[ 25 ] Laptop

59.4K 660 51
                                    

Chapter 25: Laptop

Ilang araw na silang magkasama ni ZAC sa iisang bahay sa pangalawang pagkakataon at sa loob ng ilang araw na iyon ay napapansin ni Steffi ang mga pagbabago kay ZAC. Pakiramdam niya ay unti-unti itong bumabait. Hindi na siya nito palaging pinagtitripan at inaaway pero kagaya noon, bossy pa din ito. Kapag hindi nasunod ang gusto niya, nagbabago kaagad ang mood at bumabalik ulit sa dating ZAC na masungit, palainom, naninigarilyo at nananakit. Sa tuwing galit pa naman ito ay sa kanya nito nabubuntong ang galit niya. Noong nakaraan ay nag-away ang magkapatid at siya ang pinag-initan nito kaya siya pinagsisigawan nito pero hinayaan niya lang dahil ayaw niya na sabayan ang init ng ulo nito. Ayaw niya rin kasi na nagkakaganoon si ZAC dahil talagang nakakatakot ito sa tuwing nagagalit.

Nasa coffee shop ni Zavier ngayon si Steffi at doon siya gumagawa ng project dahil ayaw niya na nakatambay lang sa bahay. Pinahiram na din naman siya ni ZAC ng laptop nito kaya hindi na siya gaanong nahihirapan. Kasama niya doon si Kurt na wala namang ginagawa kung hindi maglaro sa phone nito.

"Steffi, aalis na muna ako. Pupuntahan ko lang si Kim at babalik din ako kaagad. 'Wag kang aalis dyan, ah?" pagpapaalam ni Kurt.

"Opo, best friend," sagot ni Steffi.

"Magtext ka lang sa 'kin kapag may problema. Mamaya sugurin ka dito ng mga babae ko, kawawa ka naman! Hahaha!" pabirong sinabi nito.

Sinapak siya ni Steffi para matauhan. Umaandar na naman kasi ang kayabangan nito.

"Aray! Bakit mo ako sinapak?!" reklamo ni Kurt.

"Feeler ka, alam mo 'yon?! Akala mo kung sino kang gwapo!"

"Pasimple ka pa! Alam mo naman sa sarili mo na gwapo talaga ako. Nagustuhan mo din naman ako pero ayaw mo lang aminin. Pwede mo naman sabihin sa 'kin kung may feelings ka."

"Umalis ka na nga! Busy ako! Nakakaistorbo ka."

Pinagtulakan siya ni Steffi palabas doon. Hindi rin talaga maintindihan ni Steffi ang ugali ni Kurt pero nasanay na siya dito. Napaka-moody kasi nito kagaya ng best friend nitong si ZAC. Paminsan minsan, makulit at maloko ang mga ito pero bigla na lang itong magsusungit at seryoso.

Napatingin siya sa paligid ng coffee shop at napansin niya na wala masyadong tao. May bagay siya na gustong gawin kanina pa pero hindi niya magagawa iyon kapag may bantay.

Wala naman sigurong alagad dito si ZAC, 'di ba?

Pinagbawalan siya nito na galawin ang mga files niya sa laptop at gawin lang doon ang mga kailangan niyang gawin. Sa totoo lang ay wala naman siyang balak na pakialaman ang kung ano man ang mayroon si ZAC doon pero dahil nabanggit nito na 'wag niyang pakialaman ang files doon ay na-curious siya sa kung ano ang mayroon doon. Nagbabakasakali siya na may makuha siya doon na pwede niyang mapakinabangan.

Pinagtitingnan niya isa isa ang folders doon ni ZAC. Nakita niya na may mga folders na may laman na mga lessons galing sa teachers.

Nag-aaral din pala ang mokong na 'to?

Nagtingin tingin pa siya at sa tagong tago na lugar, may nakita siya na 'Monique Perez' na pangalan ng folder.

Hindi kaya ito 'yong Monique na girlfriend niya noon? Hanggang ngayon tinatago niya pa din ito dito. Ganoon nga siguro ka-importante si Monique sa kanya.

Tinignan ni Steffi ang lamang ng folder. Puro pictures at video ang laman ng isang folder doon. Nagkabit siya ng earphones at isa-isang pinanood ang videos saka niya pinagtitingnan ang pictures. Ikinagulat niya ang lahat ng mga nakita niya at bigla siyang kinabahan.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon