Ilang araw na lang at sasapit na ang Christmas...🎅🎄
At nung naglalaro ako ng LoL, that day.
"wow ha!!! Support nga lang ako, ako may kasalanan kung bakit natatalo kami -_-!"
Badtrip ako sa paglalaro dahil ako ba naman sisisihin bakit natatalo kami.
-_-
Pero may hindi inaasahang pangyayari na naganap sa araw na yun. December 8, 2013. Isang tagpo na mismo mga bituin hindi alam na mangyayari ito, na mismo manghuhula hindi alam na mangyayari ito, na mismo ako at ang puso ko, sobrang gulat at hindi makapaniwalang mangyayari ito. <3
"tao po!"
Sigaw ng tao sa labas.
"ayyy putchanesss! Kung kelan badtrip na nga, natatalo, saka pa nangdistorbo!"
Ayyy sino ba namn hndi magagalit sa moment na super concentrate ka na sa laro kasi sayang yung IP. (IP- influence points/ pambili ng mga bagong champion).
"tao po! Si Angel po anjan po ba?"
Tanong ng stranger sa labas.
"po!! Saglit! -_-"
Sabi ko habang tumatayo ng kinauupuan ko papunta ng bintana.
Ha!!! Unang tingin ko pa lang sa tao na yun, biglang bumilis tibok ng puso ko. Hindi ko din alam pero parang iba eh.
Paglabas ko ng bahay,
"bakit po?"
Eto ha, hindi pa ko nakaligo, hindi maayos buhok ko, nka pantulog pa 'ko, isa pa badtrip ako.
"ahhh hello miss, si Angel po?"
Hayyyy ang lambing ng boses :/
"ako po yun. Bakit po? Sino ka po?"
Ayoko sana ngumiti, pero nagkusa yung bibig ko. Ahhahaha.
"aw. Angel, ikaw pala yan :) ako nga pala si Reek"
Nakangiti na sinabi sakin.
"oo nga po. Bakit?"
Nagmamaltida. Ehhh! Sino ba namn hndi gaganito kasi ang init sa labas. Tirik na tirik uung araw. Paki naman niya, may payong ang mokong ((;
"may tatanong lang po sana ako Angel :)"
Sabi niya.
"ahhh ano ka po nag s-survey?"
Tanong ko. Well ang cute ha pag yan nag ssurvey samin parati ((:
"ahh hehe hndi po, friend nyo po ako.
"luh!!!"
Nagtaka ako.
"sa LoL po at sa facebook, magkakilala din kami ng friend mo na si Mark (:."
"ahhh.. Ahahahaha.. Pasok muna, ang init eh."
Eh d pinapasok ko sa bahay, kakahiya namn pag hndi.
"ohhh ano po yun?"
:)
"ahhh tatanong ko lang sana kung saan yung bagay nila Shanice (:"
Nakangiting tinanong ako.
"ohhh. Kilala mo pala siya, and sino may sabi sayo na ako dapat tanungin?"
O.o mukha kong ganyan
"kasi naalala ko na taga dito ka, kahapon ko lang din kasi nalaman na taga dito rin sila Shanice (:."
Nakangiti pa rin.
"ahhh, wow ha ang lawak ng lugar namin at alam mo talaga kung saan bahay namin... -_-"
"ahh oo kasi dun ako bumaba sa malapit sa simbahan at nagtanong ako sa mga nagmamaneho ng pedicab, dalawa nga tinukoy nila, yung unang pinuntahan ko, wala ka naman doon kaya dumiretso na lang ako dito, at eto, nakita nga kita (:'
Kwento nya.
"ah okay, ano nga pala kailangan mo kay Shanice?"
"invite ko sana kayo, birthday ko."
"oh! Kelan ba?"
"actually ngayon pero c-celebrate ko sa weekend kasi yun lang ang time na available lahat ng kilala ko. Sana makapunta ka din (:"
"happy birthday (:! Cge po. Ttry ko kasi baka aalis din kami eh this weekend po. Saka wala namn ako kasama dun hehe."
"ayyy hindi po pupunta dun sila Mark, na invite ko din ibang classmates mo kasi kakilala ko din yung iba (:"
"ahh cge po. Oo nga po pala, yung bahay nila Shanice dun banda sa likod ng simbahan. Alam mo din naman diba papunta dun?"
"ahhh oo. Salamat ha. Aasa ako na makakarating ka Angel."
"oo cge. Nga pala, sabi mo kanina na friend kita sa LoL?"
"oo sa fb pa nga eh (:"
"pano? Dalawa lang naman kilala ko na taga iloilo din. :/"
"ayyy isa lang kilala mo, pero ung pangalawa ngayon kilala mo na hehe. Oo ako nga yun. Maniwala ako na hndi mo ko nakilala."
"hindi nga! :/ ahahahah... (yung nagulat ako at wow ha!!!!) ang layo kaya ng mukha mo pag sa picture lang and in person na :/"
"mas cute ba in person?"
"ahahahah"
Wew! Infaireness, starstruck ako ha!
Sabay naman lumabas si tita galing room niya.
"uy! (smile samin)"
"hello po. Good morning"
Binati niya tita ko.
"ano? -_- (pinapaalis ((:...)"
Tumingin ako kay tita
"(smile ulit) morning"
Sagot ni tita.
"nga pala Angel. Papaalam na ako. Dami ko pa kasi dadaanan."
"aw okay cge cge."
"thanks sa time mo at tulong (:"
"oo okay lang no problem po"
Sabay hinatid sa gate.
"Angel punta ka ha. Naka reserve na dun yung seat para sayo (:"
"opo. Ttry ko po (:"
"cge Angel, bye (:"
"bye Reek. Tc."
And this day was like, OMG! SERIOUSLY?! WEW! Kasi naman sino ba naman na babae ang hindi kikiligin na makilala yung lalaki na crush nya at yung lalaki pa mismo ang pumunta sa bahay niya sa hndi inaasahang araw, at oras. Hndi ba!? Sinasabi nyo na parang sus! Hndi totoo pero nagyari ito (:
Hindi mo maipaliwanag yung kaligayahan or yung epekto na naidulot sayo nung nakilala mo siya. Yung.... Thank you Lord, anjan ka talaga para tuparin mga panalangin ko kahit dahan dahan lang (:.
Talaga namang sadyang ang liit ng mundo para hindi kayo magtagpo. Maaring sa paraan na hindi mo inaakala or sa paraang naayon sa plano niyo.
Dalawa lang ang pwedeng sabihin mo pag ika'y may gusto sa isang tao, na minsan nakakalimutan na natin kung sino nga ba dapat pasasalamatan, it's either, "Lord, thank you" or "yes! Siya na nga!.... Blah blah blah...."
In the long run, pananalig at tiwala pa din sa Taas ang dapat mong panghawakan para hindi ka mawalan ng pagasa (:.
__________________________

BINABASA MO ANG
Angelic Gamer
ChickLitHey summoners! Expect that not all gamers are guys... And not all love story ends happily...