After 3 days ay okay na din si Prince kaya pinalabas na siya ng ospital. Paano ko nalaman yun??
Ti-next ako ni Tita Dianne. Close na rin kasi kami, because napakabait at friendly niya. She’s a cool mom! Ang layo lang ng ugali ni Prince sa mom niya, sobrang opposite.
“KYAAAAAH!!!! Nandiyan na daw uli ang ating pinakamamahal na si Prince Dylan!!!” sabi nung mga fangirls na sobrang kinikilig.
Ang aga-aga sobrang ingay naman nila.
BLAG!!
“Ay, kabayo!!!”
Ang gulat ko! Biglang ibagsak naman yung ga-bundok na notebook sa harap ng table ko.
Sino pa bang ine-expect niyong gagawa nun?! E di ang dakilang Prince Dylan Mendoza lang naman!
“Anong gagawin ko diyan?” sabay turo ko dun sa mga notebooks niya.
“Ano ba sa tingin mo?”
Teka... Ano nga ba??
“Hay, ulyanin talaga!” nadinig kong bulong niya. Baliw, nadinig ko kaya yun!
“E, ano pa. Kung hindi kopyahin mo lahat yung notes at assignments na wala ako.”
“At bakit ko naman gagawin yon, ha!?” sigaw ko sa kanya.
Aba’t ang kapal, ano ako uto-uto para ipag-kopya siya ng notes?
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin...
Teka... Anong gagawin ng mokong na to!?
Papalapit ng papalapit yung mukha niya.... Napapikit naman ako...
“Siyempre, slave kita e!” bulong niya sakin, na nakapagpatayo naman ng mga balahibo ko.
Ay, oo nga pala! Ano ba yan ang ulyanin ko. Pero teka, tama ba naman na pagawin niya sakin lahat ng to? As in lahat!
Ugh! I hate you talaga Prince Dylan Mendoza.
Sinimulan ko na yung pagka-copy ng mga notes. Bwisit!!!
Hinanap ko kung saan na yung mokong na yun. Aba! Nawala yung mokong na yun!
“Uy, anong ginagawa mo Chenee? Wala naman tayong assignment for today?” tanong ni Winnie sakin.
“Ah, ikino-kopya ko ng notes si Prince. Absent kasi siya di ba?”
“Uyyy! May something pala sa inyo ni Prince ha!!”
“Anong something!?”
Tapos kiniliti ni Winnie yung baywang ko.
“Sus, deny ka pa! Siyempre, kung walang something sa inyo e di hindi mo siya iko-kopya ng notes.”
“Yup, may something nga-!”
“OMG!! Hindi nga???”
Makasigaw naman tong si Winnie.
“Sshh! Winnie, hindi pa ako tapos magsalita, okay? Yup, may something nga. I’m his julalay for a week kaya ako kumo-kopya ng notes para sa kanya.”
“Hah??”
Halatang naguguluhan si Winnie kaya ikinwento ko sa kanya from the very beginning.
“Ay, sayang! Akala ko pa naman ay may something na sa inyo. Sayang, bagay pa naman kayo.”
“Bagay ka diyan?? Eew no! Yuck lang!”
“Sus!” Natatawang umalis na lang si Winnie.
Buti na lang at may biglaang meeting daw ang lahat ng high school teachers kaya after 1000 years ay natapos ko rin ang ipinapagawa sakin ng mokong na Prince na yun. Grabe ah, ang sakit lang ng mga kamay ko.
Teka nga, nasan na ba yun? Pano ko ibibigay dun itong mga notes niya?
[Prince’s POV]
Ang boring sa room. Hindi ko makukulit yung koreanang hilaw na yun dahil kailangan niya pang kopyahin lahat ng notes ko. Kaya eto... palakad-lakad lang ako sa campus. Bahala na kung saan dalhin ng mga paa ko.
Ang boring talaga kaya bumalik na lang ako ng classroom.
Naabutan kong natutulog si koreanang hilaw dun sa desk niya. Nilapitan ko siya. Napangiti naman ako. Kadiri to matulog, tulo pa yung laway! Haha!
Pero, bakit parang gusto ko lang siyang titigan....
Maya-may bigla siyang nagmulat ng mata at nagulat naman ako.
“Uy! Anong ginagawa mo diyan?” tanong niya.
“Ah.. Y-yung notes ko. Tama, yun nga! Itse-tsek ko sana kung natapos mo ba lahat... ”
“O, eto! Grabe, nanakit yung kamay ko diyan ha!”
Inabot niya na sakin yung mga notes ko.
“Reklamo pa, tss! Yung laway mo, nakatulo pa.”
Tapos lumabas na ulit ako.
“AGHHH!!! PRINCE DYLAN MENDOZA!!!!!!!!! IKAW TALAGAAAA!!!! BWISEET!!!”
Narinig kong sigaw ni Chenee. Napatawa naman ako nun...
Ewan ko ba, pero parang may iba...
Ay, imagination ko lang siguro! Tama, imagination lang yun!
BINABASA MO ANG
Hurry Up and Fall in Love with Me
Teen FictionSi Chenee ay isang half-Filipino, half-Korean. Kailangan niyang umuwi sa Pilipinas upang makaiwas sa mga death threats sa kanya sa Korea. Sa paglipat niya sa Pilipinas, she must face the challenges na mararanasan niya. Tulad nang new environment, st...