Chapter 1

6 0 0
                                    

" Gosh, totoo nga."

Napabuntong- hininga na lang siya ng malalim matapos i-internalize ang mga documents na ipinadala ni Whayne sa office niya na nakuha nito sa tulong ng isang private investigator. After all whatever the handsome and best lawyer in town wants, he gets with the right resources, of course.The documents were all about Whayne's broken relationships and how it mysteriously had given way for these women to finally find their lifetime partners kasali na rin dito ang isa sa mga ex-gf nito na pinili ang Diyos bilang lifetime partner sa pagiging madre.  Whayne was dead serious in unlocking the mystery behind his unfavorable fate in love. She couldn't blame the guy, he was after all the perfect epitome of every girls dream guy, a young professional just about to reach the peak of his career as a lawyer. Hindi rin naman maikakaila ang angking kaguwapuhang taglay nito sa matangos nitong ilong, maninipis at nanunuksong labi, at ang mala-tsokolate nitong mga mata na pinaganda pa ng makakapal at maaalon nitong pilik-mata. He had the bulit of a strong and lean god. And she couldn't think of anything wrong in this perfectly woven being except ,maybe, on his not-so-humble attitude. Pero hindi naman ata ito sapat na dahilan para maging basehan upang maiwasan ang ganitong ugali nito sa susunod na lalaking makikita ng mga ex nito, just to end up finding each of their lifetime partners.

Gustuhin man niyang ipagsakataon lamang ang mga ito ay bale-wala rin naman dahil mukhang determinado talaga ang kaibigan niya upang ma-resolba ang kaso niyang ito. Kung saan man hinuhugot ni Whayne ang determinasyon niyang iyon ay hindi niya alam. All she had to do was be there for him as his friend nothing more or less, dahil alam na niya kung ano at saan ilulugar ang sarili sa buhay ni Whayne. 

Naputol ang pag-iisip niya sa kaso ni Whayne nang may kumatok sa glass door ng  office niya. Napangiti kaagad siya nang makitang ang kaibigan niyang bakla pala na si Elly ang naroroon paying her a rarely unusual visit.

" So, what brought my prettiest friend here in my ,rather, boring office in the middle of the day?", bungad niya agad dito pagkatapos nilang pagsaluhan ang isang exaheradang beso-beso.

" Yan ang gusto ko sayo teh eh, you're too honest.", at tsaka ay napatawa nalang silang dalawa. 

 " Akala ko ba busy ka ngayon sa paghahanda sa upcoming fashion week at hindi mo ako mabubuysit ay este mabibisita for some time."

" Alam mo namang shudi ko matitiis na hindi makita ang pumapangalawa sa beauty ni aketch."

" Asus at dinamay mo pa ako sa kagandahan mo. Ikaw talagang baklita ka, kilalang-kilala kita, ano na naman ang mga nasagap mong balita at napadpad ka dito.", tila ay nag-aatubili pa itong umamin sa mismong motibo nito. "Elpidio, umamin ka.."

" Well, alam kong busy ka kaya i'll go straight to the point. Totoo bang single na ulit ang aking fafaness na si Whayne?", curious na curious na tanong nito habang papalapit ng palapit ang mukha nito sa kanya. Well enough, she knew this is what their conversation will be about. Alam naman niya kasi na isa sa mga lipon ng fans ni Whayne ang kaibigan niyang bakla na si Elly na animo'y nakakakita ng pag-asa sa mga ganitong pagkakataon sa buhay ni Whayne. Naipakilala niya kasi si Elly na college colleague niya way back during her debut party. At doon nagsimula ang pagpapantasya nito kay Whayne. Pang-masa din naman kasi ang charm nang kaibigan niyang biyaya ng Diyos sa mga babae at binabae.

" So what if single na nga ulit si Whayne, alam naman nating basted ka pa rin kahit hindi mo pa siya tinatanong. Eh, mas lalaki ka pa nga kaysa do'n. Pa- kiss nga.",pang-aasar niya dito. Mas naaliw pa siya sa naging reaksyon nito dahil napangiwi ito at animo'y nandidiri.

" Eeewww...Hindi tayo talo teh...Kilabutan ka naman sa mga pinagsasabi mo. Pero confirmed, single na ulit ang aking prince charming.", animo'y mapapaiyak na ito sa tuwa. "Oh my gosh, mabuti at natauhan na siya at wala na sila ng chaka niyang girlfriend. Winnie the Pooh na ulit ang beauty ko nito."

" Ikaw talaga, pero may pinagdadaanan yung tao ngayon...", she knew she couldn't keep it all in herself baka rin naman kasi may maisip ang kaibigan niyang si Elly sa seemingly impossible case ni Whayne. And she knows that Elly would be more than happy to help and keep to himself Whayne's problem. Pagkatapos niyang i-explain ang sitwasyon ay napailing na lang si Elly animo'y unti-unting inaanalysa ang mga bagong impormasyon sa utak nito. " So, what do you think?"

" I really don't know but having been known or admired Whayne, it would be bias to say that nothing is wrong with him which would drive girls away just to end up finding their 'soulmates'. I mean, di ba nga his slight arrogance wouldn't be that much of a deal  to drive them away, pero iba din naman kasi kapag nasa relasyon na, you know with all the commitment and stuff that could drive a man insane. Only someone in relationship with him could tell him what's wrong. Kaya nga lang awkward naman kung isa-isa ninyong tanungin ang mga ex niya para malaman ang mga flaws niya. Hmmm..", at sabay nang pagliwanag ng mga mata nito ay ang di mapaliwanag na ngiti nito. And she knew she had reached the right person for help. "Or maybe he needs someone who can be in a relationship with him to help him assess how to become a better lover."

Dagdag pa nito. "Hindi rin naman puwedeng ako kasi baka magahasa ko siya in the middle of the process. Ang kailangan niya ay isang sort of playmate. Ahmmm, a Play Date, that’s it. Isang taong hindi mai-inlove sa kanya para mabigyan siya ng clear and unbiased assessment kung ano ba talaga siya bilang syota. Someone like....YOU."

Play DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon