[ 47 ] Dinner

43.9K 631 74
                                    

Chapter 47: Dinner

"Umarte ka. I-entertain mo lang siya at 'wag kang magpapahalata na may tinatago ka. Ako na ang bahala sa sarili ko," utos sa kanya ni Jico.

Muli na naman na may kumatok sa pinto at nakatingin lang si Steffi kay Jico na dumaan sa bintana paalis doon. Agad na napalingon si Steffi nang marinig niya na magclick ang pinto bilang signal na natanggal na ang lock noon at nakita niya si ZAC.

"ZAC, nandito ka na pala."

"Bakit hindi mo binubuksan 'yong pinto? Nakadalawang katok na ako."

"Ha? Galing kasi ako sa CR tapos hindi ko narinig," pagdadahilan niya.

Agad na naagaw ang pansin ni ZAC dahil sa hinahangin na kurtina at mainit na pagpasok ng hangin sa loob ng kwarto nila dahil bukas ang bintana doon.

"Bakit bukas 'yong bintana?"

Lalapit sana doon si ZAC pero agad siyang inunahan ni Steffi at siya na ang nagsara noon dahil baka nasa labas pa si Jico at makita siya ni ZAC.

"Pasensya na, naiwan kong bukas. Gusto mong magswimming ngayon?" pag-iiba niya sa usapan.

"'Wag na muna. Oo nga pala, mag-a-island hopping tayo bukas ng umaga."

"Talaga?" nakangiting sagot ni Steffi.

Kinakabahan pa rin siya sa mga nangyayari dahil baka makatunog ito na may ibang pumunta doon kaya naman pinipilit niya na ilihis ang ibang usapan. Kahit na hindi naman siya ganoon ka-interesado sa gagawin nila ay umarte na lang siya na parang gustong gusto niya.

"Oo. Sige, matutulog na muna ako."

Umupo na muna siya sa sofa at nagpakawala ng mahabang hininga. Akala niya talaga ay mahuhuli na silang dalawa ni Jico at grabe ang kaba na naramdaman niya. Pakiramdam niya tuloy ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Kinapa niya sa bulsa ang susi na ibinigay sa kanya ni Jico. Base sa itsura noon, para itong susi sa isang pintuan pero maaari rin na susi ng isang kandado... Ano man iyon, hindi niya rin alam at hindi na rin siya makapaghintay na malaman pa.

Pasko na ng araw na iyon. December 25. Sobrang bilis ng pagdaan ng panahon at sa loob ng ilang buwan na nakasama niya sina ZAC ay sobrang dami na rin ng nangyari sa buhay niya at ibang iba sa tahimik niya na buhay noon pero tanggap niya na magiging magulo ang buhay niya sa pagpasok niya sa mundo nina ZAC kung saan lahat ay nadadaan sa pera at kapangyarihan. Gayunpaman, handa pa rin siyang sumugal at desisido parin sa binbalak. At habang sumusugal ay pipilitin niya rin na i-enjoy ang nalalabi niya pang mga oras sa mundo dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili doon.

***

Inabot na lang ng gabi pero nananatili pa rin na tulog si ZAC. Napahawak si Steffi sa tiyan niya... naririnig niya na ang pagtunog noon dahil sa gutom at kailangan niya na talagang kumain.

Ano ba kasi ang ginawa ng lalaking 'to at mukhang pagod siya para matulog hanggang ganitong oras?

Napakamot na lang siya ng ulo. Hindi na niya kaya pang maghintay na magising ito at mas lalong ayaw niya rin itong gisingin. Sa mga ganoong panahon, si Jico lang ang maaasahan niya dahil wala din siyang pera kahit na singkong duling man lang. Kinuha niya ang cellphone niya para padalhan si Jico ng isang text message. Makikikain na lang siya dito o kaya uutangan niya ito ng pera na pambili ng pagkain niya.

To: Jico

Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita.

Nilalaro laro lang ni Steffi ang cellphone niya habang hinihintay ang sagot nito. Sinadya niya na hindi diretsahin ang text dito para mausisa ito at sumagot sa text niya pero imbis na text message ay tawag ang natanggap niya mula dito. Pumasok na muna siya sa loob ng CR para kung sakali na magising si ZAC ay hindi nito maririnig ang pag-uusapan nila.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon