One Month - 3

2.3K 124 9
                                    

"Sorry…" medyo awkward kong sabi sa kanya.

Malamang ay nakilala niya rin ako dahil namula rin siya bigla.

"Sorry din," sabi niya bago siya dali-daling tumalikod sa 'kin.

Pagkatalikod ng lalaki ay binunot niya ang phone niya mula sa bulsa sa likod ng suot niyang pantalon. Biglang may nahulog na papel mula sa bulsa niya. Mukhang hindi niya 'yun napansin dahil nagpatuloy lang siya sa paglalakad palayo sa 'kin.

Pinulot ko ang papel at binasa.

10 Things to Do Before I Die

1. Kumain ng limang servings ng rice sa Mang Inasal.
2. Mag-cutting classes at mag-over-the-bakod.
3. Mambato ng bubong ng kapitbahay.
4. Magpahabol sa mga aso.
5. Mag-vandalize ng mga dingding.
6. Pindutin ang fire alarm ng isang mall.
7. Maligo gamit ang tubig ng isang fire hydrant.
8. Kumain ng sampung adidas.
9. Maglakad sa labas habang hatinggabi.
10. Have sex with a guy you like.

May "X" na ang number 1, 5, at 8, pero napataas ako ng kilay nang mbasa ko ang nasa number 10.

Have sex with a guy he likes?

Customer. 'Yun agad ang unang pumasok sa isip ko, kaya ngumiti ako at nag-ayos ng tindig bago ko siya sinundan.

"Hey, mister. May nalaglag ka pong papel," habol kong tawag doon sa lalaki. Nakatayo na siya sa gilid ng kalsada at parang naghihintay na ng taxi.

"What?" tanong ng lalaki na bigla sa 'king lumingon.

Pinakita ko sa kanya ang papel niya.

Agad na nanlaki ang mga mata ng lalaki. Kasabay halos noon ay namula bigla ang mga pisngi niya. Hinablot niya bigla ang papel mula sa kamay ko at hindi na siya tumitig pa sa 'kin. Tumalon pa nga siya para lang abutin ang papel.

Tumayo na lang ako sa tabi niya. Pansin ko na nakikiramdam din siya. I glanced at him and saw him staring at me. Agad din siyang nagbawi ng tingin.

"So, you're about to die?" tanong ko sa kanya.

He stared back at me, surprised that I talked to him.

"Yes," sabi niya na halos bulong na lang.

"May I know why?" tanong ko naman.

"Leukemia. I only have a month to live," sabi niya na wala man lang halong takot.

I stared at him. Ni hindi halata sa kanya na malapit na pala siyang mamatay. He's actually a big loss. Ang bata-bata pa mamamatay na agad.

What amazed me the most ay kung ga'no siya ka-casual magsalita tungkol sa nalalapit niyang kamatayan. Kung makapagsalita siya ay parang araw-araw siyang namamatay.

"I'm sorry to hear that…" sabi ko naman. Naawa naman ako sa kanya kahit na papaano.

Nakatitig siya sa kalsada but the corner of his lips curved into a curious, tiny smile.

"It's okay. Matagal na rin akong patay," sabi niya bigla.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Multo ka?!"

He rolled his eyes. "I'm talking figuratively."

I smiled. "I know. I'm just trying to make you laugh," sagot ko naman.

"What are you doing here?" tanong ko pa sa kanya.

"Iniwan ako ng kaibigan ko bigla. Papauwi na rin ako," sagot niya.

One MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon