MPAMP~ Chapter 8

12 0 0
                                    

Zikael's POV

Grr! I hate Calexterio so much. He always wants to control me. He's like my father and I hate that.

Ayoko talagang pumasok pero kinaladkad niya ako papasok sa room ko. At ang masaklap pa, pinalitan niya lahat ng class schedule ko. Magkaklase na kami sa lahat ng classes ko. I really want to choke him to death now. Kung may power lang ako na patayin siya sa isip ko, kanina ko na ginawa.

"Oh Zikael? Makukulong ka na talaga." Sabi ni Adison na kasama ko ngayon sa cafeteria.
Kinunotan ko lang siya ng nuo.

"Kanina mo pa kasi minu-murder yang pagkain mo. Oh tignan mo nga itsura niyan? Durog na durog na."

"Kung ayaw mong ikaw ang durogin ko Adison, tumahimik ka diyan." Madiin kong sabi.

"Hihi. Grabe ka naman Zikael. May "HOPE" nga yang name mo pero wala ka namang pag-asang maging mabait. Bakit kaya Zikael Hope yang pinangalan sa'yo. Dapat loose hope na lang." Taas-kilay niyang sabi.
The nerve of this girl. I just glared at her. Bwesit na bwesit na nga ako, sisirain pa lalo ang mood ko.

"Alam mo kasi, concern citizen lang naman si Keen. Itinuring ka na niyang kaibigan kahit hindi naman karapat dapat. Gusto ka lang niyang tulongan Zikael." Adison

"Wala siyang karapatang pakealaman ako. He's not even my brother. He's nothing to me." I said firmly.

"But you're special to him. I can feel that Zikael. OMG! May gusto siya sa'yo." Nanginit naman ang pisngi ko sa sinabi ni Adison. Tsk, gusto niya man ako o hindi, it doesn't change the fact na nagagalit ako sa kanya at gusto ko siyang ilunod sa dagat at ipakain sa piranha.

••••
"The pasaway girl is mad at me." Natatawang sabi ni Keen sa akin nang pumasok ako sa next subject ko.

"Ayokong kaklase ka kasi nakakasawa ang mukha mo." I said then rolled eyes. Ang mokong tinawanan lang ako.

"I really hate you to the bones. I swear sasaksakin na talaga kita ng ballpen." Naiinis kong sabi.

"You're really mad at me huh? Okey okey, hindi muna ako magpapakabait ngayon." Sabi niya tapos bigla niya akong hinila palabas ng room.

"Where the hell are we going?" Taka kong tanong.

"Chill ka lang okey? Ayaw mong pumasok ngayon di ba? So aalis tayo." Siya

"At saan naman tayo pupunta?" I asked

"Sa mall. Sabi nila nawawala daw ang inis ng mga babae kapag mag sho-shoping sila." Lumiwanag naman yung mukha ko sa sinabi niya. Well, maybe mabawasan ang pagkainis ko sa kanya dahil diyan.

•••
"Oh ito bagay to sa'yo."

Napa crossed arms na lang ako. Kanina pa talaga yan si Keen. Yung mga pinipili niya hindi ko type. Seriously? Ayoko nga magsuot niyan para akong manang tignan.

"Hindi mo na naman ba nagustohan to? Haist ano bang gusto mo?"
Inginuso ko yung color black na dress. Kinuha niya naman yun tapos tinignan. Bigla siyang napangiwi.

"Jesus! This is too revealing Zikael. Makikitaan ka na nito."
Natawa na lang ako sa reaksiyon niya.

"Eh bilhan mo na lang kaya ako ng Filipiñana para tagong-tago." Taas-kilay kong sabi sa kanya.

"Tsk mga babae talaga. Sige na nga bibilhin ko na to. Pero kailangan mo muna itong subukan." Sabi niya sabay nguso sa fitting room.

"I know." Hinablot ko na yung dress na hawak niya.

Habang nasa loob ako ng fitting room, may naisip akong kalokohan. Ma seduce nga ang perpektong yun bwahaha. *evil smirk*

Keen's POV

Ang tagal naman ng pasaway na yun? Habang naghihintay ako sa kanya, namili rin ako ng dress para sa kapatid kong si Dina. May nakita akong yellow dress kaya kinuha ko kaagad yun. I know Dina will like this kasi favorite niya ang color yellow.

"Hey, Keen tignan mo bagay na bagay." Malambing na sabi ni Zikael pagdating niya. I tilted my head then looked at her. My jaw dropped.
The dress reveals her beauty. Maganda na siya pero mas lalo siyang gumanda sa suot niya. Imbis na mandiri ako dahil sobrang revealing ng dress para sa kanya, pero hindi yan ang naramdaman ko.

Admiration, that's what I feel. She's so beautiful with that dress. She doesn't look bitch or slut with that dress but a classy girl.

"Hey, ganyan na ba ako kaganda na napa drool ka na sa'ken?" Natatawa niyang sabi.
I gulped before I say something.

"Y-you look p-perfect. Yeah you look perfect." Agad kong sabi. Bigla naman siyang tumawa ng malakas na napahawak na talaga siya sa tiyan niya habang tumatawa. Wala akong ibang ginawa kundi titigan siya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito mula nong magkasama kami. Lagi niya lang kasi akong iniirapan or sinusungitan. Minsan din poker face lang siya. Pero ngayon tumawa talaga siya as in halakhak.
Narealize niya sigurong mukha na siyang tanga sa kakatawa kaya tumigil na siya at kinunotan ako ng nuo.

"What?" I asked smiling.

"N-nothing. Sige magpapalit lang ako. Hehe sige intay ka lang dito." Sabi niya tapos nagmadaling pumasok sa fitting room. Napangiti na lang ako. Tsk nahiya pa siya eh nakita ko na siya sa ganung side niya. May other side din pala ang babaeng to.

Maya-maya pa'y lumabas na siya ulit sa fitting room at suot ang damit niya kanina. Napakunot naman ang nuo ko dahil ibinalik niya yung dress sa kinalalagyan nun kanina.

"Bakit mo ibinalik?" I asked.
Napayuko siya.

"Ahh. Hindi talaga ako nagsusuot ng ganyan ka sexy na damit. Hihi binibiro lang kita." Sabi niya habang nakayuko pa rin. Hinawakan ko yung ulo niya tapos ginulo ko yung buhok niya. Napanguso na lang siya sa ginawa ko.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Team #Pasaway at #Perpekto
Haha nagkadevelopan na yata ang ating mga bida. Ayieehh eksaytiid silaaa!!!

MR. PERFECT and MS. PASAWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon