Chapter 1 (Private)

31.7K 550 6
                                    

"Ahhhhhhh, uhhhhhmmmm..." ungol ng lalaking kinakababawan ni Magda. Pikit na pikit ito at kagat-kagat pa ang labi.

Paanong hindi sya hahataw sa performance nya sa chinitong ito, ang ibinabayad ng singkit na ito sa kanya ay kaya nang makabili ng second hand na sasakyan. Hindi pa kasama roon ang mga gadgets at iba pang luho na natatanggap nya mula rito.

Nunca, kung hindi dahil sa pera nito ay baka tumanda na itong tigang at ni dulo ng daliri ng mga kababaihan ay hindi ito makatikim. Pero dahil sa bilyonaryo ang lokong singkit ay marami itong babae. Ngunit sa lahat ay siya talaga ang paborito nito.

Lupaypay ang matanda matapos ang kanyang performance. Sa isip-isip ay natatawa si Magda sa kanyang sarili. Wagas kasi kung makaungol ang damuho, samantalang kamay lang naman ang gamit nya sa pagpapaligaya rito. Dahil na rin kasi sa katandaan ay hirap na ang pagkalalaki nito, kaya ganoon na lamang ang setup nila ng matandang singkit.

"Kaya ikaw akin paborito eh, you're so good and pretty," ngiting-ngiting sabi sa kanya ng matanda habang uugod-ugod na isinusuot ang mga damit nito.

Sya naman ay pumasok muna sa banyo, nagtoothbrush at hinugasan nang paulit-ulit ang mga kamay. Pakiramdam nya ay naglamutak siya ng isang napakaruming bagay, bagay na masahol pa sa dumi ng tao o hayop. Matapos iyon ay tinitigan nyang mabuti ang mukha sa salamin.

'Maganda naman ako, seksi, pwedeng pwede nga kong maging model eh kung gugustuhin ko lang. Pero bakit kailangang sa ganitong trabaho ako mapadpad? Ipinapangako ko, makakaalis din ako rito sa maduming gawain na ito. At sana lamang ay dumating pa ang taong kaya akong tanggapin sa kabila ng marumi kung nakaraan,' litanya nya sa isip.

Wala nang pakialam si Magda kung gaano man siya katagal sa ganoong sitwasyon. Wala na sa kanya kung mainip man si tanda sa kahihintay sa kanya. Ngunit nang maalala niya na hindi pa nga pala nagbabayad si tanda ay dali dali siyang lumabas. Wala na si tanda pero nasa kama ang dalawang bundle ng perang tig-iisang libo. Dahan dahan niyang binilang ang pera, at umabot iyon ng dalawandaang libong piso. Galante talaga si tanda. At least di na nya pro-problemahin ang pambayad nya sa susunod na semester nya.

Lumabas si Magda ng balkonahe at nagsindi ng sigarilyo. Humahaplos sa balat niya ang pang-gabing hangin ng siyudad. Hindi nya maiwasang alalahanin ang mga panahon na halos mas gusto nya na lamang piliing mamatay...

"Suuunnnoooggggg! Suuuuunnoooggggg!"

Mausok, maingay at nagkakagulo ang mga tao isang hapon pag-uwi ni Magda mula sa eskwela. Halos lumundag ang puso nya mula sa kanyang dibdib nang makitang tinutupok ng apoy ang kanilang bahay. Uso raw ang sunog kapag Marso, pero di nya akalaing mangyayari sa kanila yun. Sa totoo lang ay hindi naman talaga nakakagulat na mangyari iyon dahil dikit-dikit ang kabahayan sa kanila at uso pa ng pagja-jumper ng kuryente. Ang lugar nila ay parang isang lawa ng gasolina na isang kislap na lang ang kulang.

Agad syang tumakbo papunta sa nasusunog na bahay. Kung gaano ang bilis nya sa pagtakbo ay ganoon din kabilis nahagip ng isang bumbero ang kanyang braso upang pigilan siyang makapasok sa loob ng kanilang bahay na halos natutupok na ng apoy.

"Ineng, magpapakamatay ka ba?! Susugod ka sa apoy? Ano ka, si Wonder Woman?" hiyaw sa kanya ng bumbero na nagkakandatalsik pa ang laway.

"Yung mga magulang at kapatid ko ho manong, nasa loob po sila. Si-si nanay tsaka po si-si tatay, may sakit, baka ho di sila agad ma-makalabas," humihikbi na paliwanag nya. Magkahalo na rin ang luha at sipon nya sa mukha.

"Naku, ineng, ipagdasal na lang natin na ligtas ang mga magulang mo, pero wag mo nang isugal ang buhay mo. Baka ang mangyari eh nakaligtas pala ang mga magulang mo at ikaw naman ang nasunog!"

May punto nga naman si manong. Ang dapat nya na lamang sigurong gawin ay hanapin ang mga nakaligtas. Sana, sana lang ay kasama roon ang kanyang mga magulang at kapatid nya.

"Jusko, Mamang,Papang. Huhuhu."

Halos magkandapatid siya sa paghahanap ng pinagdalhan sa mga nakaligtas mula sa sunog. Ngunit naapula na't lahat ang sunog at naghahakot na lamang ang mga bumbero at taumbayan ng mga naisalba nila sa sunog ay hindi pa rin nya nakikita ang mga hinahanap.

"Ineng! Ineng!"

"Aling Beka, nakita nyo ho ba sina Mamang at Papang?"

"Naku, ineng... hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo 'to. Hindi na nakalabas ng bahay ang mga magulang mo."

Nangiti sa kawalan si Magda, sabay pahid ng butil ng luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Inisang hithit na rin nya ang maigsi nang sigarilyo tsaka itinapon. Sa pagtawa ay muntik pa siyang masamid dahil sa kapal ng usok na kanyang ibinuga.

"Tanginang buhay 'to ah. Sumulat kaya ko sa Maalaala Mo Kaya? Baka sakaling pagkakitaan ko pa 'tong lecheng buhay na 'to."

Kapag sobra sobra na ang kanyang pera, lagi nyang pinapaalalahanan ang sarili na komunsulta sa espesyalista. Sa pakiwari nya kasi ay nababaliw na sya. "Pero hindi naman siguro. Normal lang naman siguro na kausapin mo ang sarili mo paminsan-minsan. Kaso yung sayo, di lang minsan, madalas!" sabi ng bahagi ng isip nya.

Papasok na sya sa kwarto nang tumunog ang kanyang telepono, at kilalang kilala na nya kung sino ang nasa kabilang linya. Nanggigigil na pinindot nya ang button ng telepono. Eto na ang buwaya, alam na alam na 'to.

"Oh, Ninong..."

"Magda, pinapaalala ni Mamasang mo yung parte nya raw para sa gabi mo ngayon. Eh alam mo naman 'to, di matutulog 'to."

'Bwiset. Wag ka na sanang magising kapag nakatulog ka na!'

"Ah, oho, 'Nong. Daan ko na lang ho dyan bukas."

"Okay. Good. Ipag-ipit mo na rin ako huh."

'Tangina mo!' Sa isip-isip nya. 'Yang ulo mo kaya ang ipitin ko nang mapisak na yang utak mong gamunggo?' Pero syempre ay hindi nya isinaboses yon. Mahirap na at baka matsugi pa sya nang maaga. Bait-baitan mode sya.

"Sige ho," sabay dura.

Sya ang nahihirapan, pero halos kakarampot na lang ang natitira sa kanya. Kung kaya nya lang ibalik ang mga panahon na nakilala nya ang dalawang iyon ay babalik talaga sya at gagawa ng paraan upang makaiwas sa mga demonyong yon. Magandang buhay pala huh! Eh ang mga damuho lang ang gumanda ang buhay eh, dahil sa ipinapasok nyang pera sa mga ito. Bakit kasi ang tagal ng karma sa mag-asawang yon. Si "Ninong" kung kanyang tawagin ay isang malaking lalaki na malaki ang tiyan at kaunting hangin na lang ay hihiwalay na ang mga hibla ng buhok sa anit. Kabaligtaran naman si "Mamasang." Hindi bagay sa edad nito ang hitsura. Mas bata itong tignan dala na rin ng palaging nakapustura. Slim din ito at maganda ang kutis. Madalas nyang maitanong sa sarili kung bakit sa ganoong trabaho ito napadpad, at malaking palaisipan din sa kanya kung bakit ito pumatol kay Ninong. Ang chaka naman kasi ni Ninong.

Ngunit nakabuo na sya ng plano. Hihinto na sya sa gawain. 'Aba dapat lang! Sana nga ay noon mo pa naisip yan eh!' singhal ng bahagi ng kanyang utak. Kahit papaano naman ay may kaunti na syang ipon. Ang dapat na lamang siguro nyang gawin ay makahanap agad ng bagong raket bago pa maubos ang kanyang datung.

Kakailanganin nya ng matibay na lakas ng loob at siguradong mahabang paalamanan ang mangyayari sa kanila nila Mamasang. Pumayag man ito o hindi ay titiwalag na sya sa grupo, grupo ng mga babaeng mababa ang lipad.

Kung papalarin at may isang taong magmahal sa kanya nang totoo at tanggap sya sa kung sino sya at anuman ang nakaraan nya ay doon nya lamang masasabi na kontento na sya sa buhay. Pero hindi ibig sabihin non ay ipapangalandakan nya ang kung ano sya noon. Hindi pa rin nya hahayaang may makaalam na minsan sa kanyang buhay sya ay naging si... MAGDA.

Itutuloy....  

<<<<<>>>>>

Liked the story?  Don't forget to Follow Me, Comment and Vote :)

Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon