MPAMP-Chapter 3

31 1 0
                                    

Zikael's POV

KKKRRIIINNNGGG!!!
KKRRRIIINNGGG!!!!

Walang ya bat ang ingay? Tsk alarm clock ko pala yan. Teka?
Alarm clock? At kelan pa ako nagkaroon ng alarm clock? Kelan pa ako naging time conscious? I opened my eyes then I remembered everything.
Si Adison, oo si Adison. Dito na naman pala siya natulog ayyst kaya pala may alarm clock eh kasi time conscious tong si Adison.

"Hoy mahal na prinsesang pasaway!! Gising na. Naku kung di siguro ako dito natulog baka mamaya ka pang alas dyes gigising eh." Sabi ni Adison sabay kamot ng ulo niya.

"May kuto ka?" Tanong ko.

"Gaga! Urrggh kahit kelan talaga. Bumangon ka na nga diyan." Sabi niya sabay talikod at pasok sa banyo. Tssk kamot kasi ng kamot sa ulo niya. Malay ko ba baka may kuto na siya. Eww gross.

•••
CALEXTERIO UNIVERSITY

"Adison mauna ka na." Sabi ko kay Adison pagkapark ko sa car ko.

"Okey. Behave Zikael huh."
Tsk to talagang si Adison parang nanay ko. May pakealam pa NCA siya sa akin kesa sa nanay kong magaling eh. Tsk nasira tuloy mood ko kakaisip sa kanya.
Bumaba na ako sa car ko.
Teka? Si Adrian yan ah? Hmm mapagtripan nga. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Magpapansin ako.
(Flip hair tapos lakad with seducing gesture)

"Aba! Buti nagpakita ka pa sa akin?" Adrian.
Oh tingnan niyo? Effective masyado ang ginawa ko.

"Ow high Mr.? Kumusta?" I asked sarcastically. Bigla namang kumunot ang noo niya tapos mataman akong tinitigan. Haha here we go, galit na po siya.

"Ikaw babae ka, pagbabayaran mo ang pagpapahiya mo saken kahapon!" Galit niyang sabi tapos lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Back off jerk." Madiin kong sabi.

"What did you just call me?" Galit niyang tanong.

"I said back off jerk!!" Sigaw ko sa mukha niya. Hinigpitan pa niya lalo ang pagkahawak sa braso ko. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya tapos nginitian ko siya ng nakakaloko. Para naman siyang na distract sa ginawa ko at nabitawan niya ang braso ko. Nagkaroon ako ng chance na hawakan siya sa batok  tapos hinigpitan ko iyon.

"Aww! What the f*ck are you doing?!!" Sigaw niya. Sinipa ko yung precious jewel niya tapos iniwan siyang namimilipit sa sakit. Yan ang bagay sa kanya.

"What did you do to him miss?" May biglang nagsalita. At ngayon nasa harapan ko siya na dahilan para malaglag ang panty ko di joke lang xD.

"Alam mo bang bawal ang ginawa mo? Ikaw ang unang lumapit sa kanya tapos inasar mo siya tapos nag react siya tapos sinaktan mo." Sabi niya.

"Tapos?" Taas kilay kong sabi.

"Follow me at my office." Deretso  at maawtoridad niyang sabi tapos tinalikuran na ako.
Tsk asa siyang susunod ako sa kanya. Magtatanong ba kayo kung sino yun?
Eh di..................

Si Mr. Perfect.
Dahh kahit gwapo siya kahit crush ko siya di ko siya susundin noh? Kapal niya. Umirap lang ako tapos naglakad na.
Saan kaya pwedeng tumambay ngayon? Hmm. Mag-ikot muna ako para makahanap ng perfect place.
Ikot

Ikot

Ikot

^^^ wow! Ayos to ah. Wooh heaven! May nakita akong puno tapos may tree house. Ayos ah anong klaseng school ba to? Bakit merong ganito? Tsk stop asking Zikael just climb that damn tree house and have your relax. Wew! This is awesome!
Umakyat na ako sa puno. I don't care kung may tao sa baba at makita niya ang undie ko okey lang maganda naman yan eh. Pokemon ang design niyan. Haha ang ganda ng undie ko noh?
And bravo biscuit! Nakarating na ako sa taas. Pinihit ko na ang door knob and bingo biscuit! Di nakalock best! Haha bumungad sa akin ang napakagandang design sa loob ng tree house. Yung dalawang sofa color black tapos ang color ng sahig color white tapos halatang gawa sa mamahaling kahoy. Sino kayang may-ari nito? Buti punayagan siya ni Mr. Perfect na magtayo ng ganito dito sa loob ng campus. Pabagsak akong umupo sa sofa.
Wooh ang sarap. Dinalaw naman ako ng antok ko kaya pinikit ko na lang ang precious eyes ko sabay higa sa mahabang sofa na sakto lang kasya ako.

MR. PERFECT and MS. PASAWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon