"You only have one month to live."
Those words struck me with the speed of a charging bullet. Hindi ako kaagad na nakapagsalita dahil sa matinding gulat.
"Doc?" I asked, hoping that I didn't hear him correctly.
"You have approximately thirty days to live. All I can say is that you should enjoy your life while you still have time. I'm sorry…" sabi ng doktor.
I stared into the emptiness in front of me. More than a week ago, my life was still normal.
Kasalukuyan lang kaming nagpi-PE nang mga oras na 'yun nang bigla na lang akong mabangga ng isa kong kaklase. Nahimatay ako so I was brought to the hospital. Nagkaroon pa ako ng malaking pasa sa braso ko. I underwent tests, and the doctor found out that I have cancer of the blood. Well, I'm not surprised. My parents died due to the same cause.
Ngayon nga, isang buwan na lang pala ang itatagal ko. Tingnan mo nga naman. When it rains, it pours.
"Thank you very much, doc," paalam ko sa doktor ko.
"Take care, Mr. Lopez," sabi naman niya sa 'kin.
I felt oddly empty as I walked out of the door. Pagkalabas ko ng kalsada ay naisip kong magpabangga na lang sa mga sasakyan, pero naisip ko rin na ayokong mamatay na namimilipit sa sakit. Kung gusto kong mamatay, gusto ko na madalian lang.
Ang mainit na sinag ng papalubog na araw ang sumalubong sa 'kin sa labas. I looked around and breathed deep. Kung kailan malapit na akong mamatay ay saka ko naman na-appreciate kung gaano kaganda ang paglubog ng araw.
Habang naglalakad ako papauwi ng bahay ay naisipan kong tawagan ang abugado ng pamilya namin.
"Hello, Mr. Gallego?" bungad ko.
"Yes, Mr. Lopez?" sagot naman ng nasa kabilang linya.
"Gusto ko nang ayusin ang Last Will and Testament ko. ASAP. Okay?" sabi ko sa kanya.
"Why, sir?" nagtatakang tanong ni Mr. Gallego.
"I'll tell you when I see you tomorrow, okay? Thank you very much, Mr. Gallego. Alam kong matagal mo nang pinagsisilbihan ang pamilya namin. Goodbye for now," sabi ko naman.
Pinutol ko na ang tawag bago pa man makasagot si Mr. Gallego.
I sighed.
Mayaman naman kasi ang pamilya namin. Kaya kahit naulila ako nang maaga ay hindi naman ako naghirap dahil, well, sandamakmak na yaman ang iniwan sa pangalan ko ng mga magulang ko.
I'm planning to donate the money to various charities. Wala na rin lang naman akong mapagbibigyan ng pera namin. I live alone at matagal na akong walang contact sa mga naging kasambahay namin.
I have no known relatives. Kung mayroon man ay wala na akong oras para hanapin pa sila.
I'm Yven C. Lopez. 18. College freshman na sana ako kaso nga, hayun, wala sa oras na nalagyan ng countdown timer ang buhay ko kaya malamang ay hindi na ako makakapagtapos.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nag-freak out o umiyak nang malaman kong malapit na akong mamatay. Ewan ko rin ba. Parang ini-expect na rin talaga ng katawan ko na mamamatay na nga ako.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay ko.
"Yven!" tawag bigla sa 'kin ng kung sino.
Lumingon ako at tumambad sa 'kin si Riel, kaklase at half-kapatid, half-kaibigan ko.
Naisip ko bigla na isama siya sa Last Will and Testament ko.
BINABASA MO ANG
One Month
Short StoryIsang buwan. Marami sa atin ang halos walang pakialam sa isang buwan. Para sa mga estudiyante, dalawampung araw lang 'to ng paghihirap. Para sa mga may trabaho, halos tatlumpung araw lang ito ng pagbabanat ng buto. Pero para sa isang tao na may isan...