Chapter 7

6 0 0
                                    

“Lunch break na at gutom na ako, saan mo pa kasi ako dadalhin? ”

Hindi niya alam kung bakit kinaladkad agad siya ni Lexie palabas ng classroom nilaat hindi niya alam kung saan sila pupunta. Kanina pa siya nakakahalata sa kakaibang asal nito ngayon. Lexie kept smiling to her everytime he catches a glimpse of her. Pero hindi na niya ito pinigilan pa sa pagkaladkad nito sa kanya dahil matatalo din naman siya sa debatehan laban dito.

Her curiousity grew even more when she realized that their destination was the ballfield where a number of students laughing and gossiping, gathered around the big mango tree planted on the site. At ang nakaw-atensyon sa punong iyon ay ang nakaupong gorilla mascot sa sanga ng kahoy na may hawak-hawak na speaker phone. Tila loading pa rin ang isip niya sa kababalaghang nangyayari ngayon na mukhang kinasasangkutan ng kaibigan niyang bakla na abot-tainga pa rin ang ngiti.

“ What the hell is this all about?”

 “ Why don’t you figure it out yourself ,sister?”, ani lamang ni Lexie na kinindatan pa siya. Bigla itong kumaway at nag-approve sign and for all she knew para sa gorilla mascot ang mga signals na iyon.

“ Calling Miss Evealyn Antosada you are badly needed here, near the mango tree. And to my fellow students, please give way so that the lovely lady can pass through.” And the mighty gorilla could actually speak and she could feel her heart skip a beat upon recognizing the lovely voice echoing from the speaker phone.

“ Sige na girl, go get your own share of Kingkong.”, sabi ni Lexie bago siya itinulak nito sa daan na binakante ng ibang estudyante na audience nila at that moment. Tila nagbu- buffer pa rin ang utak niya sa mga pangyayari but she seem to have grown excited with anticipation on what Whayne has prepared for her. Kaya naman ay lumakad na siya palapit sa puno, just close enough to look up on the huge gorilla sitting on the tree in front of her. She hid her excitement with her usual annoyed face.

“ What are you up to, Mr. Whayne Lucero?”

Tinanggal muna nito ang speaker phone sa bibig nito bago nagsalita. “ I’m here to stand for your conditions, if that is the only way that you would believe me. Di ba sabi mo, maging unggoy ako, now here I am sitting up infront of you dressed like one at dapat may additional points kasi nagpakahirap pa akong umakyat sa punong ito just to set up the right mood for my outfit but I have yet one condition left to fulfill.”

At doon lang niya naalala ang kondisyong ibinigay niya rito isang linggo na ang nakakalipas. Hindi niya inakala na seseryosohin talaga nito ang mga sinabi niya gayong nilikha lamang iyon ng kathang-isip niya para lamang ma-suportahan ang paniniwala niya na pinaglalaruan lamang siya nito noon. She thought her plan had worked and he really wasn’t  into her but seeing his efforts now, she seemed to have overlooked at things and the possibility that he might really like her.

Muling itinapat nito ang speaker phones sa bibig niya. And she was there standing patiently while looking at the boy who she can now say she has fallen to for the first time. “ Maestro, hit the music.”, ani nito na ang tinutukoy pala ay si Lexie na may dala-dalang cassette player na naka-puwesto na pala sa gilid ng puno. Nang magsimula ang background music ay bigla itong tumalon mula sa sanga at nag perfect landing sa mismong harap niya. Tinanggal nito ang ulo ng costume nito at bago nagsimulang kumanta ay kinuha ng dalawang kamay nito ang kanang kamay niya. At sa pagka-overwhelm ay hindi na niya kinwestyon pa ang tila mabilis na pagka-recover ng injury nito.

At nang magsimula na itong kumanta ay umalingawngaw sa kanya ang magandang boses nito at ang himig ng kantang bawat kataga ay naka-memorya na sa kanyang puso’t isip na tiyak na hinding-hindi na niya makakalimutan pa dahil mas naging espesyal pa ito habang nagmumula sa bibig ni Whayne na ngayon ay tila hinahaplos siya sa titig nito. And she thought that it was only her and Whayne, there, enjoying their own piece of fairy tale in that magical and romantic moment.

Play DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon