Nagising ako sa isang kwartong hindi ko kilala kaya agad akong napabangon nilibot ko nang paningin ang kabuuan ng kwarto,malaki ang kwarto maganda maayos at malinis pero teka lang pano ako napunta dito ang alam ko hinigop ako ng isang portal at hindi ko na alam ang kasunod.
"Oh iha gising ka na pala maayos na ba pakiramdam mo?"tanong sa akin ng matandang babae na pumasok
"Ah opo ayos na po ako,teka lang po pano po ba ako napunta dito at sino po kayo?"tanong ko
"Iha kaya ka na punta dito dahil natagpuan ka ng apo ko sa gubat na walang malay kaya dinala ka niya dito".
"ganon po ba?salamat po sa pagtulong Lola?"
"Lola Miranda nalang itawag mo sa akin".
"ah ok po lola Miranda".
"Iha bakit kaba nasa gubat at walang malay"?
"Ano po kasi lola napunta po kasi ako sa kweba at nakakita po ako ng bilog na liwanag hinawakan ko po ito at bigla nalang po akong hinigop hanggang sa mawalan ako ng malay at hindi ko po alam na sa gubat po ako bumagsak".mahaba kong paliwanag
"ibig bang sabihin iha galing kang mortal world"?
"Opo naman po".
"isa ka rin naming kauri hindi ka rin ordinaryong tao dahil napunta ka dito".
"lola ano po bang sinasabi niyo hindi ko po kau maintindihan, ako hindi ordinaryong tao?"
"wala ka pang alam iha dahil galing ka sa mundo ng mga tao,ganito kasi yun dito sa mundong to lahat ng tao ay hindi ordinaryo,lahat ng tao dito ay may mga powers,at isa ka rin sa amin"?
"pano nyo po ako magiging katulad eh wala naman po akong powers eh"?
"wala pa sa ngayon dahil siguro hindi pa ito lumalabas pero nararamdaman ko na may powers ka".
"ganon po ba excited na po ako makita kung ano man po ung magiging powers ko".
"halika na at bumaba alam kong gutom ka na kaya halika na at siguro akong anjan na ang apo kong si Joanna kanina ka pa nga niya gustong makausap eh at nakipagkaibigan,".
Nang makababa kami ni Lola Miranda bigla nalang may yumakap sa akin.
kyaaaahhhhh!!
"ang ganda ganda mo talaga halika na bilis kain na tayo".
Nagulat naman ako sa pagsigaw niya mukhang di naman siya excited noh.
hinila na niya ako sa dinning area para makapag almusal,pinaupo niya ako sa tabi niya at hinayaan niya muna akong kumain,sabi niya pa nga bestfriend na daw kami,kasing age ko lang siya pero parang isip bata lang hehehe.
Nang matapos na kami kumain ako na ang nag presintang maghugas hinayaan naman nila ako,nang matapos ay hinila ulit ako ni joanna papuntang sala magkukwetuhan daw kami,ang kulit nga nya eh!.
"magpakilala ka muna hindi ko pa kasi alam pangalan mo eh."joanna
Ay oonga pala hindi pa ako nakakapag pakilala.
"ahm ako nga pala si Andelaine Villaruel 15 yrs old".pag papakilala ko
"nice meeting you ulit"masayang bati niya
"Ako naman si Joanna Villegas 16 yrs old isang healer".pagpapakilala niya
"Bakit pala napunta kang mortal world eh kauri ka namin"?tanong ni joanna sa akin
"hindi ko alam eh"ako
"ganoon ba?ok lang yan kung hindi mo pa alam yung power mo for sure late bloomer kalang kaya di pa lumalabas yang power mo".Joanna
"cguro nga"ako.
"gusto mo ba ipasyal kita sa Hydrangea City marami dung pasyalan at pamilihan".Joanna
"ah sige".ako
"halika na"sabay hila nanaman niya sa akin.
"teka lang san ba tayo sasakay mukha kasing wala namang sasakyan dito".tanong ko
"sa pegasus tayo sasakay".joanna
"pegasus?wow ang galing naman"ako habang tuwang tuwa
"halika na sakay na tayo".joanna
Bigla naman may humintong pegasus sa harap namin kaya agad na kaming sumakay.