Fourth Entry

8 0 0
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang nakakaasilaw na liwanag ang bumungad sa akin kaya napapikit muli ako.  Wala ako sa kuwarto! Madalim sa kuwarto namin ni Nilo!

Iminulat kong muli ang mga mata ko at nakita ang maaliwalas na paligid. Light pink ang kulay ng mga dingding at napaka-liwanag ng ilaw.

Anong ginagawa ko rito?

Iniamba ko ang kanang kamay upang umupo ngunit nakaramdam ako ng kirot mula rito. Tinignan ko ang kamay kahit medyo nanlalabo ang mga mata ko at makitang may nakaturok ditong needle na nakakonekta sa suero. Confined ako!

At bumalik sa'kin ang mga nangyari...

Ang masayang pagkikita muli namin ng baby ko sa pamamagitan ng ultrasound,

Ang paggagala ko sa palengke para tumingin ng damit para sa kaniya.

Ang galit na mukha nila Mama at Papa...

Ang nanggagalaiti nilang mga tingin sa'kin na halos patayin na ako.

Ang mga maaanghang na salita nila sa anak ko.

Ang lahat lahat!

Napasinghap ako at lumipad ang kamay ko patungo sa tiyan ko...

"'Nak, gising ka na pala." Napabaling ako sa nagsalita ang nakita ko si Mama Lisa sa may kaliwa ko. "Gusto mo bang kumain? Uminom?" Alok niya.

"K-kumusta po ang baby ko?" Nag-aalangang tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa mata ni mama. Nag-iwas siya ng tingin at para akong sinaksak ng libo libo.

Humugot siya ng malalim na hininga bago nag-salita. "Muntikan ng mawala ang baby mo, salamat nalang at binuhat ka  ni Nilo at isinakay ka naman nila Mila at ihinatid dito sa hospital." Wika ni mama. Nangilid ang luha ko. "Sabi ng doctor, kung nalate raw kami ng pagtakbo sa'yo dito ng limang minuto baka hindi na nila naisalba ang bata. Pero okay naman na ang baby mo ngayon at stable na ang lagay niya." Sabi ni mama at ngumiti ng tipid. Nakahinga ako ng maluwag.

"Asa'n na po sila?" Tanong ko at naglibot ng tingin, umaasang andiyan sila mama at papa sa labas, kumain lang o ano.

Ngunit nabigo ang pag-asa ko ng umiling si mama. Nangilid ang luha ko.

Sana balang araw tanggapin muli nila ako at ang magiging anak ko...

"Hello, boss? Nahanap ko na po ang location ni Laura Sta. Ana." Said by the woman from the other line.

"Okay, send me the details." I said bago ibinaba ang tawag.

Hinilot ko ang sentido ko at sinubukang umalala ng magagandang alaala para marelax and isipan at pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko.

My phone beeped and I instantly opened it.

Text mula sa hinire kong private investigator ang bumungad. Binasa ko ang mga nakasaad.

I finally found her.

My sister wouldn't want to call a cease-fire to Lucas hangga't 'di pa raw nahahanap si Laura. And Lucas on the other hand, is trying to kill his self by drinking liquors day and night. He looked terribly awful! Parang nawalan siya ng buhay mula nang malaman ang nangyari kay Laura.

Laura's our youngest sister's best of friend. They've been bestfreinds since preparatory, perhaps? Hanggang ngayon, college. Pero nagbago si Lucille nang mawala si Laura. Tapos ganito pa ang malalaman niya?

We are aware na may relasyon sila Lucas at Laura, pero hindi ko naman alam sa kapatid kong si Lucas kung bakit hindi yata alam ang salitang 'condom' o 'ingat' kapag nagdala ka ng babae sa kama.

We learned that they broke up dahil nambabae pala si Lucas at nahuli ni Laura harap-harapan, nakikipaghalikan sa ibang babae sa bar. Kaya nakipaghiwalay siya.

Tumayo ako mula sa swivel chair ko at kinuha ang nakapatong kong coat sa may sofa. Maingat ko itong isinuot bago lumabas.

Gulat na napatingin sa'kin ang secretary ko nang makita ako.

Binalingan ko siya ng tingin. "Cancel all my appointments today. May mas importante akong kailangang gawin." I said and walked towards the elevator.

Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive patungo sa condo ni Lucas. The drive to his unit made me mad! Grabe ang traffic!

I tossed my keys to the valet and went inside the building. Tinanguan ko ang babae sa reception desk at alam niya na agad ang ibig sabihin no'n.

Inabot niya sa'kin ang extrang card at dumiretso na ako sa unit ng kapatid ko.

I swiped the card and the door sounded an alarm bago bumukas. I went in at muntik akong masuka sa baho.

I got my hankies from my side pocket at itinakip ito sa ilong at bunganga ko as I roam inside his unit.

Mukhang smokey mountain ng alak ang dating maayos at malinis na unit ng kapatid ko. I looked for him and found him laying on the carpet inside his room. Kalat kalat din ang mga unan niya sa lapag pati na ang mga kumot at kobre-kama.

He looked a little bit peaceful at his sleep pero kunot ang mga kilay niya at hindi pa rin nagrerelax ang demeanor niya.

I dialled on the telephone and told them I need housekeeping, para malinis ang unit ng kapatid ko.

I put the telephone back to the receiver as I knelt down and patted the cheek of Lucas.

"Hey, Lucas. Get up." I said trying to wake him up. "Lucas!" I said again.

Nagmulat siya ng mga mata at nakita ako.

"What are you doing here, kuya?" He asked groggily.

"I'm here because I wanna help you. Stand up, suit up. We're going somewhere." I told him and he didn't even bulge. "I finally got a news where Laura is, kaya tumayo ka na diyan at mag-ayos." I commanded. Napamulat naman siya at agad na tumayo.

He took a quick shower and slipped his self into a simple khaki shorts and shirt. And partnered it with his sneakers.

We left the crews while they clean his unit and we drove to my home.

Nagpa-alam lang ako sa asawa at anak ko. I also changed my tux into a jeans and polo shirt.

Malayo-layo rin ang lugar ni Laura, kaya dapat lang na simulan ko na ang magdrive.

The whole drive was quiet.

I was focused on the road when my phone suddenly rang.

I answered it and slipped the earphone on my right ear.

"Hello, Leonard Ramos, speaking..."

"Hello Sir. May bago pong balita kay Laura Sta. Ana." She said frankly. My body trembled with her tone.

"What?" I asked.

"Itinakbo po siya sa hospital kahapon..." I cut her off.

"Watch all the details. Nasaang ospital siya ngayon?" Seryoso kong tanong. I felt Lucas glance landed on me.

"Will just send you the address, Sir." She said.

"Okay, we're on our way." Anas ko at pinatay na ang tawag.

A True Mother (Short Story)Where stories live. Discover now