[Prince’s POV]
Minulat ko ang mga mata ko.
Puro puti... puti kahit saan. Teka, nasaan ba ako?
Una ko kaagad nakita si Mommy.
Yung mukha niya para siyang tumanda ng ilang taon at bakas na bakas sa kanya na kulang siya sa tulog.
“Anak!” sabay yakap sakin.
“Mom, what happened?”
“Ikaw na bata ka, nakipag-away ka na naman kaya ka nandito ngayon sa ospital. Buti na nga lang tinulungan ka nung koreana mong kaklase, si Chenee. Naku, kung hindi baka kung ano na ang nangyari sayo!”
Ah.... naaalala ko na! Inabangan nga pala ako nung mga kalahi ni monkey man. Mana-knock-out ko na sana yung tatlong yun kung hindi lang dumating yung Chenee na yun! Pakelamera talaga oh!
Nasaksak pa tuloy ako ng dahil sa kanya. Teka nga, nasan ba yun? Di ba dapat nandito siya? Siya na nga itong may atraso, tinakasan pa!
“Mom, si Chenee?”
“Ah, umuwi muna sa kanila para makapagpahinga. Simula kasi nang isinugod ka dito ay hindi muna umuwi yung batang yun. Siya palagi ang nagbabantay sayo. Napakabait na bata. Haaay!”
Kung alam niyo lang... siya ang may kasalanan kaya ako nandito sa ospital ngayon.
The next day....
Nasan na ba yung koreanang hilaw na yun? Matapos akong ma-ospital dahil sa kanya... ni hindi na bumalik para bisitahin man lang ako. Patay talaga siya sakin!
[Chenee’s POV]
Pag tingin ko sa orasan..
12 pm na!!!!!??
Grabe... napa-himbing ako sa pagkakatulog. Paano ba naman kasi kinailangan kong bantayan si Prince sa ospital. Ni hindi ako nakatulog nung nandoon ako. SIyempre, konsyensya ko yung tao ano! Imbes na ako yung sasaksakin, iniligtas niya ako. Kaya, kahit naiinis ako sa kanya minsan ay may utang na loob pa rin ako sa kanya.
Naligo na agad ako at nagbihis atsaka dumiretso sa grocery para bumili ng prutas bago ako pumunta ng ospital. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko kaagad si Prince. May malay na pala siya.... thank you, Lord!
“Bakit ngayon ka lang!!?” sigaw niya sakin.
Wow, eto na uli ang dating Prince...
“Pasensya naman po, kamahalan... ” inilagay ko sa bedside table yung mga prutas na binili ko.
“Thank you nga pala dun sa ginawa mo.”
“Hoy, anong thank you? Hindi ako natanggap ng bastang thank you. Nang dahil sa pakiki-alam mo, nandito tuloy ako ngayon sa ospital!”
Aray! Ang sakit naman nito magsalita. Siya na nga yung tinulungan, siya pa naninisi.
“E, di huwag! Diyan ka na!”
Lalabas na sana ako ng kwarto niya....
“Magiging slave kita for one week. Yun na lang ang bayad mo sakin.”
Napatigil naman ako.
“What!!?”
“Ipagtalop mo ko niyang mansanas.”
Okay, sige suko na ako! Tutal, siya naman ang nagligtas sakin. One week lang naman e.
Kumuha ako ng mansanas at sinimulan na ang pagtatalop. Pagkatapos kong talupan yung mansanas at ilagay sa mangkok ay inabot ko na sa kanya.
Tiningnan niya lang yung mangkok.
“Hoy, kunin mo na... nahiya ka pa!”
“Tingin mo, pano ko yan kakainin? Kung may dextrose ako.”
Namaaaaaaaaaaan! Nakakairita siya ha.
Kinuha ko yung tinidor at sinubuan siya ng mansanas. Sunod-sunod yung subo na ginawa ko. Makaganti man lang, no! Alam kong nang-iinis lang itong mokong na ito.
“Anoh bah!? Pahpahshayin moh bah koh?” sabi niya habang punung-puno ng mansanas yung bibig niya.
[TRANSLATION sa sinabi ni Prince: Ano ba!? Papatayin mo ba ko?]
Bleh ;P
“Uy, ang sweet niyo namang dalawa!! Bagay na bagay kayo!”
Ang gulat ko naman dun sa nagsalita. Akala ko kung sino... si Tita Dianne lang pala. Yung mommy ni Prince.
“Ay, hello po Tita Dianne.”
“Hello din, hija! Buti naman at nakadalaw ka ulit dito sa ospital. Kung alam mo lang Chenee, miss na miss ka nitong si Dylan aba’t ikaw talaga yung unang tinanong nung nagising siya!” tuwang-tuwa na pagkakasabi ni Tita Dianne.
“Ma!! Natural lang yun, kasi siya ang may dahilan kung bakit ako nandito sa ospital!!!” sabay turo pa sakin.
Epal talaga tong mokong na to. Hmp!
“Nakuu!~ Ang sungit naman ng baby ko!~ O siya, sige dahil nandito ka na naman, Chenee at sobrang sweet niyo pa ay bababa muna ako para bumili ng meryenda!” sabi ni Tita Dianne na parang batang kinikilig.
Sus, kami ng mokong na to? Sweet? Kung alam niyo lang tita!
BINABASA MO ANG
Hurry Up and Fall in Love with Me
Teen FictionSi Chenee ay isang half-Filipino, half-Korean. Kailangan niyang umuwi sa Pilipinas upang makaiwas sa mga death threats sa kanya sa Korea. Sa paglipat niya sa Pilipinas, she must face the challenges na mararanasan niya. Tulad nang new environment, st...