XXV

2.6K 35 3
                                    

Denise's POV

4 years after....

"Kenneth ano ba gumising ka na" paggising ko kay Kenneth dahil malelate na siya sa meeting tumawag na kasi ang secretary niya. "Kenneth!!" gumalaw siya pero nagkumot lang ulet at tumalikod sa akin. "Isa" sabi ko at tumayo na. Humingi pa siya ng limang minuto pero kanina niya pa ginagawa yun kaya naman hinampas ko na siya ng unan, kaya napaupo siya. "Ano?! Wala ka ba talagang balak gumising ha? Late ka na sa meeting mo!" pagkasabe ko nun bumaba na ako at dumeretso sa kusina para mag almusal.

Inaayos ko yung bag ko ng niyakap niya ako galing sa likod. "Good morning and I love you" napangiti ako at humarap sa kanya. "I love you more" kiniss niya ako sa noo at niyakap ulet.

Napatingin naman kami sa mga batang tumatakbo pababa ng hagdan. "Be careful going downstairs babies" sabi ni Kenneth sa mga anak namin. "Daddy si Kuya Ken kasi inaasar ako" sumbong ng prinsesa naming si Gab. Kinuha namin yung mga pangalan nila sa mga pangalan namin dahil yun ang gusto ni Kenneth.

Sabay sabay kami nagbreakfast at sabay sabay din kami umalis ng bahay, hinatid muna namin sila Ken at Gab sa school nila atsaka kami pumasok sa trabaho namin ni Kenneth.

Nang makauwi kami ng maaga ni Kenneth ngayon sinundo namin sila Kent at Gab at nagdinner kami sa paborito nilang restaurant. Nang makapasok kami sa restaurant may natanaw akong pamilyar ang likod kaya nilapitan ko. "Bessy" bulong ko sa kanya habang nakatalikod siya. Niyaya niyang magtatabi tabi na lang kamo dahil kasama niya din pala ang buong pamilya niya.

"Ano ba, kasi naman e" nagkwekwentuhan kami nila Althea nang mapatingin kami kay Samarra. Nakita ko naman si Ken na tumatawa ng patago kaya sinamaan ko siya ng tungin at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya nagsorry na siya kay Samarra. Kung kami dati ni Althea magkasundong magkasundo si Ken at Samarra ay parang aso at pusa kapag nagsama. Nagkwentuhan pa kaming lahat hanggat sa may dumating na binata na sobrang lakas ng appeal, kung dalaga pa ako ngayon paniguradong magpapaligaw ako dito. Bumeso siya kayla Althea at kay Daniel at sa amin ni Ken. Nakipag apur naman siyang sa anak kong si Ken "the second" at bumeso kay Samarra at Gab. "Anyare sa mukha mo Samarra?" tanong niya sa kapatid niya. Sinamaan naman ng tingin ni Samarra si Ken II kaya sinuntok ng mahina si Ken II.

Nang matapos kami magdinner nagpaalam na kami kayla Althea. Pagkauwu namin bumeso at nag goodnight na yung dalawa at nagkanya kanya na dahil inaantok na daw sila. Nang makarating ako sa kwarto nagpalit na ako agad ng damit at pagkatapos humiga na ako para makatulog. Maya maya may yumakap sa akin at humalik sa ulo ko. "I love you so much, ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay" sabi ni Ken at niyakap pa ako lalo.

"I love you too, My everlasting love" ngumiti ako at niyakap siya pabalik.

My Everlasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon