Eight Entry

4 0 0
                                    

"L-lau. . ." She mumbled, barely audible. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Hi." Mahinang anas ko. Bumaba naman ang tingin niya sa medyo ma-umbok ko ng tiyan bago siya muling tumingin sa akin.

Biglang parang naiiyak siya at akin bago ako mahigpit na niyakap.

"I miss you." Sumisinghot niyang wika.

"Miss na rin kita." Malambing kong wika at hinaplos-haplos ang kaniyang likod.

Binawi niya ang yakap at tiningnang muli ang tiyan ko.

"Ilang buwan na siya?" Tanong niya.

"20 weeks." Sagot ko at ngumiti.

Tumango naman siya bilang tugon.

Naupo kami sa may sofa at hinarap niya ako.

"Saan ka nanggaling? Nagtago?" Tanong niyang muli.

Binalingan ko naman si Lucas na tahimik lang na nakaupo sa pang isahang sofa at pinagmamasdan kami.

"Sa Tita ko sa probinsya." Ngumiti ako bilang tugon.

"Maayos ka naman ba ro'n? Bakit ka pa kasi umalis e pwede mo namang sabihin ng diretsahan sa kumag kong kuya na nabuntis ka niya. At kung 'di ka man niya panindigan, andito naman ako at si Kuya Leo para ibawi ka." Ngumiwi siya, inirapan naman siya ng kuya niya.

"Luce, alam kong kasalanan ko ang lahat. Masyado akong naging obsessed sa kuya mo noon na kung ano-anong kabaliwan ang nagawa ko hanggang sa umabot na sa ganito, na nabuntis ako at nasira ko ang mga pangako ko kila mama at papa. Masakit sa'kin na itakwil nila ako pero hindi ko kasi kayang gawin ang gusto nila. At natauhan na rin ako mula nang malaman ko na buntis ako at ayaw kong maging dagdag pa sa kahihiyan ko sa kuya mo, dahil kasalanan ko naman 'to." Mahinahong litanya ko sa kaniya.

"Lau, hindi natin pwedeng sabihing kasalanan mo lang, like hello? Sino ba ang nantrip in the first place na ligawan at akitin ka? We're not kid anymore but it doesn't mean we won't think as one. I mean, our minds are still volatile. At saka 'di mo kasalanan kung may nabuo, duh, kung 'di sana pinutok sa loob ng isa riyan."

"Lucille, your mouth." Ma-awtoridad na wika ni Lucas at tila malapit na niyang kaladkarin ang kapatid palabas.

"What?" Luce shot him a dagger. Natahimik naman ang isa.

Nagpatuloy kami sa pagku-kuwentuhan hanggang sa mag-tanghalian na at sinabayan niya kami ni Lucas sa pagkain.

Nagpa-alam naman na siya matapos nito dahil may mga paperworks pa siyang tatapusin. Baliw talaga, inuna pang makipag-chismisan sa'kin keysa ang mga gawain niya sa eskwelahan.

*

"How do you feel?" Naupo sa tabi ko si Lucas at matamang akong tiningnan.

"Ayos lang ako." Sagot ko sa kaniya. Hindi ko pa rin lubusang ma-open-up ang sarili ko sa kaniya kahit dalawang linggo na kaming magkasama. Medyo malamig pa rin ang pakikitungo ko sa kaniya dahil tuwing nakikita ko ang pagmunukha niya ay naalala ko ang kagagahang mga ginawa ko para lang makuha siya.

Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga bago itinutok ang tingin sa T.V at kunwari'y nanunuod din siya.

Wala sa sariling hinaplos-haplos ko ang aking tiyan habang nanunuod at iniisip ang kung ano sana ako ngayon kung hindi ko iyon ginawa.

Nabalik lang ako sa huwisyo mula sa malalim na pag-iisip nang tumikhim siya. Bumaling ako sa kaniya at nakatingin siya sa kamay kong nasa ibabaw ng aking tiyan.

Ilang minuto rin kaming walang imikan bago niya ako muling mayuming tiningnan ng sandali bago bumalik ang kaniyak tingin sa aking tiyan.

Tahimik naman akong napangisi sa sarili bago ko kinuha ang kaniyang kanang kamay, na kaniyang ikinagulat, at ipinatong ito sa aking tiyan.

Umawang ang kaniyang mapupulang labi at ako'y muling binalingan. Ngumiti ako bilang ganti at tumango.

Dahan dahan niyang hinaplos ang aking tiyan habang nakatitig siya rito.

"Why isn't he kicking?" Tanong niya nang siguro'y wala pa siyang maramdaman. Natawa naman ako.

"Babies will start to kick when it's on its 6 month and up. I was just barely on my 5th." Sagot ko. Tumango naman siya.

Nagpatuloy lang siya sa paglalaro sa tiyan ko ng halos buong maghapon, hinahaplos-haplos ito at minsan ay pinakikinggan o di naman kaya'y kinakausap at ako nama'y nanunuod.

A True Mother (Short Story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt