The DREAM

3 0 0
                                    

do u want to know what is my dream?....

I am at school walking on the corridor to my next class ng biglang tumalsik lahat ng gamit ko, nabangga ko na pala ung isang student na bully daw(daw kasi i dont care nmn if they are) he just walk past through me ni hinde man lang ako tinulungan mag pulot ng gamit pero ok lng kasi sa cliche movie or sa romance novel sa wattpad lng nmn un nangyayari, so un pinulot ko n lng ung mga gamit ko then i walk to my classroom. This is just a boring day wala masyadong ganap, ma ingay na classroom bully na classmates and bwisit na teacher na tamad mag turo at pina kopya na lng ang napaka habang lecture daw na ipinasulat nya sa classmate namin na naboto na class secretary oh diba ang bongga. Pag tapos ko magsulat lumabas na ako, pwedi nmn na lumabas as long as tapos ka na.

So ayun papunta na ako sa rooptop ng skul na favorite kong tambayan when suddenly may naramdaman ako na sumusunod sa akin pag lingon ko si boy bully pala so dedma na lamg ang lola nyo hinde nmn ako ilusyonada ano, pano pala kung parehas lng kami ng way. Eh di dedma lng nga ang lola nyo then nung nasa stairs na ako paakyat sa third floor dun na ako kinabahan kasi wala ng classroom sa third floor auditorium and conference room n lng ang nandun kaya tinry ko ng tumakbo paakyat then boom pagsilip ko sa may stairs sa may baba kasi nga ahead na ako sa kanya, badtrip tumatakbo na din sya paakyat and worst is may mga kasama pala sya, so binilisan ko pa ang pagtakbo, no choice na this walang ibang way ehh sa rooptop pa ung isang stairs dun na lng ako tatakbo pa baba. Then nung nakaakyat na ako pag open ko ng door pag lingon ko andyan na sya konting kembot na lang mga bes aabutan nya na ako, kaya nmn takbo ng bongga si ako then pag punta ko sa kabilang way para sa isa pang stairs.....


Boommmm.....



May bantay mga friend.....

So ayun natakot ang lola nyo sisigaw na sana ako kaso....



















"Wag kang sisigaw ng rape, wag kang assuming as if naman nakakalibog ka" yan ung sabi ng kumag. Grabe mga te ang sarap sampalin ng gago saka isa pa wala akong balak sumigaw ng rape and hinde talaga ako assuming.

"Ano ba kasing kailangan mo?, wala naman akong atraso sayo ahh. Bakit mo ba ako hinabol?." Nakasandal pa ako sa may gate habang sinasabi ko yan, syempre with matching halukipkip pa. Ohh diba chill lang ang lola nyo, syempre pa epek lang un para hinde nya isipin na takot ako sa kanya.

"Simple lang naman ehh, kaya kita hinabol kasi may atraso pa ako sayo. Pasensya ka na kung di man lang kita natulungan kanina nung nabungo kita medyo nagmamadali kasi ako, bakit ka ba kasi tumakbo?, grabe hiningal ako sayo na babae ka". Yan ung sabi ng gago napa wtf na nga lang ako ehh, ano bang katangahan mga pinagsasasabi netong lalake na to pero in fairness with matching smile pa sya hmmmm.... gwapo pala sya ngaun ko lang na notice, kung sabagay hinde naman ako mahilig tumingin sa pogi ehh, and may dimples at maganda ang ngipin nya at nakakaloka sya ngumiti parang si enrique gil lang.

"Ano bang pinagsasasabi mo?, naka droga ka ba?. Kung tungkol lang sa bangga kanina never mind na yun. Ok na ba?, at saka nga pala tinatanong mo kung bakit ako tumakbo, pwes ikaw ba naman ang habulin ng notoruis na mga bully ng skul aba hnde ka ba tatakbo?, sige na tsupi na at nagugutom na ako. Hinde naman kayo tambay dito sa rooptop diba?, sige na makaka alis na kayo." Yan po ung sinabi ko sa kanya, pero ang gago naka tingin lang at take note pinagtatawanan nila ako guys, bwisit na yan.

"Ahh ganun ba, ok." Naka death glare sya mga bes, parang kakainin ka nya ng buhay akala ko nga hinde sya aalis pero Buti naman at tumalikod na ang gago haysss salamat po lord.. pero nagulat ako kasi sabi nya bigla "joke.... hahahhaahaha hinde mo naman pag aari ang rooptop diba kaya dito na lang muna kami ng mga tropa ko, eto nga pala para sayo. Paki bawasan nga din pala ang pagsasalita mo kasi ang ingay ehhh, mga pare punta na kayo dito." yan ang sabi nya grabe ang kapal ng mukha nya pagsabihan daw ba ako ng maingay walastik naman ohh pero dahil tama nmn sya tumahimik na lang ako at nagpunta na sa favorite spot ko pero syempre kinuha ko ung binibigay nya, lafang din kasi yon mga mars, pero syempre bago ako umalis sinilip ko na muna sa harapan nya yung laman ng styro baka kasi mamaya prank mas mabuti ng sa harapan nya para maihagis ko sa mukha nya......

Tapos ng nangyari sa rooptop grabe naging stalker ko na yata sya, hinde ako nag aasume ha, lagi talaga syang nakasunod sa akin kung hinde naman lagi nya akong inaabangan. Sa labas ng classroom, sa hallway, sa rooptop minsan pa nga sa labas ng gate at lagi din syang nagbibigay ng kung ano anong pagkain. Dahil syempre lafang un tinatanggap ko naman. Pag lipas ng 1 week lumapit na sya sakin, nakipag kwentuhan lang naman, ewan ko ba parang may something na sakin na hinde ko maipaliwanag, ganun na ung routine namin until isang araw tinanong nya ako kung gusto ko na ba daw sya. Hinde ko alam kung ano ang isasagot ko nun, pero dahil nga hinde naman ako plastik na tao sumagot na lang ako ng oo, tapos umalis na ako.

Hinde na sya lumapit sa akin simula nun, hinde ko na rin sya nakikita pero nagpapadala parin sya ng lafang. hanggang isang gabi inabangan nya ako sa gate ng skul uwian na nun ehh. Sabay na daw ako sa kanya pauwi hahatid nya daw ako, hinde ko alam kung papayag ba ako. Kalaunan nakita ko na lang yung sarili ko na kasama sya, humingi sya ng sorry kasi nga hinde sya nagpakita ng ilang araw napa away daw kasi sya kaya suspended  sya. Nagulat ako sa tinanong nya sa akin ng gabi na yun, tinanong nya kung pwedi daw bang maging kami hinde ko alam kung magpapakipot ba ako o ano. Ang sabi ko na lang pag iisipan ko.

Monday pasukan nanaman, hinihintay nya ako sa gate ng skul nang makalapit ako tinanong nya kung napag isipan ko na ba yung sinabi nya sabi ko mamaya na lang kami mag usap pag break time dun na lang kami magkita sa rooptop.

Breaktime na, papunta na ako sa rooptop kinakabahan ako kaya tumakbo na ako paakyat para naman mawala na yung kaba ko pero nagulat ako kasi hinahabol nya nanaman ako kaya imbes na mawala ang kaba ko lalo yatang nadagdagan. Pag dating sa taas na corner nya agad ako, grabe di pa nga ako nakakahinga eto na agad sya.

"Ano na ba ang sagot mo sa tanong ko?" Nagmamadali lang ang peg?, bigwasan ko kaya to.

"Teka naman, aba ni hinde pa nga ako nakaka hinga kung maka tanong ka jan wagas. Saka bakit ka ba nagmamadali?, at anong gusto mong isagot ko oo agad, ano yan trip?, hoy gago magkalinawan muna tayo haaa. Una sa lahat kung nagtitrip ka o may kapustahan ka wala kang mapapala sa akin, pangalawa hinde ako kagandahan para maging syota mo at pangatlo kung gusto mong magpasikat dito sa skul sorry ka hinde ako sikat kaya hinde tayo pagpipyestahan ng mga tsismosa".

"Tsss, hinde ka pa nakakahinga pero ang haba na ng sinabi mo. Hinde ang sagot ko sa lahat ng tanong mo, gusto lang kita ganon lang kasimple yun kaya sagutin mo na ang tanong ko, at wala akong pake kung hinde ka kagandahan. Bilis na sagot na ang dami mo pang dinadaldal." Aba bossy ang gago, pero sasagutin ko ba sya tutal may feelings naman na din ako sa kanya baka hinde naman masama na i try diba?, mararamdaman ko naman kung gaguhan lang yo diba?.

"Ok sige, para sa ikatatahimik natin pareho sige oo na, tayo na, ngayon masaya ka na?, maupo ka na dyan at manahimik ka na dahil kakain na ako ok..."

"Ok."

Ganun lang kabilis ang lahat, akala ko nga biruan lang ehh. Pero anak ng tokwa naman ohh seryoso ata ang gago kasi sobrang showy nya ehh, hinihintay nya ako lagi, hinahatid sa classroom with matching dala ng gamit ko, nakatambay pa sya minsan sa labas ng room namin may time pa nga na binigyan nya ako ng bulaklak and kiniss nya pa ako sa cheeks. Kalaunan nasanay na ako sa presensya nya sa buhay ko, nasanay na ako sa tingin ng mga tao pag kasama ko sya wala naman kasi akong pakielam sa iniisip nila nakatingin lang naman sila, hinde nila ako binubully and hinde ko nmn naririnig na pinag uusapan nila ako. Masaya kaming magkasama, sabay kumakain, sabay umuuwi, sabay pumapasok unti unti nasanay na rin ako sa presensya ng mga kaibigan nya, pakiramdam ko nga nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan. Lagi syang nasa tabi ko, kahit kaklan hinde ko naramdaman na wala syang time sa akin. Lahat na nga yata ng effort ibinigay nya, pag naboboring ako sa buhay ko at gusto kong umabsent tumatambay kami sa secret place nila. Pag gusto kong gumala sinasamahan niya ako, laman kami ng computer shop at mall pag walang pasok. Lagi syang may surpresa para sa akin, feeling ko nga napaka perfect ng relasyon namin. Masaya ako pag kasama ko sya, halos ilang buwan na din kaming magkasama, pero lahat nga yata ng saya ay may katapusan. Bigla na lang syang hinde nagparamdam. Nung una akala ko na suspend lang ulit sya, lagi ko syang inaabangan sa labas ng skul pag uwian baka kasi bigla nanaman syang sumulpot sa harapan ko napakasakit kasi isang linggo na wala parin akong balita sa kanya, araw araw na mimiss ko sya. 1 buwan na pero wala parin, gusto ko nang sumuko. Gabi gabi wala akong ginawa kung hinde umiyak lang ng umiyak hangang isang umaga nagising ako....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Yan ung panaginip ko, ilang gabi na syang lumilitaw sa utak ko, ilang gabi narin syang laman ng panaginip ko and everytime, every damn time, na nagigising ako may masakit sa dibdib ko, basa ng luha ang mata at unan ko. Totoo ka ba?, oh isa ka lamang magandang panaginip na sa aking pag gising ay nagiging isang napaka sakit na bangungot???....

The Cage Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon