The KISS

7 0 0
                                    

Pag mulat ng mata ko nagulat ako kasi may katabi na ako, at hinde ko lang siya basta katabi kayakap ko na pala siya. sisigaw sana ako pero napatingin ako sa mukha niya, nakangiti sya sa akin. Ang amo nang mukha nya, ang sarap niyang pag masdan. Pakiramdam ko napaka saya ko habang katabi ko siya, kung isa man siyang panaginip sana ay hinde na siya matapos, sana ay hinde na ako magising.

"I love you babe, sorry kung matagal akong nawala. Ngayong nandito na ako hinde na kita hahayaang mag isa, hinde na ako aalis sa tabi mo, hinde ko kaya na wala ka sa buhay ko, mahal na nga yata kita."

Naiyak ako sa sinabi nya, pero pinilit kong gumising dahil natatakot ako na baka ang kasunod ng magandang eksena na ito ay bangungot na naman. Sinampal ko ang sarili ko para magising, naramdaman ko ang sakit ng dumapo ang palad ko sa aking mukha.

"What are you doing?, dont hurt your self."

Paulit ulit ko itong ginawa, masakit na ang pisngi ko pero hinde parin ako nagigising. Gusto ko ng magising. Gusto ko ng kumawala sa bangungot pero walang epekto ang sampal. Hinawakan nya ang kamay ko para matigil na ako sa pananakit sa aking sarili. "Stop it babe." Pinilit kong kumawala, ng makawala ako ay

Pak...

Pak...

Pak...

"Aray, tama na. Pls babe tama na."

Hinde ko na napigilan ang umiyak, totoong nasa harapan ko sya. Hinde ako makapaniwala, ano bang nangyayari?.

"Bakit ka nandito?, anong ginagawa mo dito?!!!. Anong babe pinagsasasabi mo dyan?, adik ka ba ha!!!!" I ask him.

"Babe naman, plssss im sorry. Im here for you, nandito na ako ulit hinde na ako aalis. I know galit ka but pls let me explain, i make it up to you."

"Ano ba!, sira ulo ka ba ha?! Kung nagti trip ka wag ako pag tripan mo, anong babe? Anong i make it up to you?, bakit ano ba kita ha!. isa ka lamang panaginip, mali pala, isa kang bangungot. Isang bangungot na pilit kong kinakalimutan, isang masamang panaginip na gusto ko nang ilibing sa hukay. Isa kang bangungot na unti unting sumasakop sa isip ko!, isa kang bangungot na pumapatay sa puso ko!. Isa kang bangungot na araw araw gumugulo sa buhay ko at pumapasok sa sistema ko, bangungot ka lang!!!." Im crying like a little child while saying those words to him.

"Babe, pls naman wag mong isipin na bangungot ang lahat, totoo ako, totoo ang lahat ng ito. Wag mong ituring ang lahat ng masayang ala ala natin na bangungot lang, alam ko nasaktan kita but pls let me explain, tatanggapin ko ang lahat ng masakit na salita galing sayo wag lang ito, hinde ko kaya na marinig na para sayo ay bangungot ang lahat, hinde ko kayang isipin na gusto mo akong kalimutan, babe pls alalahanin mo ako. Remember all those times we shared, all the memories that we have. All of that is not just a dream, they were real. I am real, pls remember me babe"

He was crying while saying those words. I dont know what to say, i dont want to be hurt, i dont want to be left alone. I close my eyes and think. "I'll make you remember me babe." He kiss me, suddenly, i remember all the dreams that i have. I remember how it hurts, it hurts like hell, i remember how happy we are. I remember how those things became a nightmare. I told my self that it was just a dream, i make my self believe that it was just a dream, that all of this is just a dream turned into a nightmare. I pretend, i pretend so hard so i can stop my self from hurting. Until i completely make my self believe, but deep inside i know im still hurting i just dont want to admit it.

I kiss him back.


Ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ay unti unting nababawasan, pakiramdam ko ay hinuhugasan ng bawat dampi ng labi niya ang puso ko. Naiibsan ng mga halik niya ang sakit na nararamdaman ko, para akong isang ibon na nakawala sa kanyang kulungan at naka langhap ng sariwang hangin. Bumuhos ang luha sa aking mga mata, kasabay ng pag agos ng mga luhang ito ang kirot at pait na nakatago sa kaibuturan ng aking puso. Ang bawat pag patak ng luha ay ginhawa ang hatid sa aking pagkatao, pinalaya ko ang lahat ng sakit. Pakiramdam ko ay pinalaya ko rin ang aking sarili sa isang kulungan, kulungan na unti unting nabuo at nagkulong sa akin ng hinde ko namamalayan.

Dahil sa halik niya ay nakalaya na ako.....





Nakalaya na ang puso ko......





Nakalaya na ako sa bangungot na ako mismo ang gumawa...


                        ~~~~~~~~~~THE END~~~~~~~~~~



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cage Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon