HUFLM: Tres

33 0 0
                                    

Good Vibes ako ngayon! #OhYeah :)

------------------------------------------------------

[Prince’s POV]

Grabe lang yung babaeng yun, ang sungit! Akala mo kung sinong napakaganda. Well, maganda naman talaga. Ugh! What did I say?

No! Mas maganda pa rin si Vanessa sa kanya.

Hmmp... bahala siya! Basta I don’t like her guts. Sigurado ako may crush din sakin yung babae na yun tulad nung ibang mga girls dito sa school. Paano ba naman, nahuli ko siyang nakatingin sakin. Obvious naman..... lagi namang ganun e.

“Uy, pare! Tara sa canteen.”

Tumingala ako, si Paolo pala.

“Recess na pala.” Tumayo na ako at sumunod sa kanya papunta sa canteen. Habang naglalakad kami ay may sinasabi siya.

“Grabe! Ang swerte mo, pare. Akalain mo yun? Katabi mo yung magandang chics kanina.”

“Yung Koreana ba yung tinutukoy mo?”

“Oo! Tumpak, yun nga! Ang ganda niya pare, parang isang anghel na hulog sa langit.”

Anghel ka diyan? Psh!

“Uy! Pare, ayun oh,” tinuro ni Paolo yung table dun at nakaupo dun mag-isa yung masungit na babaeng yun.

“Mukhang walang kasabay kumain. Tara, lapitan natin!” bigla na lang akong hinatak nitong g@gong to.

Para namang gusto kong lapitan yang koreanang hilaw na yan! Naman itong si Paolo.

[Chenee’s POV]

Ang lungkot naman.... mag-isa lang akong kumakain ngayon ng snacks. Dati rati kasabay ko yung mga friends ko sina Kim at Sandra nun kapag ganitong oras. Nakaka-miss lang.

“Hi!” napatingala ako kung sino yung nag-hi. Hindi ko siya kilala! Obvious ba? XD Pero yung kasama niya, siya lang naman si Mr. Suplado na seatmate ko.

Ngumiti na lang ako dun sa lalaking nag-hi. Sabihin ang suplada ko pa.

“Why? Do you need something?” tanong ko. In fairness naman at may-hitsura din itong kausap ko.

“Do you mind if we could share a table with you? There are no available seats around, they’re all occupied. Please?” nag-puppy eyes pa.... ang cute naman! Haha!

Tiningnan ko ang paligid. At totoo nga, wala ng bakanteng upuan. Sige na nga, kawawa naman sila. Tutal naman ay mag-isa lang naman din ako dito.

“Sure,” tapos umupo yung guy sa harap ko. Ito namang si Mr. Suplado na kasama niya ayun... nakatayo pa rin. E, di mangalay ka jan. Sus!

[Prince’s POV]

Tiningnan naman ako ni Paolo ng ‘ano-pang-tinatayo-mo-diyan-?-Upo-na!’ look.

Kainis talaga tong Paolo na to oh! Mukha lang akong tangang nakatayo dito at pinagtitinginan na rin ako ng mga estudyante kaya naupo na ako katabi ni Paolo.

Napatingin naman ako dun sa koreanang hilaw.

Ang ganda....

Tss! Nevermind.... wala akong sinabi!

“I’m Paolo by the way, this one is my friend named ‘Prince’” masayang sabi ni Paolo. Sus! Ang totoo niyan.... konti na lang at magno-nosebleed na yan kaka-english niya. Show-off talaga ang g@go.

“You can call me Chenee. Nice meeting you Paolo,” at binigyan niya ng pagkatamis-tamis na ngiti si Paolo. Sige, nevermind me na lang.

Tapos ayun.... nag-kwentuhan sila ng kung anu-ano. Actually, parang sila pa nga yung friends sa dami nilang napagu-usapan. Sige, kayo na ang close... hangin lang ako dito. Huwag niyo na lang akong pansinin.

“Jeez, you’re so funny, Paolo!” tapos tumingin siya sa wristwatch niya, “Shit! It’s almost time! I think we better go back to our classrooms.”

Salamat naman at napansin niyo rin na kanina pa kayo nagdadaldalan diyan at malapit ng mag-time.

Ayun, sabay-sabay na kaming tatlong bumalik ng classroom. Pati ba naman sa pagbalik ay nagkwe-kwentuhan pa rin sila. Sige, ako na ang OP -___-

[Chenee’s POV]

Hahaha! If you could only see the look on his face, it’s priceless!

Grabe lang! Halatang inip na inip na siya dun sa canteen. Hindi lang maka-imik kasi tuloy pa rin kami sa kwentuhan nitong si Paolo. Naku, siguro sa loob loob niyan ay naaasar na yan.

Oh well, ang lakas ko lang siguro mang-trip ngayon. Anyway, mabait naman pala itong si Paolo. I kinda like his attitude! Super kind at humorous ng dating. Feeling ko tuloy, we’ve known each other for so long sa dami ng kwentuhan namin.

Ayun, pumasok na kaming tatlo ng classroom buti na lang wala pa yung next teacher namin. Nagtitinginan yung ibang mga tao samin. Anong meron?

“Hala! Bakit kaya kasama nung koreana na yun si Prince ko!”

“Oo nga! Pati si Paolo my loves!”

“Kunsabagay, maganda naman kasi siya!” yan yung mga sinasabi nung mga kaklase ko.

“Huy! mga bunganga niyo. Kapag narinig kayo niyan,” sabi naman nung isa.

“Sus! Hindi yan! Tingnan mo naman o! Halatang hindi niya alam mag-tagalog. Kanina pa kasi yan nage-english e.”

Well, nevermind them na nga lang!

Basta alam ko na ang real name ni Mr. Suplado. Haha! Prince pala.... bagay sa kanya! Yung ugali lang yung hindi nag-fit! Okay... ako na ang bad. Hehe!

Hurry Up and Fall in Love with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon