Chapter 48: Ring
Tahimik lang silang nakaupo doon at naghintay sa paglapit ng isang waitress. Agad sila nitong inabutan ng menu. Tiningnan ng mabuti ni Steffi ang menu para pumili ng pagkain pero nalula siya sa presyo ng mga pagkain doon. Nang mapatingin siya kung may ibang nakakita sa reaction niya, ang waitress lang ang nag-iisang nakatingin sa kanya. Halatang halata na minamata siya nito. Masama pa nga ang tingin nito sa kanya pero sa tuwing napapabaling ito kay ZAC ay napakatamis ng mga ngiti nito. Alam niya na ang ibig sabihin noon: may nahumaling na naman sa karisma ni ZAC.
"I'll take two orders of this one," sabi ni ZAC sa waitress na isinulat rin kaagad kung ano ang itinuro ni ZAC sa menu.
"Okay, sir. Do you want anything else?"
"Mukha bang may kailangan pa siya? Bilisan mo na lang. Nagugutom na ako," mataray na sinabi ni Steffi.
"Okay, Ma'am. Please enjoy the music, Sir. If you need anything else, just call me. I'll be back in a while."
Lalong naiinis si Steffi sa waitress na iyon. Para bang kung itrato siya nito ay hindi siya customer at katulong lang siya ni ZAC. Nagawa pa nito na irapan siya bago ito tuluyang umalis. Sinundan niya na lang ito ng tingin hanggang sa makalayo ito. Nang humarap siya kay ZAC, naabutan niya ito na nakatitig sa kanya at may halos may ngiti ito sa mga labi. Kung titingnan ay para itong nabibilib sa nakita at alam niya na iyon ay dahil sa kanya.
"Ano'ng problema mo? Natatawa ka ba? Kung oo, ilabas mo na 'yan at baka mautot ka pa dyan. Mas lalong nakakahiya 'yon," naasar na sinabi ni Steffi.
"Hahaha! Pfft! Hahaha! Shit, nagseselos ka?!"
Ngiting ngiti ito at kitang kita na masaya ito dahil doon. Lalo lang namang naasar si Steffi dahil doon kaya binatukan niya na si ZAC.
"'Wag kang feeler. Hindi ako nagseselos. Masyado kang masaya dyan!"
"Hindi nga ba? Eh ang sama ng tingin mo sa waitress, eh. Parang gusto mo na ngang durugin 'yon. Pwede mo naman aminin kung nagseselos ka."
"Hindi nga ako nagseselos. Gusto mo bang mapahiya dito, ZAC?"
"Gusto mo ba na mahalikan dito, Geneere?"
Natanaw ni Steffi na papalapit na ang waitress na iyon sa kanila dala-dala ang pagkain nila kaya hindi na nagsalita pa si Steffi at iniiwas na lang ang tingin kay ZAC pati an rin sa waitress na iyon.
"Miss, pwede bang lalaki na lang 'yong magserve sa 'min?" tanong ni ZAC sabay hawak sa kamay ni Steffi. "Nagseselos kasi 'yng girlfriend ko," pagpapatuloy nito.
"Okay, Sir."
Nang marinig iyon ni Steffi ay nginitian niya ng napakalawak ang waitress para lalo itong asarin. Ramdam kasi sa pagsagot nito na dismayado ito sa narinig. Nakatingin pa nga sa kanya ito ng masama pero binalewala niya lang iyon tutal nakaganti na rin naman siya. Padabog rin itong umalis doon at iniwan silang dalawa ni ZAC.
"Happy?" tanong sa kanya ni ZAC.
"Much better," sagot niya sabay hila ng kamay niya mula sa kamay ni ZAC.
Isa-isang isinerve ang mga pagkain nila pero sa buong oras ng pagkain nila ay napansin ni Steffi na tahimik lang si ZAC. Hindi ito nagsasalita at napapansin niya rin na parang may malalim itong iniisip. Ano man 'yon, wala siyang kahit na anong ideya.
Pagka-serve ng dessert nila ay napansin niya ang pagbulong ni ZAC sa waiter pero binalewala niya lang iyon. Nang makabalik ang waiter sa pwesto nila ay may ibinulong ito kay ZAC. Tumayo si ZAC at umakyat sa stage kung saan kumakanta ang live band na ngayon ay kakatapos lang. Pumwesto ito sa tapat ng mic.
BINABASA MO ANG
An Orphan's First Love: Love or Revenge
Dla nastolatkówBook 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION