Chapter 6

3 0 0
                                    

" May dapat ba talaga tayong pag- usapan?", mataray na tanong niya kay Whayne habang nagkukunwari siyang abala sa pagsa- scan ng mga notes niya. She didn't dare looking or glancing at him kasi feeling niya matutunaw siya sa kakaibang tingin na ipinupukol nito sa kanya. But still, hindi umubra ang pagtataray niya dito dahil nakikita niya pa rin sa gilid ng kanyang mata ang pag- ngiti nito. How can this lovely boy look so irritating and gorgeous at the same time?

" Di ba nga sabi ko kanina I couldn't get you off my mind the moment I saw you in the ambulance."

Nang hindi na niya napigilan pa ang sarili ay kunot-noo niya itong hinarap. " Okay, nagsinungaling ako sayo kasi sinabi kong nanalo kayo gayong hindi naman talaga tumama yung supposedly winning shot mo. Pero alangan namang dagdagan ko pa ang pasakit mo nong oras na yun di ba? Pero humihingi din ako ng dispensa sayo kung nagsinungaling man ako, I'm sorry,  okay?", saglit muna siyang huminga bago ipinagpatuloy ang sinasabi." Kung yun lang yung pinunta mo dito, at nakapag- sorry na rin naman ako, mauna na akong umalis sayo. May klase pa kasi ako-"

" You still have 2 hours remaining break before your next class starts. And as far as I'm concern you have no other place to go than here Vea since malayo-layo din ang bahay niyo dito ."

" Paano mo nalaman ang lahat ng yan?"

" Ani ko nga kanina, I have ways of getting information especially about certain things or people that I am interested with. At hindi ako naririto para kondonahin ka sa pagsisinungaling mo sa akin."

Interested? Sa kanya? Dream on girl, malamang ay siya lang ang nakita nitong mapagtri-tripan sa araw na iyon because a guy like Whayne Lucero would never be seriously interested with a typical high school girl like her. Hindi naman siya maganda, wala rin naman siyang talent at higit sa lahat average lang naman ang IQ niya. Pero pinagpala din naman siya ng utak para sa mga numero, she was a certified Math geek but that wouldn’t be enough to draw Whayne’s attention.

“ Alam mo, kung bored ka wala akong magagawa para sa’yo kung ganun, hindi kasi ako natural entertainer kagaya ni Lexie. Kaya kung ako sa’yo eh mas mabuti pang pumunta ka na lang sa basketball court at doon ka magpalipas ng boredom.”

“ I’m incapable for that at this moment ,remember?”, pinakita pa nito ang naka-semento nitong kanang braso. “ Actually, tayo ang perfect match ngayon kasi opposite ang injuries natin, I can be your left hand and you can be my right hand.’, sabay dampot sa kanang kamay niya. “ Di ba perfect match?”

Ani nito kasabay na naman ang super duper cute na boy-next-door smile nito. At tila malalaglag na ang puso niya dahil sa hindi magkamayaw na pagtibok ng kanyang dibdib dala na rin ng mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay niya. My oh my. What is this beautiful creature doing to me?

Nang mabalik na siya sa katinuan ay pilit niya agad binawi ang kamay niya na binitawan din naman nito. Hindi niya lubos maisip kung bakit tila hindi niya nagustuhan ang pagbitiw nito sa kamay niya. Was she expecting him to just hold on and not let her go that easily? Tsk2x, huwag kang assuming Vea, ani niya sa sarili.

“ Puwede ba Lucero, sabihin mo na kasi sa akin kung anuman iyang gusto mong sabihin at nang-”

“ I like you.” Hindi na siya nakapagtapos sa pagsasalita nang bitiwan nito ang mga katagang iyon. “ And I would like to court you, starting now.” At may hinablot sa likuran niya at tumambad sa kanya ang isang blue rose na inabot nito sa kanya. Napatunganga na lang siya sa bilis ng mga pangyayari at tila isang malaking tanong sa kanyang pag-iisip kung seryoso ba talaga ito sa planong panliligaw sa kanya. At kung coincidence lang din ba na magka- kulay ang rose na ibigay nito sa kanya sa favourite color niya. But she didn’t want to fall off her guard just because he was being sweet to her now. She had to be sure.

“ I don’t know what game you’re trying to play now but i’m not that much impressed. Hindi ako tulad ng ibang babae na basta mo lang mapapaniwala sa ka-sweetan mo.”, she hurriedly, with one hand, packed her things up, nagtaka pa nga siya dahil tinulungan pa siya ni Whayne sa pag-aayos ng gamit niya and when she was done, she directly stood up and turned away from him.

“ Ano ba ang dapat kong gawin para maniwala ka sa akin?”

And when the silliest idea came on her mind she directly faced him. Only if he really is sincere with his plan will he be able to do this twisted condition of hers. Kasi naman, 100% sure siya na trip-trip lang naman ang intensyon nito at never naman kasing may magkakagusto sa kanya ang isang tulad nito.

“ Tsaka lang ako maniniwala sayo kapag naging unggoy ka, a real-life monkey who’d be able to verbally sweep me off my feet.”,nakita niya ang tila pag-iba ng moo nito. Mababakas sa mukha nito ang pagaalangan sa kondisyon niya. And there she knew she was right. “ Thought so...”

Ito lamang ang mga katagang nabitawan niya at umalis na siya. Tila naiwan ang puso niya sa pag-alis niyang iyon at nararamdaman niya ang tila pagsisikip ng kanyang dibdib, kasi naman, from a moment there, she actually thought that he was telling the truth and that there was a prince charming too for a girl just like her, pero di rin naman pala totoo. He gave up too easily or maybe napagtripan lang talaga siya ng peke niyang prince charming. Fairytales are for fools.

Play DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon