XVI

1.3K 27 7
                                    

[a/n] : Sorry po sa matagal update. Busy po sa school at kakatapos lang ng exams.

After that call hindi na kami ulit nakakapag-usap ni Kenneth. Hindi ko na rin siyang masyado nakikita sa school. Nakakaasar nga e pagkatapos niya ako hindi patulugin nung last call dahil sa kakaisip sa sinabi niya. Nung isang araw nga nakasalubong ko siya pero kahit isang tingin di niya ako tinignan. Para bang iniiwasan niya ako. Ewan ko!


Sa hindi niya pagpansin sa akin ganun na din ginawa ko, ano pa bang magagawa ko. Alangan namang suyuin ko siya. Baka sa huli magmukha lang akong tanga dahil siya naman itong unang hindi namansin e. Kaya tiis tiis muna ako na hindi siya kausapin.


Kasama ko ngayon si Althea at kumakain kami sa cafetria kasama din namin si Daniel yung 'manliligaw' niya. Pasado naman itong lalaking ito e, gentleman naman at sa mukha at kinikilos alam mo ng matino e. Ako kaya kelan ako liligawan?


Hindi nga ako pinapansin liligawan pa kaya? Napabuntong hinga na lang ako sa iniisp ko. Sakto namang pumasok si Kenneth sa cafeteria kasama ang mga kaibigan niya, tumingin tingin siya sa paligid na para bang may hinahanap siya tao hindi pupwestuhan.


Nang magkasalubong ang mga mata namin napaiwas ako ng tingin. Ano bayan Denise nahuli ka ano na sasabihin sayo nun? Kumain na lang ako ng pagkain ko. "Okay ka lang?"tanong sa akin ni Daniel kaya napatingin ako sa kanya. Tinuro ko sa sarili ko "Bakit naman ako hindi magiging okay?" tanong ko at siya naman tumingin kay Althea kaso busy sa pagcecellphone.


"You look nervous" eto lang ayaw ko dito sa lalaking ito e pala english halos mag nosebleed na ako kapag kasama namin siya ni Althea.


"Ha? Ano kase--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng may tumawag sa kanya napatingin naman ako.


"Daniel magprapractice na tayo para sa game tara na" si Kenneth.

Tumingin naman sa akin si Daniel "Bye na muna mamaya na lang" sabi niya sa akin at nagbabye na din kay Althea.


"Althea ano ba yang pinagkaka-busyhan mo diyan at hindi mo kami pinapansin ni Daniel" tumigil siya sa pagcecellphone at tumingin siya sa akin dahan dahan. Okay I shouldn't ask.


"Okay" sabi ko at hinarang ko ang kamay ko sa harap ko baka kasi anong gawin e. Tumingin na ulit siya sa cellphone niya at maya-maya ngumiti na. Nasa magandang part na pala siya ng pagbabasa sa wattpad.


Nung natapos ko na ang kinakain ko niyaya ko na si Althea sa may field para namn makapagrelax kaso nagpumilit na panoodin na lang daw namin ang practice/training nila Daniel.

Kaya eto tunganga to the max. Si Althea kinikilig habang pinapanood sumayaw si Daniel dahil yun daw ang consiquence kapag nanduduya sa pagtraining cool nga e. Napapatingin ako kay Kenneth kaso hindi naman siya tumitingin sa akin, ano ba nagawa ko?


May pumasok naman sa gym grupo ng lalaki familiar sa akin yung isa. Ah alam ko na si Jasper ang gagong lalaking nagpaasa sa best friend ko. Lumapit sila dito at naramdaman ko namang tumingin dito si Althea magsasalita na sana ako ng magsalita si Althea.


"Uy may ogag kokak" turo ni Althea sa lapag papunta sa grupo ng mga lalaki hanggang sa ceiling.


"Hi" bati nung isa sa kanila.


Hindi pinansin ni Althea kaya hindi ko na lang fin pinansin para saan pa?


"Sabi ko hi"

"Alam mo Mr. Hindi ko alam ang pangalan, wag kang epal pwede? At kung pumunta ka dito para pumampam lumabas ka na dahil walang gusto ng presence mo dito" okay improvement para kay Althea ang haba ng sinabi niya.


Tumaas naman ang kilay nung isang lalaki. "Miss masyado ka naman ata makapagsalita"


Lalong tumaas anv isang kilay ni Althea "Ako" sabay turo ni Althea sa sarili niya "Ako sumosobra? E bakit hindi mo kaya tanungin yang gago mong kaibigan?" napatingin naman lahat kay Jasper ng tignan ni Althea.


"May problema ba?" dumating si Kenneth at Daniel na ngayon nasa gitna namin.


"Etong mga kupal na yan mema" sabi ni Althea.

"Nanggugulo kayo?"tanong ni Kenneth.


"E ano naman?" kaasar yabang neto ha. Palibhasa mukhang ampalaya ang mukha ang pagkabitter lang kay Althea.

"Palibhasa kasi mga natanggal sa varsity kaya ganyan" oy teka parehas kami 'palibhasa'

"Tara na Althea at Daniel" yaya ni Kenneth so ako maiiwan ganun?

Hindi talaga ako umalis sa pwesto ko dahil hindi naman ako tinawag diba?

Pero talagang iniwan nila ako nakakaiyak naman. Kinalimutan na ako.

Lumabas na ako ng gym at dumeretso sa library. Nakapalumbaba lang ako magdamag hindi ko akalaing iiwan ako ng tatlong yun. Nagvibrate phone kaya tinignan ko.

Globe lang pala.

My Everlasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon