2nd Chapter:

538 26 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

*yawnn*

Umaga na pala hayyyst,andito pa rin ako sa loob ng kwarto ko naka lock parin dumeretso na ako ng cr para gawin ang morning rituals ko.

hilamos

toothbrush

buhos

sabon

shampoo

buhos

then viola tapos na nagbihis na ako ng damit na pangbahay lang wala naman akong pupuntahan saka di na man ako nagaaral dahil hindi naman ako pinag aral ni Anti Madelle.

Nakaupo lang ako dito sa kama ko habang hinihintay na buksan ang pintuan ng kwarto ko mukhang nakalimutan na nila ako ah,nagugutom na rin ako kagabi pa kasi ako di nakakakain eh.

Maya maya biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa doon si Ella the maldita.

"hoy lumabas ka na jan magluluto ka pa ng almusal namin".sabi niya sa akin sabay alis

hayystt napaka maldita talaga niya sarap ingudngud ung mukha sa lupa!!!.

bumaba na rin ako kaagad para makapag luto mahirap na baka masaktan nanaman ako.

Andito ako ngayon sa kusina nagluluto ng fried rice,hotdog and bacon yun lang.

Nang matapos tinawag ko na ang mga kamahalan,pagkatapos ko sila tawagin umupo na ako sa pwesto ko at tahimik na kumain.nang matapos na kami kumain hinugasan ko na ang mga plato at dumeretsyo sa garden para magdilig.

pumasok na ako sa loob ng bahay matapos kung mag dilig ng mga halaman,dumeretsyo na ko sa kwarto ko tapos naman na lahat ung gawain ko eh.

Nakaupo ako sa study table ko ngayon kinuha ko ung isang libro na binabasa ko isang fantasy book ung binabasa ko mahilig kasi ako magbasa ng mga fairytale story eh hehehe!!!.

Binabasa ko ngayon is tungkol sa isang prinsesa na napunta sa mundo ng mga tao,Prinsesang pinaka makapangyarihan sa buong magical world.

hayyyssttt!!sana ako nalang ang prinsesa sa librong ito,ano ba yang pinagiisip ko para naman akong bata na naniniwala sa magic or powers etc nayan alam ko naman na yung mga yun is never mag eexist.

habang nag de-daydream ako narinig ko nanaman ang sigaw ni Anti sigurado akong maguutos nanaman yun kaya agad agad na ako bumaba.

Habang tumatakbo ako di ko sinasadyang mabangga ang paboritong vase ni Anti,,patay lagot nanaman ako siguradong sasaktan nanaman niya ako,anong gagawin ko?..

"Anong ginawa mo sa vase ko alam mo ba na mas mahal pa yan sa buhay mo!!!"

"Alam mo simula ng dumating ka sa buhay namin di na nawala ung kamalasan!!kaya lumayas ka na dito!!at huwag ka ng bumalik"..

"Anti patawarin niyo na po ako hindi ko po sinasadya huhuhuhu!!".

"hindi ka talaga aalis ha!!halika dito!!,".sabay sabunot niya sa sakin palabas

"aray anti ta-tama na po na-nasasaktan na po ako huhuhu!".

Dinala niya ako sa labas ng gate at hinagis kasama ng mga damit ko.

"jan ka nababagay sa labas isa ka lang basura at subukan mong pumasok baka mapatay na kita". saka niya sinarado ang gate.

"Anti papasukin nyo na po ako wala po akong mapupuntahan kayo lang po ung pamilya ko".

Isang oras na ako dito sa labas ng bahay nagmamakaawa na papasukin,pero kahit anong pakiusap ko hindi parin nila ako pinapansin kaya napagdesisyunan ko na umalis nalang kasi maggagabi na rin kailangan ko pang may mahanap na titirahan.

Lakad lang ako ng lakad daladala ung isang maleta kong damit,hindi ko namalayan na andito na pala ako sa gubat naglalakad gabi na rin buti nalang may maliit akong flashligh na dala kaya may liwanag ako sa daan.

ilang oras na rin ako naglalakad halos paikot ikot nalang yata ako eh,hanggang sa may nakita ako isang kweba na nagliliwanag sa loob,kaya agad agad akong pumunta nagbabakasakali na may tao akong makita at mahingan ng tulong.

Pumasok na ako sa loob ng kweba hindi pa rin ako masyadong makakita dahil sa sobrang liwanag sa loob ng kweba.

boogghhss!!

bigla naman akong napatingin sa pinasukan ko may harang na malaking bato ang lagusan kaya hindi na ako makakalabas.

Tinignan ko na man ang dulo ng kweba may lagusan doon kaya agad na ako naglakad patungo doon mga 30 mins din ako naglakad bago marating ang dulo may nakita naman akong parang bilog na may liwanag sa gitna parang isang portal?

sinubukan kong idikit ang aking kamay sa liwag,bigla naman parang may pwersang gustong humigop sa sakin pinipigilan ko ito subalit sadyang malakas ang pwersa kaya nahila ako.

haaaaaaaaaaaa!!!!!!

paikoy ikot lang ako sobrang nakakahilo nah Maya maya pa ay 
booogghhss!!

Bigla akong bumagsak sa lupa at tumama ung pwet ko ang shaket.

Biglang sumakit ang ulo ko and everything went black..

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

muzta po ung chapter 2,sana po magustuhan nyo po^_^

-aljhen_lyz

The Long Lost Elemental Princess Of HydrangeaWhere stories live. Discover now