4th Chapter:

729 33 6
                                    

Habang nasa himpapawid kami hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng nakikita ko,ibang iba talaga ang mundong to sa dating mundong kinagisnan ko.

Hindi ko namalayan na nakababa na pala ang pegasus na sinasakyan namin,agad naman akong bumaba kasabay si joanna.

WOW!!yan lang ang unang lumabas sa  bibig ko ng makita ko ang pinaka City nitong lugar nila,napaka daming nagtataasang gusali,maraming mga tindahan,May mga kainan,hospital,mall at marami pang iba para lang itong Manila sa mortal world mas maganda pa nga yata dito eh!..

"Welcome to Hydrangea City ito ang pinaka sentro ng mga bayan dito sa Hydrangea".sabi ni Joanna sa akin pero di ko siya pinansin dahil nakatuon lang ang pansin ko sa mga naglalakihang gusali at iba pa.

"oh tulo na ang laway mo jan".natatawang sabi sa akin ni joanna

Bigla ko naman kinapa ung bibig ko kung tumulo nga laway ko pero hindi naman ah!.

"hindi naman tulo laway ko ahh!".

"ano kaba niloloko lang kita,pano ba naman kanina ka pa naka nganga jan at nakatulala".

"ganon ba pasensya na namangha lang ako sobra sa lugar nyo para lang din itong sa Mortal World mas maganda pa nga yata dito eh!".

"alam mo halika na punta tayo sa loob ng mall alam ko mas mamamangaha ka pa pag pumasok ka sa loob,halika ka na bilis!""sabay hila nanaman nya sa akin,uso ba sa kanya ang panay hila?.

nagpahila nalang ako sa kanya wala naman akong magagawa eh kung hindi sumunod sa kanya dahil di ko pa alam ang lugar na ito.

Hindi nga siya nagkakamali napaka ganda nga ang loob ng mall nila kala ko maliit lang ito ang liit kasi tignan sa labas pero nung pumasok na kami parang doble ang laki nito sa MOA sa mortal worlds,napaka ganda talaga dito.

Pumasok kami sa bilihan ng damit napaka ganda lahat ng damit,sukat lang ng sukat sa akin ng damit si Joanna,ang dami niyang piniling damit pa ra sa akin sabi ko wala akong pambayad pero sabi niya siya daw bahala sakin kaya pinabayaan ko na siya.Nang makabayad na kami sa counter dumeretso naman kami sa bilihan ng mga sapatos ganoon din ang ginawa niya sinukatan niya lang ako ng sinukatan ng mga sandals at binili niya ito para sa akin,ang bait niya talaga.

Nang matapos na kami mamili ng mga gamit ko dumeretso kami sa Mcdo,oo tama kayo ng basa may mga Mcdo,Jolliebee,KFC at etc. dito ang galing nga eh.

Nang makaorder na kami,umupo na kami kumain lang kami ng kumain hanggang sa matapos na kami.

Wala na kami pupuntahan kaya napag desisyunan namin na umuwi na dahil mag gagabi na rin.

Sumakay ulit kami ng pegasus pabalik ng bahay nila Joanna,nang makarating na kami agad ba kami pumasok sa loob at dinala sa kwarto ko ang pinamili halos gamit ko lang ang binili namin sabi kasi ni Joanna marami na siyang mga damit at sapatos kaya ako nalang ang pinamili niya napaka bait nya talaga.

Nang mailapag namin ang aming pinamili bumaba ulit kami para manood sa sala hindi na kami kakain dahil naka kain naman na kami kanina eh.

Nag kwetuhan lang kami at nanood sabi pala ni Joanna bukas na daw ang pasukan kaya ieenroll niya daw ako para rin daw malaman ko na ang powers ko at may dorm din daw sa School na yun kaya doon kami mag sstay ang pangalan daw ng school na yun ay Hydrangea Magical Academy,im excited na nga eh saka daw yung uniform ko daw at mga gamit sa school ay school na daw ang bahala kaya diko na kailangan pang mamili ang galing nga eh!.

Umakyat na rin ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko sa school bukas,excited na ko dahil mararanasan ko nanaman ang makapag aral.

Maya maya pa ay bumigat na ang talukap ng aking mga mata hanggang sa Nakatulog na ako.

zzzzzzzz.. zzzz... zzzz..

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

hope you like this chapter guyz^_^

-aljen_lyz

The Long Lost Elemental Princess Of HydrangeaWhere stories live. Discover now