Chapter 6: Little Act of Kindness
"Bumalik kayo sa trabaho niyo!" utos ni ZAC sa mga empleyado.
Hindi inaasahan ni ZAC na bigla na lang hihimatayin doon si Steffi at sa kalagitnaan pa ng pagtatalo nila. Iniisip niya na umaarte lang ito para magmukha siyang masama sa harap ng lahat.
"Kayo na ang bahala sa babaeng 'to," utos niya sa mga kasamahan niya.
"Ikaw ang may kasalanan niyan, pre. Panagutan mo 'yan," sagot ni Finn.
"Ano ba kasi ang ginawa mo dyan?" tanong ni Jerry.
"Aalis na kami nina Travis. May naghahamon ng away, eh," pagpapaalam ni Eli.
"Back-up na kami sa kanila. Sumunod ka na lang sa 'min, pinuno," dagdag ni Nathan.
Madaling umalis doon ang mga kasamahan niya at ang tanging naiwan lang doon ay sina ZAC at Kurt. Umiiwas ang mga ito sa responsibilidad na ipinapaako ni ZAC sa kanila.
"Kurt, ikaw--"
"Labas ako dyan."
"Naging girlfriend mo 'to, 'di ba? Bakit papabayaan mo lang?"
"Tingin mo ba seseryosohin ko 'yan?"
"Tulungan mo ako na dalhin siya sa unit ko. Alam mo na hindi ko siya kayang buhatin at alam mo din ang dahilan kung bakit."
"Ge."
Lumabas si ZAC para kunin ang sasakyan niya at pagdating niya sa tapat ng coffee shop, palabas na doon si Kurt at buhat buhat na nito si Steffi. Ipinasok nito sa loob ng sasakyan si Steffi at naunang umalis doon si ZAC. Sumunod na lang si Kurt dahil naka-motor ito. Pagdating sa condominium na tinitirhan ni ZAC, si Kurt pa din ang nagbuhat kay Steffi papunta sa bakanteng kwarto sa unit nito. 'Yon ang kwarto ng girlfriend niya noon. Madalas kasi itong nakikitulog kay ZAC kaya naman nagkaroon na ito ng sariling kwarto doon at hanggang ngayon ay wala pa din itong ipinagbago. Nilock ni ZAC ang kwarto na iyon at saka sila umalis doon ni Kurt para humabol sa mga kagrupo nila.
Pagkauwi ni ZAC ay tiningnan niya kaagad sa kwarto kung gising na si Steffi pero tulog pa din ito kaya umupo na muna siya sa sofa sa sala at nanood ng tv habang hinihintay itong magising. Napatingin na lang siya sa isang banda nang marinig ang boses nito.
"Bakit na naman ako nandito? Sino ang nagdala sa 'kin dito?" naiinis na tanong ni Steffi.
"Si Kurt. Kung ako 'yon, pinabayaan na lang kita na nakahilata doon."
"Aalis na ako. Babalik pa ako sa shop."
"Baka nakakalimutan mo na ikaw na ang nagkusa na umalis doon? Wala ka ng babalikan pa doon."
"Kukunin ko lang ang gamit ko."
"Ihahatid na kita."
"Tutal ikaw din naman ang dahilan kung bakit ako nandito, sige."
Hinatid siya ni ZAC sa coffee shop na 'yon pero hindi din siya umalis kaagad at hinintay niya si Steffi sa labas. Paglabas ni Steffi ay dala niya na ang lahat ng gamit niya. Nakita niya man si ZAC, binalewala niya lang ito at naglakad siya papalayo doon. Sinundan siya ni ZAC at mabagal nitong pinapaandar ang sasakyan para masabayan si Steffi.
"Oi!" sigaw ni ZAC mula sa sasakyan.
"May pangalan ako."
"May tutuluyan ka ba o trabaho na lilipatan?"
"Ang lakas ng loob mo na magtanong ng ganyan pagkatapos ng ginawa mo. Wala akong matuluyan ngayong gabi dahil dyan sa pesteng grupo mo! Nawalan na ako ng trabaho kagaya ng gusto mo dahil sa ginawa mo. Gusto mo ba talaga na maging miserable ang buhay ko? For your information, my life is already miserable even before I met you. In fact, you made it even worse! Ano, masaya ka na?"
"Ang drama mo! Kung wala kang trabaho, kaya kitang bigyan ngayon din. Magtrabaho ka sa 'kin. Tagaluto at tagalinis sa bahay ko tutal kailangan ko din ng alalay."
Nang marinig iyon ni Steffi, agad siyang lumapit kay ZAC.
"Magkano ang kikitain ko?"
"10,000 isang linggo. Sabihin mo lang kung kulang pa sa 'yo 'yan."
"Magtatrabaho ako sa 'yo sa isang kondisyon."
"Ano 'yon?"
"Doon din ako titira."
"Nagbibiro ka ba?! Hindi pwede!"
Nabigla si ZAC sa hinihingi na kondisyon ni Steffi. Kaya niya lang naman gusto na magtrabaho si Steffi para sa kanya ay dahil gusto niya itong inisin pero ayaw niya itong makasama sa isang bubong. Naisip na din ni Steffi ang posibleng intensyon ni ZAC kaya siya inalok nito ng trabaho. Alam niya na gusto lang siya nitong pahirapan pero hindi siya papayag na mangyari 'yon at iinisin niya din ito kung sakali.
"Ayaw mo sa kondisyon ko? Sige, aalis na ako."
"Te-teka! Sige, pumapayag na ako."
Napangiti si Steffi nang marinig iyon. Madali siyang pumasok sa loob ng sasakyan ni ZAC at dumeretso sila sa isang supermarket sa mall.
"Bumili ka ng pagkain para sa isang linggo. Ikaw na ang bahala pumili ng bibilhin mo. Bumili ka din ng mineral na tubig, sigarilyo at alak, 'wag mong kalimutan 'yan."
"Hindi ka sasama sa 'kin?"
"Hindi. May bibilhin pa ako. Hihintayin kita sa parking lot."
Mag-isang namili si Steffi. Tinagalan niya ang pamimili para matagal na maghintay si ZAC sa kanya para mainis ito. Binili niya din ang lahat ng mga kakailanganin pero hindi siya bumili ng sigarilyo at alak. Alam niya na ikagagalit 'yon ni ZAC pero wala na siyang pakialam. Pagkatapos niyang mamili ay umuwi din sila kaagad.
"Umupo ka muna dyan at 'wag kang aalis. May kukunin lang ako," utos ni ZAC.
Kumuha si ZAC ng isang basin na may laman na tubig at first aid kit.
"Akin na 'yang kamay mo."
"Bakit?"
"Akin na sabi!"
"Ayaw ko nga!"
Sapilitan na hinila ni ZAC ang kamay ni Steffi. Tinanggal niya ang bandage na nakabalot sa braso nito at nilinis niya ang sugat nito saka nilagyan ng gamot. Maingat iyon na ginagawa ni ZAC at hindi maiwasan ni Steffi na tingnan si ZAC habang ginagawa niya iyon sa kanya. Naninibago siya dahil sa nagpapakita ito ng kabutihan sa kanya.
"'Wag mo akong titigan. Baka ma-inlove ka sa 'kin. 'Yan tapos na."
"Bakit mo ginamot ang sugat ko? Siguro may masama ka na pinaplano, ano?"
"Madami akong ipapagawa sa 'yo na gawaing bahay kaya dapat gumaling na 'yan. Magluto ka na. Gutom na ako."
"Oo na."
Tumayo na si Steffi para ligpitin ang mga pinamili at makapagluto.
Ikaw na mismo ang naglalapit sa 'kin sa pamilya niyo. Sisimulan ko na ang paghihiganti ko at sisimulan ko sa 'yo 'yon, ZAC.
BINABASA MO ANG
An Orphan's First Love: Love or Revenge
Novela JuvenilBook 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION