THYRONE'S POV
alas syete na ng gabi ng makauwi ako ng bahay galing sa GEB. sobrang saya ko kasi nakilala ko na si ro-ann ng personal :). di ko maiwasan ngumiti pag naaalala ko mga kwentuhan namin..
"HOY! THYRONE! anongnginingiti-ngiti mo jan? nababaliw kana ba?" singhal sakin ni mama, haha grabe di ko namalayan na ngumingiti ako mag-isa
"halika at tulungan mo nako dito sa niluluto ko at ng makakain na tayo." kaya tumayo nako at tinulungan si mama..
--
habang kumakain kami, tinatanong ako ni mama kung san ako galing..
"agg nakipag EB lang ma,," yep open kay mama ang pagsali ko sa clan.. haha odiba astig.
"ahh. ok. bilisan nyo ng kumain at magpahinga na kayo.." haha baet ni mama ngayun ahh.. haha lol
mabait naman talaga si mama, naiimpluwensyahan lang ni papa kasi nga lagi silang nagaaway huhu..
babaero kasi ang tatay ko.. haha pero syempre hindi ako haha.. mejo lang, siguro dati.. pero ngayon di na masyado.. haha XD at magbabago pa ko lalo para kay Ro-Ann hihi..
--
to: LOVEBHABE
"hey, nakauwi kanaba? mm may tatanung sana ako."
haha palakasan na ng loob to.. ngayun paba ako maduduwag? eh sigurado ako sa nararamdaman ko, haha mabilis man para sa paningin nyo eh ganun talaga, di mapipigilan ang puso..
from: LOVEBHABE
"yep, :P nakakain na nga ako eh.. ano yung tatanong mo?"
to: LOVEBHABE
"mm' buti naman.. alam ko kelan lang tayo nagkatxt at kanina lang tayo nag-usap in person, alam kong di pa tayo ganun magkakilala, pero masaya ako, twing katxt ka at sobrang masaya ako kaninang kausap kita.. can we know each other more through courting? can i court you?"
wooh napa-speech ako dun ahh.. sana di ako mareject please >.<
"PIKACHUUU!" kinakabahan ako di ko alam kung bubuksan ko na..
from: LOVEBHABE
"ahmp.. goodluck :)"
huh? bakit goodluck sagot nito? does it mean pinapayagan nya nako? haha shit! para makasiguro, tinanong ko sy..
to: LOVEBHABE
"pinapayagan mo nako?"
from: LOVEBHABE
"ang slow mo naman >.< sasabihin ko bang goodluck kung hindi?"
haha oo nga naman kase thyrone!
to: LOVEBHABE
"naniniguro lang :) haha thankyou.. promise di ka magsisisi.."
--
january 17, ng pinayagan akong manligaw ni Ro-Ann, April na ngayun so almost three months na akong nanunuyo.. haay kelan ko kaya sya mapapasagot? >.< excited nakong tawagin syang bhabe :(
April 19..
Sinundo ko si Ro-Ann sakanila. yep, legal ang panliligaw ko sa bahay nila. kaya di ako nahihirapan, at boto din naman sakin ang mga ate nya, di ko lang alam kung pati si mama nya..
"tara na?" tanong ko sakanya, tapos na kasi syang mag-ayus at lumabas na sya ng kwarto nya, si ro-ann yung taong simple, ni walang kolorete, pati hikaw, bacelet oh anu man .. tanging polbo lang ok na sakanya.
"sge. :) paalam lang ako kila mama." nasa kusina kasi si mama nya at sila ate..
"ma, alis napo kami.. uwi din ako before dinner."
"sige ingat kayo, hoy thyrone yung anak ko, pakiingatan." bilin sakin ni mama nya..
"opo tita, akong bahala." hindi kami close ni mama nya, sadyang feeling close lang ako haha..
--
nasa park kami ni Ro-Ann ngayun
katulad ng dati, kwentuhan asaran at kung anu-anu ginagawa, hanggang sa nabigla ako
"april 19, remember this day huh?" mejo naguluhan ako..tumingin sya sakin at sinabing
"i'm officially your's :) sinasagot na kita, BHABE:)" inemphasize nya yung bhabe.. shit.. nashock ako, di ko alam magiging reaction, hanggang sa narealized ko nalang na niyakap ko sya sa sobrang tuwa.. haha :) ang saya ko!!
--
sobrang masaya, ang bawat araw ng maging official na kami, yung mga ngiti sa labi ko di matanggal, pati si mama ko masaya para sakin dahil iba daw epekto sakin ni ro-ann.. legal din kami sa parents ko at sobrang boto sila sakanya, minsan nga pag nag-aaway kami, nagagalit sakin si mama, oo i ro-ann kinakampihan nya, kahit minsan eh si ro-ann ang may kasalanan.. pero yung nga, hanggang sa dumating yung araw na bigla akong nanlamig.. di ko rin anong dahilan ng panlalamig ko, alam ko sa sarili kong mahal ko pa sya pero parang di na katulad nung saya nung bago pa lang kami..
nakipaghiwalay ako, na isang malaking pagkakamali..
*end of flashback*
sarreh.. mejo magulo ba? haha maraming sweet moments nung sila pa pero mas madami ngayung nanunuyu sya ulit, abangan :)
-author
BINABASA MO ANG
We're meant to be, APART.
Teen Fictionhindi lahat ng bagay masasagot ng puso, hindi sa lahat ng panahon magdedesisyon tayo base sa nararamdaman nito, minsan kailangan nating mag-isip. #enjoyreading