuya!" sabi niya bigla.
Humagikgik na lang ng tawa si Tristan sa tabi ko. Pakiramdam ko naman ay namula bigla ang mga pisngi ko.
"Magkaibigan lang kami," sagot ko naman.
Pumagitna na sa 'min si Tristan. "Maghanda ka na ng meryenda, bilis," sabi niya sa kapatid niya.
"Ikaw, kung ano-ano na lang ang kinukwento mo sa kapatid mo," singhal ko kay Tristan nang mawala na ang kapatid niya.
"Excuse me, siya po ang nag-conclude noon, hindi ako," natatawa niyang sabi.
"Oo na lang," sagot ko. "Uh, by the way, about tonight—"
Biglang sumeryoso ang mukha ni Tristan.
"Aalis lang din ako after ten o'clock. Balak ko sanang maglakad pauwi sa bahay. Kung gusto mo pang sumama, then you can. Pero umuwi ka na rin kapag nakarating na ako sa bahay," sabi ko.
"What? I want to stay with you until—"
"You can't. Pumayag na si Riel. I want to sleep in peace. Maybe this night is my last night. Please. Pagbigyan mo na ako," kalmado kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Month
Short StoryIsang buwan. Marami sa atin ang halos walang pakialam sa isang buwan. Para sa mga estudiyante, dalawampung araw lang 'to ng paghihirap. Para sa mga may trabaho, halos tatlumpung araw lang ito ng pagbabanat ng buto. Pero para sa isang tao na may isan...