MPAMP- Chapter 1

44 1 0
                                    

Zikael's POV

"Asan na yung si Kael? Hala lagot tayo kay Mr. SC President hinayaan natin siyang makatakas." Rinig kong sabi nung mga lalakeng inutusan ng SC pres dito sa school na pinasukan ko. Di nila alam andito lang ako sa likuran ng punong acasia. Haha nagtago kasi ako dahil may nagawa na naman akong kasalanan. May lalake kasi kanina na nagtangkang halikan ako kaya sinuntok ko sa mukha tapos tumakbo at dahil sa galit ko pinulot ko yung batong nakapalibot don sa may mga tanim na bulaklak sa intrance ng school namin. Hindi naman siya natamaan pero sineswerte yung principal namin dumaan kasi ayun! Boom sapul sa noo. Medyo nabukol lang naman siya kasi medyo maliit lang naman yung bato.
Naramdaman ko namang wala na yung mga lalake kaya taas noo akong umalis sa likod ng puno.

"Aha! Andito ka lang pala!" May biglang humawak sa braso ko at sapilitan akong hinatak tapos may lumapit pang mga lalake at binuhat na nila ako.

"Hoy mga g*gong panget! Bitiwan niyo ako!!" Pagsisigaw ko ngunit di nila ako pinansin.

"Ano na naman bang ginawa mo Zikael Hope?" Sabi ng daddy ko.
Andito ako ngayon sa loob ng guidance office nagpapahinga di joke lungs xD. Di ko alam kung pano napunta si dad dito. Tinawagan siguro nung panget na principal na yun.

"Zikael? Nakikinig ka ba?" Tanong ni dad. Tinignan ko lang siya sabay nguso.

"Ewan ko sayo Zikael! Wala ka na talagang tamang magawa sa buhay mo!" Dad said in frustration.

"Malay ko ba dadaan yung panget na principal na yun tapos yung g*gong galungong ang mukha na lalakeng yun? Gusto ba namang halikan ang maladiyosa kong mukha? Like eww!" Sabi ko tapos with gesture na parang nasusuka.

"I'm sorry Mr. Vega pero order po talaga ng principal at mga namamahala dito sa paaralan na paalisin na dito ang anak niyo." Sabi ng Dean.
"Wohoo! Heaven, lilipat na naman ako ng ibang school." Sabi ko sa isip ko.

"Anong ngingiti-ngiti mo diyan pasaway ka? Na kick out ka na nga masaya ka pa? Ewan ko na talaga sayong bata ka. Wala na akong magagawa sayo." Sabi ng dad ko tapos sinabunutan ang sarili niyang buhok.

"Ano Zika? Haha! Nakick out ka na naman? Hay naku sayo girl, ang taray mo talaga." Sabi ni Adison, ang nag-iisa kong best friend.

"Eh ano pa nga ba?" Sabi ko.

"Saang school ka na naman daw iliipat ng dad mo?" Sabi niya sabay lagok ng wine na hawak niya. Andito kasi kami ngayon sa loob ng "Tres Quadros" isang bar.

"Yeah, just what he said yesterday. Ahm next week daw niya ako dadalhin don. Haha sure ako isang lingo lang ako don ma ki-kick out na naman ako." Pagmamayabang ko.

"Tsk pinagmamayabang mo pa talaga yang babae ka huh?" Sabi ni Adison.

"Eh masaya kaya palipat lipat ng school. Exploring ang peg ko haha. Sana magandang school ang lilipatan ko." Sabi ko.

"OMG! Grabe talaga ang fans netong si Keen. May new post na naman sila!! Pic ni keen habang nakaupo at nagbabasa ng book. Ang hot niya super. Ang perfect." Sabi pa ni Adison habang nakatitig sa phone niya.

"Sino ba yang alien na yan?" Kunot noo kong sabi.

"Anong alien? Ang sabihin mo, gwapong alien. Tignan mo dali!" Sabay abot ng phone niya sakin.

"Oo gwapo nga yan pero sure ako ang panget ng ugali ng alien na yan." Panigurado kong sabi.

"Anong panget? Ang bait kaya nito tapos marunong pa sa lahat ng sports tapos ang talino, gwapo, hot, sexy. Basta! We calls him Mr. Perfect." Nakangiti niyang sabi.

MR. PERFECT and MS. PASAWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon