Chapter 9

16.6K 459 6
                                    

Maliban sa pagkawala ng kanyang mga magulang ay ito na yata ang pinakamasakit na karanasan sa buhay ni Magda. Hindi sya umalis ng bahay ni Evan. Bagkus ay ipinakita nya rito at ipinaramdam kung gaano nya ito kamahal. Samantalang ang lalaki ay naging kabaligtaran na ng dati. Hindi na sya kinausap ni Evan magmula nang malaman nito ang katotohanan so kanyang pagkatao.

Di rin naman sya nito pinapalayas. Pero parang mas gusto na nyang mangyari iyon, ang ilabas ng nobyo ang galit sa kanya, ang murahin sya, ang sumbatan sya, ang paalisin sya. Para sa kanya ay mas masakit ang ginagawang pambabalewala nito. Hindi na sila nagsasalo sa iisang kwarto, kaya naman malaya itong maglabas pasok ng iba't-ibang babae. Kung paano nya iyon nasisikmura ay hindi nya rin alam. Wala na rin namang nangyayari sa kanila ng nobyo. Ang masakit pa ay kung tingnan sya nito at magkahalong galit at pandidiri.

Takip-takip ni Magda ang kanyang tainga at patuloy sa pag-agos ang kanyang luha. Tagus-tagusan sa kanyang kamay na nakatakip sa tenga ang halinghing ng babaeng kaniig ni Evan sa kabilang kwarto. Gabi-gabi iyon, kaya naman gabi-gabi rin syang umiiyak. Parang binibiyak ang kanyang puso sa tuwing makakasalubong nya sa umaga ang mga babaeng nanggagaling sa kwarto nito. Madalas pa ay mapagkamalan syang katulong at nauutusan pa kung minsan. Kapag naman babaling sya kay Evan upang sabihin na sawayin ang babae sa pag-uutos sa kanya ay ngingisi lamang ito sa kanya at tsaka sya tatalikuran.

Pero hanggang kailan? Hanggang kailan nya maaatim ang ganitong sistema? Para nya na ring unti-unting pinapatay ang kanyang sarili. Kung hindi na sya kayang mahalin ni Evan, panahon na siguro para palayain nya ang lalaki. Pwede rin naman sigurong sumuko paminsan-pinsan, lalo na kung hindi mo na kayang tiisin pa ang sakit na paulit-ulit pang nadaragdagan kada araw.

Tinungo nya ang banyo at naligo. Paglabas ay dinig nya pa rin ang tila sinasadya pang ilakas na halinghing ng babae. Kinuha nya ang bag at isinilid doon ang mga damit na binili nya noon pa na galing sa sariling pera. Wala syang dadalhin na kahit ano na galing sa salapi ni Evan. Maliban na lamang sa beinte mil na gagamitin nyang panimula, na kung tutuusin ay kanya naman talaga dahil ibinayad yon ni Macky sa kanyang serbisyo.

Nagbihis na sya at hinayaan lamang na nakalugay ang hindi na pinagkaabalahang suklayin na buhok. Buo na ang kanyang desisyon, aalis na sya baon lang ang natitirang pride at pagmamahal sa lalaki. Sa huling beses ay inikot nya ang tingin sa buong kwarto...kwarto na minsan na ring naging saksi sa pagmamahalang nila ng nobyo.

Eksaktong paglabas nya ng pinto bitbit ang kanyang bag ay sya namang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto. Iniluwa noon si Evan na nakatapis lamang ng tuwalya at basa pa ng di nya malaman kung pawis o tubig ang buhok nito. Bahagya pa nyang nasulyapan ang tila tulog nang babae sa kama nito. Nakita nya ang gulat at galit sa mga mata nito nang lumipad sa dala nyang bag ang paningin ni Evan. Hindi na nya ito pinansin at nagdire-diretso na sa pagbaba ng hagdan. Nang akma na nyang pipihitin ang seradura ay may humiklat sa kanyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak ni Evan sa kanyang braso, dahilan upang makaramdam sya ng sakit dahil sa pagbaon ng mga daliri nito.

"Saan ka pupunta ng ganitong oras, huh? Wag mong sabihing bumalik ka na sa pag-pup*ta! Bakit, kulang na ba yong perang ipinapasok ko sa account mo?!" gigil na sabi ni Evan.

Pinadapo nya ang palad sa pisngi ng nobyo at nabaling ang mukha nito sa kabila.

"Sampalin mo na lang din ako, Evan, o kaya suntukin mo ko, o mas maganda kung patayin mo na lang ako! Kesa yong ganito na di mo ko kinakausap at unti-unti ang pagpatay na ginagawa mo, hindi man sa katawan ko, pero sa puso ko!"

Tutok lamang ang mga mata ni Evan sa kanya. Wala syang ibang nasasalat na emosyon doon. Napakalamig ng pagkakatitig nito. Napahagulgol na sya at napaluhod sa harapan ng lalaki. Lumuwag na rin ang pagkakapit nito sa kanya. Di pa rin ito tumitinag sa pagkakatayo.

"Pabayaan mo na kong umalis, Evan! Kahit naman malagutan ako ng hininga rito ay hindi ko na mababago ang nakaraan ko! Hindi ko ginusto yon! Hindi ako ipinanganak na kagaya mo na natutulog sa pera! Biktima lang ako ng pesteng buhay na 'to! Akala mo ba ginusto na kung sinu-sinong lalaki ang magpakakasasa sa katawan ko para sa kakarampot na halaga?! Marumi ako, oo, pero may karapatan parin naman siguro ako sa respeto ng iba at mamuhay nang masaya!" Naghihisterya na sya at di na nya alam kung ano ang mga sinasabi nya.

Tumayo na sya at pinunasan ang pisnging hilam ng luha. Muli na syang tumalikod upang lumabas ng bahay. Ngunit bago yon ay tinitigan nya muna sa huling pagkakataon ang lalaking nagparamdaman sa kanya ng pagmamahal at pag-asa na may masayang buhay pa na mangyayari sa kanya...kahit pa ang lahat nang iyon ay pansamantala lamang. Akala nya kapag mahal ka, matatanggap ka kahit sino ka pa, kahit ano ka pa...kapag mahal ka, mapapatawad ka kahit ano pa ang ginawa mong kamalian. Pero ganon lang pala talaga yon, isang akala. Ilusyonada lang talaga sya. Siguro sa teleserye lamang talaga nangyayari ang mga ganoong tagpo.

Pumihit na sya, at hindi nya inaasahan ang sunod na nangyari. Yumakap si Evan mula sa kanyang likuran. Sa pagsinghot nito at pagkabasa ng kanyang balikat, hinala nya na umiiyak ang lalaki. Unti-unti naman nyang naramdaman ang pamumuo ng tubig sa kanyang mga mata. Humigpit pang lalo ang pagkakayakap ni Evan sa kanyang bewang, tila nagpapahiwatig na hindi ito sang-ayon sa kanyang pag-alis. Humarap sya rito at sinapo ng mga kamay ang pisngi ng binata. Tama nga siya, umiiyak ito. Patuloy ang luha ng lalaki na agad naman nyang pinapahid gamit ang kanyang hinlalaki.

"I'm sorry, Magda. Hindi ko lang matanggap na katulad ka rin ng babaeng sumira sa buhay namin. Akala ko sapat ang galit na nararamdaman ko para talikuran ka, pero nagkamali ako. Hindi ko pala kaya kapag nawala ka. Please, don't leave. Mahal kita...mahal na mahal kita."

Pumikit ng mariin si Magda. Mahal nya rin si Evan...mahal na mahal. Pero may bahagi ng kanyang sarili na nagsasabing gusto na muna nyang hanapin ang sarili, lumayo, magbagong-buhay, at bumalik na lamang kapag buo na sya at pwede nang ipagmalaki ng nobyo sa kahit sino.

"Mahihintay mo ba ko?" saad nya. Gulat ang nakita nya sa mukha ng nobyo. Sa gulat nya ay lalo itong humagulgol.

"Wag kang umalis, please..." pagmamakaawa ni Evan sa kanya. Kita sa mata nito ang sakit at paghihinagpis.

"Babalik ako, Evan. Pangako. Hahanapin ko lang ang sarili ko, pati na rin ang kapatid ko. Aayusin ko na muna ang buhay ko. Babalik ako sa'yo kapag buong-buo na ko at pwede mo nang maipagmalaki. Sandali lang yon. Gagawin ko yon nang ako lang. Ako na lang muna mag-isa." Gumagaralgal na ang boses ni Magda, kasabay ang walang tigil na pagdaloy ng mga luha sa kanyang mukha.

Niyakap nya sa huling pagkakataon ang nobyo. Gumanti rin naman ito ng yakap na mas mahigpit pa sa kanyang ginawa. Tumalikod na sya at baka magbago pa ang kanyang isip. Hindi na rin naman umiik pa ang binata at sinundan na lamang sya nito ng tingin. May naramdaman syang bahagyang pagkirot sa kanyang puso. Gusto nyang habulin sya nito. Pero magpapapigil ba sya kung sakaling gawin man iyon ni Evan? Tuluyan nang sumara ang pinto. Sya man ay nakakuha na rin ng masasakyan, kahit di pa nya alam kung saan ba ang pupuntahan.

Itutuloy...

Please don't forget to Follow Me, Comment and Vote :)

FB:  Summer Grace Sg

FB Page:  Summer Grace Stories 

Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon