XVIII

1.2K 27 3
                                    

Sa mga lumipas na araw lagi na kaminf magkasama ni Kenneth ayaw niya kaming nagkakahiwalay syempre except kapag magbabanyo, klase at kapag sa bahay. Pero sobrang sayo ko!



"Hoy Ate! Kilig na kilig ka nanaman diyan" sabay sundot ni Althea sa tagiliran ko.


"Bakit inggit ka? Kase hindi ka tinetext ng jowa mo?" tinaas naman niya ang kilay niya kaya tinignan ko na lang ulit ang phone ko.


"Ay oo nga pala Denise yung sa math nagawa mo na?" tanong ni Althea at nilabas ang libro niya sa bag.


"Ako?" sabay turo ko sa sarili ko. "Ako! Gagawa sa math?"


"Okay! Okay! Masyado ka kung makareact e! Wag kang kokopya ha" sabi niya at nagsimulang buklatin ang libro.


"Aba walang ganyanan! Gawa ng isa, gawa ng lahat" tumayo ako. "Don't forget, Ang magkakalasing nagkokopyahan sabay gagraduate" tinaasan niya lang ako ng kilay at sinimulan na gawin ang assignment. Suplada.


Habang nagcecellphone ako may bigla na lang yumakap sa akin sa likod kaya napangiti ako.


"Hi" bati ni Kenneth sabay kiss sa cheeks ko.

"Oh sayo na lang!" sabay abot sa akin ni Althea ng kamatis.

"Aanohin ko yan?" tanong ko.


"Tignan mo sa salamin kung sino mas pula sa inyo" napakacorny talaga netong kaibigan ko.


Napag-isipan naming tatlo na mag mall na lang tutal wala na kaming gagawin dito sa school malapit na din ang christmas party kaya busy na ang mga teacher at staffs.


Humiwalay sa amin si Althea dahil sabi niya may bibilhin lang daw siya kaya naiwan kami dito dalawa ni Kenneth.


"Kamusta araw mo?" tanong niya.


"Okay lang, ikaw?" ano ba kinikilig akey.


"Okay lang din, wala ka bang kaylangan bilhin?" tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako.

"W-wala na namam tapos na ako mamili kahapon e" sabi ko.


Bigla namang nagring ang phone kaya tumayo siya at lumayo sa akin. Pagkatapos niya sa phone call umupo siya ulit sa tabi ko, tatatnungin ko na sana kung sino yung tumawag pero dumating na si Althea.


"Tara kain tayo" yaya ni Althea.


Habang naglalakad kami inakbayan ako ni kenneth kaya napatingin ako sa kanya tapos kay Althea na ang sama ng tingin sa amin.



"Alam niyo kung sinama niyo lang ako para maging third wheel nako!" may pagkabitter pa din po si Althea. Hindi kasi nakasama ang kanyang 'boyfriend' dahil may tinatapos pa sa school.


Pagkatapos naming kumain napag-isipan na naming umuwi.


"See you tom?" tanong ni Kenneth sa akin pagbukas niya ng pintuan ng sasakyan.



"See you" sabi ko at niyakap siya para magbabye.


"Sige, good night! Matulog ka na wag ka ng magpuyat ha"


"Opo! Good night din, ingat kayo pag-uwi" nakipagtalo pa muna ako na umalis na sila bago ako pumasok pero siya ang nanalo, pumasok na muna ako ng bahay tsaka sila umalis.


Ang saya ngayong araw... Sana walang lungkot na darating.


My Everlasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon