The REALITY

4 0 0
                                    

Dahil sa aking panaginip hinde na ako nakatulog pang muli maaga akong nag prepare para sa pag pasok ko sa skul, alam nyo kung anong nakakatawa? Nakakasalubong ko ang mga barkada ni boy bully sa skul and yet everytime na ita try kong mag reach out sa kanila tinitignan nila ako ng masama, sa panaginip ko kasi super close ko sila dito sa reality ni hinde nila ako nginingitian, yung feeling na ikaw lang ang may kilala sa kanila. wala din naman akong naririnig na nagtsitsismisan, wala din nagtatanong sa akin kung anong nangyari, so kung kayo ang nasa kalagayan ko?, iisipin nyo bang reality yung panaginip nyo?.

Kaya pinabayaan ko na lang, everyday nakaka salubong ko sila sa hallway ng skul, kahit saan nga ako mag punta may time na talagang nandun sila akala mo binabantayan ka, para bang naghihintay sila ng pagkakataon na ibully ka. Buti nga hinde ko pa nararanasan na ma bully kahit madalas mag isa lang ako. May mga pagkakataon pa nga na pag nakatambay ako sa mga lugar na tinatambayan namin ni boy bully sa panaginip ko nangingiti ako ehh,  pero at the same time sumasakit ung mata ko at kumikirot ang puso ko. Minsan nga iniisip ko kung nababaliw na ba ako ehh, ohh crush ko siguro yung si boy bully kaya ganun yung panaginip ko tungkol sa kanya, pwedi rin siguro pangarap kong magkaroon ng boyfriend na may itsura at si boy bully yung napili ng imahinasyon ko na pag pantasyahan na maging boyfriend ko sa panaginip, pero kasi ang ipinagtataka ko ganun na ba ako ka attach sa panaginip ko at nakakaramdam ako ng sakit at kirot dito sa puso ko?...

Feeling ko normal naman ang buhay ko ehh,

pero parang may kulang,

Parang may hinahanap ako.

Parang may wala sa tabi ko.....

Lumipas pa ang ilang araw, hangang pag gising ko isang umaga na may kirot sa puso ko pero at least wala nang luha, wala nang panaginip. Siguro napagod na ang isip ko sa pag papantasya at tumigil na sya, nagsawa na siguro at namulat na sa reality na hinde magkakatotoo ang gusto nyang mangyari, wala naman akong mapapala sa kaka ilusyon. siguro itong mga nararamdaman ko ay dulot lamang ng labis na paniniwala ko sa ilusyon na ginawa ng utak ko na hanggang sa panaginip ay daladala ko.

Patuloy lang ang buhay, normal na siguro sa iskwelahan na magsulat ng sandamakmak at makinig sa teacher na salita ng salita sa harapan na hinde ko maintindihan ang mga pinagsasasabi. Andito ako sa isang klase ko ng mapalingon ako sa labas ng room at makita ko si boy bully na nakatayo sa labas ng room namin at naka ngiti, nilinga ko ang ulo ko sa kabuuan ng classroom kung meron ba siyang ka ngitian (at baka gawa gawa lang din nmn sya ng imahinasyon ko, distraction din ang pag linga.) Pero wala eh, ako lang ang nakatingin sa may pinto, kaya lumingon ulit ako, andun parin sya sa pinto naka ngiti at nakahalukipkip.

Alam mo yung feeling na parang sasabog yung puso mo sa sobrang pagtibok nito, na sa sobrang lakas ay napaka sakit at hinde ka na makahinga. Na hinde mo malaman kung masaya ka ba o hinde dahil sobrang sarap nya sa mata pero nararamdaman mong unti unting sumasakit ang mata mo at namumuo ang luha dito. Na kahit gustong gusto mong balewalain ang nararamdaman mo ay hinde mo magawa, unti unting kinakain ng sakit ang sistema mo na halos wala ka ng maramdaman sa gitna ng dibdib mo. Ganon ang pakiramdam ko ngayon mga bes, kaya nagpaalam ako sa teacher namin para makapunta ng rest room, dali dali kong kinuha ang gamit ko sa upuan at tumakbo palabas. Nung nasa pinto na ako ay nakaharang siya sa daanan, hinde ko sya napansin dahil sa sobrang pagmamadali kaya nabungo ko sya at tumapon lahat ng gamit ko. Hinde na ako nag abala pang pulutin ang mga yon, tumakbo na ako papunta sa rooptop pero nararamdaman ko na may humahabol sa akin kaya lumiko ako sa isang hallway at pumasok sa ladies room na nadaanan ko. Narinig ko pa ang yabag ng paa at ang paghahanap nila sa akin, tahimik lang akong umiyak sa isang cubicle dun. Hinde ko alam kung bakit sobrang apektado ako ng presensya nya, unti unti nanaman bumabalik sa isip ko ang bangungot na pilit kong inaalis sa utak at sistema ko. Gulong gulo ako hinde ko alam kung ano ba itong nangyayari sa akin, panaginip lang sya hinde ba?, pero bakit totoo ang sakit na nararamdaman ko.....

The Cage Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon