**Thai Invasion but except for Jason Hsue who was famous actor in Taiwan**
**another fan fiction! It is an angst typical story, consist of Yuriness (girlxgirl), BoyxGirl affair, and story of friendship and Love.
MAIN CHARACTERS:
Mario Maurer as Prince Wilson James
Jason Hsue as Prince Victor
Hyacinth Ha In as Princess Nicole
Hyacinth Sai Ji as Princess Luna
Hyacinth Yuuki as Princess Iris
Hyacinth Zuum as Princess Trina
And
Hyacinth Li as Princess Selphie
Supporting characters:
Aom Sucharat as Yassy
Acharanat Ariyaritwikol as Aiden
Witawit Singlampong as Raymund
B.O.Y. James McFadden as Caleb
Prologue:
KINITO'S POV
Ako si Mr. Kinito, isa akong matalino, simpatiko, at mabait na guro. Ako ang guro ng limang prinsesa na mula sa iba't ibang Royal Families.
Sabay-sabay lumaki ang limang magagandang prinsesa. Habang lumalaki sila, nakita ko ang kabaitan ng limang prinsesa na hindi nakikita ng iba. Nakita ko rin ang iba't ibang ugali nila at katangian.
Si Princess Trina ay pinakasimple sa lahat. Laging nakatali ang kanyang buhok. Pinakapaborito niyang gawin ay magbasketball at magdrums. Siya ang pinakaresponsable, at pinakamabait. Pero mas kilala siya sa pagiging masungit at seryoso.
Si Princess Selphie ang pinakamahilig sa lalaki. Siya palagi ang laman ng mga headlines sa peryodiko at yaryo dahil palagi itong nakikipagdate. Siya ang pinakaromantiko sa mata ng marami ngunit ang puso niya ay naghihintay kay Prince Victor, ang first love niya.
Si Princess Iris ang kikay na prinsesa. Calog, masayahin, at pala ngiti. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Paborito niyang gawin ay ang magpaint at magpiano. Palagi siyang nanalo sa mga beauty contest na kanyang sinasalihan.
Si Princess Luna ang prinsesang walang pakialam. Tahimik na tao at kung magsasalita man ay puro pang-aasar. Mahilig siyang mag-gitara, magdrive, at magpicture ng mga lugar at tao. Mukha siyang suplada pero masayahin.
At si Princess Nicole ang pinakamainitin ang ulo sa lahat. Mahilig magpatawa. Siya ang leader. Ang pinaka ayaw niya ay magmahal. Kaya hindi siya nakikipagkaibigan sa mga lalaki. Mahilig siya magviolin at kumanta. Siya ang may pinakamagandang boses.
At sa tuwing naiisip ko ang pag-uugali at katangian ng limang prinsesa ay napapailing ako. Ni isa kanila ay wala akong nakikita na pwedeng mamuno bilang Emperatriz ng bansang ito.
May kumantok sa may pintuan ng aking opisina. Pumasok si Mario,ang kanang kamay ko.
"pinapatawag po kayo ni Don Miguel" sabi niya.
Si Don Miguel ang ama ng Emperatriz at leader ng mga ELDERS na nagbabantay sa galaw ng limang prinsesa at pipili ng susunod na magiging Emperatriz.