AT THE HOSPITAL
Almost 5 o'clock na ng magising si Kassandra. Ni hindi na siya nakapag lunch. Ganun na pala siya katagal na nakatulog.
"Naku senyoreta Kassandra, mabuti naman po at nagising na kayo eh kanina pa po nag-aalala sa inyo si nana Martha"
Agad na salubong sa kanya ni Nena ang kanilang labandera, na ang tinutukoy ay ang kanyang yaya."Ganun po ba Manang! Naku medyo napasarap po ang tulog ko eh. Nasaan na po ba si Yaya?" tanong niya dito.
"Naku eh pumunta na po ng ospital at nagdala po ng mga gamit ni senyor. Pinasusunod na lang po kayo doon. Si Ka Berto daw po ang maghahatid sa inyo pero bago po kayo pumunta eh kumain po muna kayo."
"Sige po Manang Nena. Salamat!"
Agad na ipinaghanda si Kassandra ng kanilang katulong na si Manang Celia ng makakain.
Pagkatapos niyang kumain ay nagshower muna siya bago nagpahatid sa driver nila sa ospital kung saan nakaconfine ang kanyang papa.
Pagdating sa Ospital ay awang awa si Kassandra sa nakitang kalagayan ng kanyang papa, napakaraming tubo na nakakabit sa katawan nito.
"Yaya Martha kumusta na daw po ang papa?"
"Naku iha hindi pa rin mabuti ang lagay ng papa mo. Ang mabuti pa ay yong doktor nalang niya ang kausapin mo."
"Sana makarecover agad si papa yaya, kasi hindi ko siya kayang makitang ganyan! He's all I have at hindi ko kakayanin pag may masamang nangyari sa kanya. Mahal na mahal ko si papa yaya. Alam kong naging pasaway ako sa kanya, pero love na love ko siya kahit palagi kaming hindi magkasundo."
"Sana nga iha. Ipagdasal nalang natin na sana ay bumuti na ang kalagayan ng papa mo at sana ay tuluyan na siyang gumaling Kassandra, dahil ayaw ko rin siyang nakikitang ganyan."
Halos maiyak si Kassandra sa nakikitang ayos ng ama. Kahit tulog ito ay kinausap niya ito.
"Pa, andito na po ako. Andito na po ang pasaway ninyong anak. Magpagaling ka na papa please. Lumaban ka para sa akin pa. I promise pa! gumaling ka lang hinding hindi na kita iiwan, titiisin ko na ang buhay sa Hacienda kahit hindi yon ang pinangarap ko!. Kaya pa please hold on...."
Parang narinig naman si Kassandra ng kanyang papa dahil bahagyang gumalaw ang mga daliri nito. Pero ilang sandali lng ay nataranta si Kassandra nang biglang parang nangisay ang kanyang papa, na parang naghahabol ng hininga.
"My God! what's happening to papa! yaya call the doctor please.
Pa!!!!!....ng mga sandaling yon ay umiiyak na si Kassandra. Papa what's happening with you....""Nurse!!!! Nasan na si Dok? " naghihisterikal na baling ni Kassandra sa nurse...
Pagpasok ng doktor sa loob ng room ng private room ng papa niya ay pinalabas muna sila nito ng yaya niya.
"Yaya...what's going on...bakit kailangan nating lumabas. Yaya natatakot ako!"
Umiiyak na yumakap si Kassandra sa yaya niya.
"I can't afford to lose papa, yaya...He's all I have. All my life siya nalang yong mayroon ako! Hindi ko kakayanin yaya.."
"Shhhh....tahan na iha. Hindi makatutulong ang pag-iyak mo sa kalagayan ng papa mo. Ang mabuti pa doon muna tayo sa chapel at ipagdasal natin ang papa mo."
Taimtim na nagdasal si Kassandra. First time niya ginawa ang ganon.
Si Yaya Martha naman ay ganon din ang ginawa. Taos sa puso din siyang nagdasal na sana ay madugtungan pa ang buhay ng kanyang amo para sa kanyang alaga.
Matapos nila magdasal ay muli silang bumalik sa room ng kanyang papa.
Nadatnan niya don ang doktor at nakita niyang stable na ulit ang paghinga ng kanyang papa.
"Sino po ang kamag-anak ng pasyente na pwede kong makausap."
Tanong ng doktor sa kanila ni Yaya Martha."Dok. ako po. I'm his daughter. How is he?" Kinakabahang tanong niya sa doktor.
"Well iha. About sa nangyari kanina we just want to inform you na tumaas nanaman ang dugo ng papa mo. Kaya nahirapan magcirculate ang dugo niya. But then I'm sure he'll be fine.
You're dad is fighting for his life. I'm sure he'll survive! Iha once na makarecover ang papa mo gusto kong malaman mo na bawal na bawal siyang bigyan ng sama ng loob. Bawal sa kanya ang makaramdam ng sobrang galit at ganon din naman ng sobrang saya. Mahina na ang puso ng papa mo and any moment sa susunod na atake niya I doubt it kung makakasurvive pa siya so yun lang ang maipapayo ko sayo. Iwasan natin na bigyan siya ng mga isipin at problema.""Okay po dok. Thank you po."
Medyo nakahinga na ng maluwag si Yaya Martha at Kassandra sa ibinalita sa kanila ng doktor.
Kinabukasan pagkatapos dumalaw sa ospital ay naglibot-libot si Kassandra sa Hacienda nila, binisita niya rin ang kanilang Rancho at ang kanyang paboritong kabayo na si silver.
"Hi silver!" bati niya sa kabayo na tila parang may isip na sumagot sa kanya at tumaas ang ulo nito at pumupuyapoy ang buntot.
Napangiti naman si Kassandra sa inasal nito.
" I miss you silver. I'm glad you still remember me.""ang liit mo pa dito ng iwan kita! but now look at you... Ang laki mo na. " Parang tao na kinkausap ni Kassandra ang kanyang paboritong kabayo.
"Manong Bert, pwede ko bang sakyan si silver? " Baling niya sa tauhan nila na namamahala sa Rancho.
"Pwede po senyoreta pero ingat poh kayo ha. Baka po manibago si silver sa inyo at hindi ninyo siya macontrol."
"Naku Manong Bert, parang di naman ninyo ako kilala. Magaling akong hinete...natatalo ko nga si papa pag nagkakarera kami dati diba...masayang pagmamalaki ni Kassandra kay Manong Bert."
"Sabagay...senyoreta pero matagal na panahon na rin pong hindi kayo nakakapangabayo sure po ba kayo ma'am na okay lang kayo."
"Oo naman manong Bert. Siya nga pala Manong dederecho na ako sa Villa, pagkatapos ko maglibot-libot at isasama ko na din syempre itong si silver."
"Sige po senyoreta magiingat po kayo."
Masyadong naexcite si Kassandra. Nag-eenjoy siya habang sakay kay silver. Napakalawak ng kanilang lupain. This place is like a paradise. Dito siya lumaki at nagkaisip pero nakuha niya pa rin itong iwan dahil ayaw niyang makulong sa Hacienda habang buhay. Gusto niyang maranasan ang buhay sa City at maging independent kaya siya umalis at iniwan ang kanyang papa.
Sobrang nagustuhan ni Kassandara ang sariwang hangin na humhaplos sa kanya. Ang tanawin na nadadaanan niya.
Behave naman sa kanya si silver at hindi naman nagpasaway kaya nakauwi sila ni silver sa Villa na payapa at masaya. Subalit ang kasiyahang nakaplaster sa magandang mukha niya ay napalitan ng lungkot at pag-aalala pagdating sa Villa.
Nadatnan niya don ang mga nakaunipormeng kalalakihan at hindi niya pa alam ang pakay ng mga ito kaya agad niya itong nilapitan para komprontahin at napag-alaman niya na mga tauhan pala ito ng bangko kung saan isinanla ng kanyang papa ang kanilang Rancho at buong Hacienda.
Nalaman niya sa mga ito na malapit na nga palng maiilit ang kanilang Hacienda. At binigyan lang siya ng mga ito ng isang buwan para matubos nila ito. At ang hindi niya mapaniwalaan ay kung gaano kalaki ito isinanla ng kanyang papa.
Hindi niya akalaing ganun kalaki ang pagkakasanla nito. Saan naman siya kukuha ng ganon kalaking halaga sa loob lamang ng isang buwan. Eh wala pa sa kalahati ng ipon niya ang halaga non.
At naalala niya ang sinabi ng kanyang papa na si Vincent ang makakatulong sa problema nila.
Kaya niya ba lumapit at magpakababa kay Vincent.
Ganon naba ito kayaman. Sabagay dati nang mapera ang mga magulang nito.
Pero hindi niya yata kayang bumba para humingi ng tulong kay Vincent pagkatapos ng hindi nila magandang nakaraan dati. Tulungan kaya siya nito??????
BINABASA MO ANG
Destined to Love You
RomanceHoy Vince Buencamino mahiya ka naman sa balat mo! who told you na ipagkalat sa buong Campus na tayo na. Itong tandaan mo Vince kahit kelan hindi ako magkakagusto sa isang patpatin at uhuging tulad mo! Yan ang isinisigaw ni Kasandra Del Rio sa kababa...