Chapter 2

7 2 0
                                    

"Halaaaaa! Huli na naman ako sa klase. Ano ba naman yan. Walang katapusang paglilinis ng eskwelahan"

Umagang umaga ay yan ang lumabas sa aking bibig. Medyo naiiyak na ako at natataranta. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang kumilos at bumangon mula sa higaan ko dahil sa 9:02am na at kakagising ko lamang

"Miya! Tulog ka pa din ba hanggang ngayon? Kanina ka pa hinihintay ng kaklase mo"

Narinig kong sigaw ng mama ko mula sa sala.
Agad naman akong nagtaka at inisip kung sino namang kaklase ang pupunta sa bahay.
At kung kaklase ko man yun eh malamang pati siya ay huli na sa klase.
Saka wala akong maalalang may kaklase akong nakakaalam ng aking tirahan.

Pagkabangon ko sa higaan ay nadapa pa ako dahil sa nakakalat sa sahig na backpack ko.
Hays! Ang ganda ng araw na to. Feel ko hindi maganda ang mangyayari sakin ngayong araw na to

Pagkabukas ko ng pintuan para tumungo sa banyo ay nagulat akong nasa harapan ng pintuan si jay.
Nanlaki ang mga mata ko sapagkat ang gulo gulo ng itsura ko at kakagising ko lang ng mga oras na yun kaya hindi pa ako nakakapagsuot ng bra.
Dali dali kong isinara ang pintuan at hays! Grabe talaga! Nakakahiya na di ko malaman kung anong gagawin ko dahil nasa labas ng kwarto ko ang banyo.
Sobrang huli na ako sa eskwelahan at pati na din siya.
Natataranta na ako na hindi ko na talaga alam!

"Patawad, babalik nalang muna ako sa sala para makapag ayos ka na"

Narinig ko si jay nagsalita sa likod ng pintuang sinasandalan ko. Narinig ko din ang mga yapak ng paa niya pababa sa sala kaya naman ay binuksan ko na ng kaonti ang pinto at sinilip kung okay na bang lumabas.
Nang ma-clear ko na, na okay ng lumabas eh tinakbo ko kaagad ang banyo at nagmadaling maligo.
Papalabas ng banyo eh sinilip ko ulit kung clear ulit ang daan pabalik sa kwarto. Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagmadaling mag ayos at pagkasilip ko sa oras ay 9:41am na.
Nagmamadali kong kinuha ang gamit ko at bumaba sa sala. Habang nagsasapatos ako ay tinanong ko si jay kung anong ginagawa niya dito at kung paano niya nalaman ang tahanan ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil tapos na akong magsapatos sa halip ay hinatak ko nalang siya at tumakbo ako papuntang eskwelahan. Sa tingin ko ay nakakaladlad ko na siya pero hindi ko na lamang inintindi iyon dahil sa huli na kami sa klase.
Alam kong kahit magmadali kami ay mabibigyan pa din ako ng parusa at pati na din siya ngunit kung mas mahuhuli pa kami eh baka sa banyo ng IA ako iassign kaya talagang nagmamadali ako.

"Anong ginagawa mo sa bahay? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Hindi mo ba alam na pati ikaw ay huli na sa klase?"

Tinanong ko ulit siya habang tumatakbo.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa harap ng eskwelahan. Tumigil na ako sa pagtakbo at napayukong hinihingal na lamang

"Hay! Salamat naman at narito na din tayo"

Si jay naman ay medyo hinihingal din.
Papasok na sana ako sa loob ngunit pinigilan ako ni jay na pumasok

"Ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang mas mabigat na parusa ang ibigay satin ng maji? Halika na at pumasok na tayo. Panigurado ay hindi na ako pagbibigyan ng koni kahit pa anong galang ang gawin ko"

Hindi pa din niya ako binitawan sa braso at patuloy pa din ang pagpigil niya sa akin

"Hay ano ba?!"

Nasisigawan ko na siya ngunit tinawanan lamang niya ako

"Pumunta ako sa inyo para sa--"

"Pwede mo naman sagutin yung tanong ko mamaya sa classroom. Sobrang huli na tayo ano ba. Bitawan mo na ako"

Hindi ko pinatapos ang pagsagot niya sa tanong ko ngunit hindi pa din niya ako binitawan

"Makinig ka muna kasi. Pumunta ako sa inyo para sabihing walang klase ngayon. Hindi mo man lang ba napansin na hindi ako nakasuot ng uniporme ngayon? Pero bilib ako sa'yo ah. Ang bilis mo. Takot ka pala malate. Hahah kaso palagi ka pa din nahuhuli dahil sa huli kang magising? Hahah sabado ngayon. Wala ka bang kalendaryo sa kwarto mo?"

Imayaki [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon