Nang makapasok sa tinutuluyan ng lalaki ay agad nilinga ni Magda ang paligid. Puti at itim lamang ang pintura ng condo ng binata. Orasan at LED TV lamang ang nakasabit sa dingding. Maliit na mesa at sofa lamang ang nasa living room. Sa kusina naman, kalan, ref, microwave at wala masyadong mga gamit panluto. Pero bumawi naman ito sa ref na ubod ng laki. Nang buksan nya ay puno ng mga alak, bottled water at mga instant food na isasalang na lamang sa microwave. Kaya naman pala madalas sa kuya nito ito nakikikain. Hindi siguro marunong magluto. Napakislot sya nang bigla na lamang itong yumakap sa kanyang baywang mula sa likod at agad ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.
"Shower lang ako, Sexy," sabay tapik nito sa kanyang pwet na kanyang ikinagulat. Nang humiwalay ito sa kanya ay tsaka nya lamang napansin na nakatapis na lamang pala ito ng tuwalya. Nang tumalikod ay di nya maiwasang pagsawain ang mga mata sa malapad at pinagpala nitong pang-upo. Bigla naman itong lumingon at agad naman syang tumalikod. Napahagikgik sya nang marinig ang papalong halakhak ng binata.
Naglibot-libot pa si Magda at agad nya namang natunton ang kwarto ng binata. Doon din nanggagaling ang lagaslas ng tubig. Malamang ang isang pinto ay ang banyo nito. Gaya sa sala, wala rin masyadong gamit ang binata. Computer, cabinet na tila lagayan ng mga damit, aircon at stand fan lamang ang laman ng kwarto. Pero bumawi uli ito sa kama. Tila tatlong malalaking lalaki ang kakasya roon. Napaisip tuloy sya kung magkakatabi kayang natutulog roon sina Evan, Macky at Steve. Agad nyang iwinaksi ang medyo may kahalayan nyang naiisip. Malabo iyon dahil lalaking-lalaki si Evan, at napatunayan nya yon kanina lang. Di nya maiwasang mapangiti nang otomatikong tumibok ang kanyang pagkababae. Ramdam nya pa rin hanggang ngayon ang mamasa-masa nya pa ring lagusan.
Huminto na ang lagaslas ng tubig at lumabas mula roon si Evan na brief lang ang suot at nakasampay ang tuwalya sa balikat. Tumungo ito sa cabinet at iniabot sa kanyang ang T-shirt nito na sa tantya nya ay aabot lang sa kalahati ng kanyang hita. Walang sinuman ang nagsasalita sa kanila. Sinenyasan lang sya nito na pumasok na ng banyo, at tango lamang ang kanyang isinagot. Nang makapasok ay agad nyang inalis ang dalawang saplot sa katawan, ang bra at ang kanyang dress. Kailan kaya balak ni Evan na isauli ang kanyang panty.
Tumapat na sya sa dutsa at hinayaang dumaloy ang mainit na tubig sa kanyang katawan. Inabot nya ang sabon. Sinabon nyang maigi ang bawat ng parte ng kanyang katawan. Nakapikit ang kanyang mga mata habang paulit-ulit na humahaplos sa kanyang balat ang madulas na sabon. Nang idilat nya ang kanyang mata ay natigilan sya nang makitang bukas ang pinto at nakatayo roon si Evan. Kanina pa siguro sya pinagmamasdan ng binata. Hindi sya humiwalay ng tingin. Bagkus ay lalo pa syang humarap dito at inulit ang pagsasabon na ginagawa kanina, ang kaibahan nga lang ay ginagawa nya iyon ngayon nang may halong mas mapang-aakit na gawi.
Pinasadahan nya ng kanyang dalawang kamay ang kanyang dibdib at umakto na tila nilalamas ang mga iyon. Tutok pa rin sya sa lalaki. Sinunod nya ang dahan-dahang pagdausdos ng kanyang isang kamay patungo sa pagitan ng kanyang hita habang ang isa ay patuloy pa rin ang paglamas sa isang dibdib. Sinadya nyang sabunin ang kanyang pagkababae na ang dating ay tila pinaliligaya nya ang sarili. Kitang-kita nya kung paano napalunok at napatiim-bagang si Evan sa kanyang ginagawa. Alam nyang sukdualan na ang pagnanasa ng lalaki base sa naghuhumindik at gusto nang kumawala na pagkalalaki nito. Gayunpaman, dahan-dahan pa rin ang ginawa nyang pagbabanlaw sa sarili. Nang matapos ay hindi sya nag-abalang magtapis man lang ng tuwalya sa katawan.
Dahan-sahan syang lumapit kay Evan, habang ito naman ay dahan-dahan ang ginawang pag-atras. Nahinto ang lalaki nang tumama ang likod ng binti nito sa kama at doon ay napaupo. Itinulak nya ang lalaki nang dahan-dahan gamit lamang ang hintuturo, kasabay noon ang pagtulo ng tubig sa buo nyang katawan. Nang mapahiga ay agad nyang ninamnam ang nakawang na labi ng lalaki. Munting ungol ang kumawala sa lalamunan ng huli. Nang magsawa ay pinaglandas nya ang dila sa leeg ng binata pababa sa mumunting balahibo nito sa matipunong dibdib. Bahagya nyang sinayaran ng dila ang utong ng binata na agad namang kumulubot. Bumaba pang lalo ang kanyang labi at dila sa tiyan ng lalaki na tila inukit at ubod nang tigas. Ngunit wala nang mas titigas pa sa pagkalalaki nito na kanina pa nya pinupuntirya. May pagmamadali nyang tinanggal ang huling saplot nito. Agad syang napalunok nang lumatad ang kahandaan nito. Hindi nya iyon masyadong nakita kanina sa sasakyan. Pero ngayong nasa harapan na nya nakalantad at nagmamalaki ay ganoon na lamang ang naramdaman nyang pagkasabik na muli itong maramdaman sa kanyang kaibuturan. Pero bago yon ay gusto nya muna itong tikman. Isinubo nya ang ulo at sinipsip, pinaikutan ng dila at muling sinipsip. Naghahalo ang alat at lasa ng sabon na kanina lamang ay ginamit nya sa katawan. Di na sya nag-aksaya pa ng oras at isinubo na nang buo ang kanina pa pumipintig na ari nito.
Kung hindi pa sya inawat nito ay wala talaga syang balak huminto. Pumusisyon sya sa harap nito at itinutok ang ari ng lalaki sa pagitan ng kanyang mga hita. Tumaas baba sya sa harapan nito, at kitang-kita nya sa mata ni Evan ang samut-saring emosyon. Di sila naghiwalay ng tingin, tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata. Hanggang sa naging marahas at mabilis ang ginawa nyang pag-akyat baba. Anong lakas ng kanilang pag-ungol nang sabay nilang marating ang kasukdulan. Hapung-hapo syang dumapa sa dibdib ng lalaki.
"Sabi na may kakaiba sayo," bulong ni Evan habang ang hintuturo ay taas baba sa gitna ng kanyang likod.
"Hmmm...uuwi na ko. Siguradong lagot na ko sa kuya mo," usal nya na pikit pa rin ang mga mata at di naman umaayos ng posisyon. Nang maramdaman na medyo matagal na sya sa ganong pwesto ay tila napahiya sya. Kaya naman umalis na sya sa ibabaw ni Evan at pumaloob sa kumot.
"Gusto ko lang malaman mo, Magda, na tooo yung sinabi ko kanina. Gusto kita. Sasabihin ko kay Kuya Macky na itigil na ang pagpapanggap nyo dahil girlfriend na kita."
Girlfriend? Patay na! Hindi nya ito pwedeng maging nobyo, hindi muna sa ngayon, dahil siguradong kapag nalaman nito ang lihim nya ay mapapaalis sya agad sa trabaho at wala pa syang sapat na pera. Gusto nya rin si Evan, oo. Sa pakiramdam nya nga ay mas higit pa sa salitang gusto ang nararamdaman nya para rito. Pero hindi talaga pwede, at mabuti na rin na huwag nang ipilit pa.
Sunod-sunod ang ginawa nyang pag-iling. Gulat naman ang rumehistro sa mukha ni Evan.
"Alam kong may girlfriend ka, Evan, at hindi rin ako ang babaeng para sayo. Gaya nga ng sabi mo, may kakaiba sakin. Uuwi na ko at sana ay huwag na 'tong maulit."
Di nakaligtas sa kanya ang pagtatagis ng bagang ng lalaki. Akma na syang aalis sa pagkakahiga nang hawakan nito nang mahigpit ang kanyang braso na ikinagulat nya. Nang lingunin nya si Evan ay tila lungkot ang nakita nya sa mga mata nito.
"Liligawankita, hanggang sa pumayag ka."
Liked the story? Don't forget to Follow Me, Comment and Vote :)
BINABASA MO ANG
Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE)
RomantizmEvan, a happy-go-lucky rich guy. Sa kabila ng guwapo niyang mukha at mapang-akit na ngiti ay nagtatago ang isang lalaking may itinatagong galit...galit sa isang babaeng sumira sa pamilya nila...sa isang babaeng mababa ang lipad. Dahil noong bata pa...