CHAPTER 13

10 2 0
                                    

CHAPTER 13

Zel's POV

Another boring day inside this classroom. Nakadukmo lang ako kasi sobrang nakakaboring yung pinagaaralan namin..

Nagulat ako ng biglang may tumapik sa balikat ko.. Nakatulog pala ako...

" Uhmm Zel gising kana.. lunch na" tumayo nalang ako at di siya pinansin.. pero hinabol niya ako..

"Sabay na tayo sigurado naman na andun na sila eh.."

"Bakit dikapa nauna, Daryl" yeah right its Daryl.. awkward kase para sakin yung nangyari nung isang araw. yung sa likod ng school building..

"Sinabi sakin ni Bianca na gisingin daw kita at mauuna na sila..." I just nod my head at him then we head our way to the cafeteria...

Habang kumakain kame diparin matigil ang pagiging sweet ni Bianca at Blake.. Well I think nagkakamabutihan na sila..

"Totoo naba yan??" Untag ni Drake sa kapatid niya..

"Oo naman ikaw lang naman ang playboy eh." at nagtawanan naman silang lahat.. tss ang bababaw ng kaligayahan.. pero masaya ako para kay Bianca.. After the pain that she had gone through..

Ampon lang siya ng kinikilala niyang magulang ngayon.. at yung kapatid niya, yung tunay na anak, ay sobrang galit sa kanya kaya nandito siya sa Pilipinas para hindi na lagi sila magaway ng kapatid niya..

I was hit back to reality when Daryl touch my hand.. Bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko ngayon... sa sobrang gulat ko agad kong binawi ang kamay ko..

"Ahh.. eh.. S...sorry nagulat ata kita.. Nagyayaya lang sina Bianca na mag barhopping mamayang gabi.." Daryl said

"Miss please sama ka naman.. para nadin makabonding ka ulit namin.. Simula nung bumalik ka galing states di pa uli tayo nagbo-bonding.." kumikislap pa yung mga mata ni Bianca habang sinasabi yan..

"Its fine with me then..." walang emosyon kong sabi.. ayokong ipakita na kakaiba yung naramdaman ko sa pagtatama ng balat namin..

"Yes.. Thankyou miss.. So its settled.. Kita kita nalang mamaya sa Bar.." after that naghiwahiwalay na kami papunta sa kanya kanya naming klase. Kasabay ko naman sina Daryl, Drake at Blake kasi magkakablock naman kami..

Pilit akong kinakausap ni Daryl pero tanging tango lang o iling ang nagiging sagot ko.. medyo wala na yung pagka-ilang ko, muka naman kasing hindi niya sinasabi dito sa dalawang ugok na kaibigan niya yung nangyari.. buti nalang

-------

Andito na kami ngayon sa Bar.. I just wear a simple black jeans, black shirt and black rubber shoes..
I am not used to go to some places like this in the States. It is because I am always with my sister. Ako ang nagbabantay sa kanya dun pero di nman ako naninibago sa ambiance ng lugar..

Katabi ko ngayon si Daryl.. Hindi ko alam pero gumaan talaga yung loob ko sa kanya since the time that he comforted me.. hindi nako naiilang sa kanya.. konting konti nalang..

"Ok ka lang ba?" Daryl snap me back to reality.. napatingin ako at lahat sila nakatingin sakin..

"Yah.."

Umorder na kami ng mga inumin namin.. Tahimik lang akong umiinom.. Naka limang bote nako pero wala paring tama... Sanay naman kase ako at di ako ganon kadali malasing.. Kung tatanungin niyo sina Bianca.. Ayun nasa dancefloor sila.. Party girl kase tong si Bianca... I was still looking at them when a hand suddenly got my attention.

"Tara.." Nakatitig lang ako sa nakalahad na kamay ni Daryl.. Inaaya niya ba ako sumayaw?

"tss" at hinila na niya yung kamay ko.. eto na naman yung bolta-boltaheng kuryente..

Pagdating namin sa dancefloor saktong nagsweet yung music..

NP: Gusto Kita
by Gino Padilla

He place my hands on his shoulder and his hands on my waist..

We are dancing in accordance to the rhythm of the song.. Nakatingin lang ako sa mga mata niya.. diko maintindihan yung mata ko parang nagkakaemosyon pag nakatitig ako sa kanya.. Para bang kami lang ang tao na sumasayaw. kaming dalawa lang.. my knees are trembling that I need his support in order for me to stood still... Wait.. Am I.....

No! mali to.. mali yung nararamdaman ko.. di pwede to.. Bumitaw ako sa kanya sabay tumakbo palabas sa bar.. Mali to.. maling mali to..

Daryl's POV

Nakatitig ako sa mga mata ng babaeng kasayaw ko ngayon.. Sobrang ganda niya.. kakaiba yung mata nya ngayon kesa dati.. yung ngayon puno ng emosyon.. Its like we are talking with each other with the use of our eyes..

Pero nagulat ako ng biglang naging blanko ulit ang mga tingin niya at bigla nalang siyang umalis. Hinabol ko siya pero ang bilis niya at naglaho na siya sa paningin ko.. Shit! shit!! anu ba nagawa ko.. Perfect na eh!!

Nagtext nalang ako kina Blake at Drake na nauna na ko...

--------
Nakahiga nako ngayon. Iniisip ko padin ang nangyari.. Diko alam kung anong nagawa ko.. Yung mga mata niya.. Ahhhh!!!!! Napasabunot nalang ako sa buhok ko.. basta aalamin ko bukas ang dahilan niya...

------------------------------

The Gangster's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon