XX

1.1K 24 0
                                    

"Ano ba ibig mong sabihin na may iba akong minamahal bukod pa sayo? Wala ka bang tiwala sa akin? Ilang beses ko namg sinabi sayo na mag kaibigan lang kami!" napayuko ako dahil sa mga sinasabi ni Kenneth.


"Hindi naman kase sa ganun ang akin lang sobra na kayo nagiging close at hindi ko naman maiiwasang magselos dahil girlfriend mo ako at mahal kita" pinipigilan ko lang ang mga luha ko dahil ayaw kong makita niyang umiiyak ako.


"E wag ka nga mag selos sa kanya dahil kaibigan ko lang siya iba siya, ano gusto mo na layuan ko na lang siya?" sabi niya at mukha ng naiinis.

"Hindi ko naman sinasabi na layuan mo siya ang sa akin lang ay distansya! Kase minsan naririnig ko na lang sa iba na "Hindi na ba si Kenneth at Denise?" syempre sino kaya hindi masasaktan dun e girlfriend mo pa rin naman ako. Sana maintindihan mo yung point ko dun" hindi ko na mapigilan yung luha ko kaya hinayaan ko na lang.

Isang katahimikan ang bumalot sa amin. Kung hindi pa dumating si Althea wala pang magsasalita sa amin.

"Oh, Ano na nangyari akala ko ba mag-uusap kayong dalawa e bakit walang imikan?" sabi ni Althea at umupo sa tabi ko.

"Hay nako! Kayong dalawa! Walang uuwi hanngat hindi kayo nagkakaayos, dun lang ako" tumayo siya at lumayo sa amin.


"Be bati na kasi tayo wag ka na magalit" sabi ko sa kanya habang hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi naman kase ako galit" sabi niya.

"E ano lang?" tinignan ko siya.


"Wala lang, sorry" pagkasabe niya magsorry niyakap ko siya at nagsorry din ako sa kanya.

"Tara nahatid na kita" paalis na sana kami nun nang bjglang may bumatok sa aming dalawa.


"Ano? Iiwan pa ako at kakalimutan pa!" sabi ni Althea habang naka pamewang "At ikaw" turo niya kay Kenneth "Isusumbong kita kay tita akala mo!" tapo nauna na siyang pumasok sa sasakyan.

Nagkatinginan na lang kami ni Kenneth at sabay na tumawa. Pagkahatid nila sa akin medyo nagtagal pa kami dahil nagutom si Althea kaya kumain muna sila ni Kenneth dito sa bahay.

"Alis na kami.. Kita na lang tayo sa school" sabi niya at hinalikan ako sa noo at niyakap.



"I love you" sabay niyakap ko siya pabalik.



"I love you too, matulog ka na agad wag ng magpuyat" pagkasabe niya nun sumakay na siya ng sasakyan at hinintay ko hanggang sa mawala na sa paningin ko yung sasakyan pumasok na ako sa loob ng bahay.


Mag-away man kami ng paulit-ulit gagawin namin ang lahat para lang hindi kami maghiwalay.

My Everlasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon