Chapter 4

4 2 0
                                    

Author's Note:

Hi readers! :)

Salamat ulit sa pagbabasa and sorry kung minamadali ko yung mga pangyayari sa Imayaki. Medyo nakukulangan na sa time para mag update bes. But I'll still try my best!
Sana lang sapat yung best ko na yun..

Again, Thank you! Thank you!



- - - - - - - - - - start of Chapter 4

5:56am, tuesday.
Nagising ako ngunit hindi ko alam kung bakit.
Nagising ako at hindi na makatulog ulit.
Ang tanging nasa isip ko ay si mama.
Lumabas ako ng kwarto at sinilip si mama sa kabilang kwarto. Natutulog pa siya.
Sinubukan kong bumalik sa aking pagkakatulog ngunit hindi talaga ako makatulog.
Paano naman kayang mangyari na magigising ako ng napaka aga at ang tanging maiisip ko lamang ay si mama?
Alam kong hiniling ko minsan na hindi ako mahuli sa klase kaya okay sa akin ang magising ng maaga ngunit paanong nasali si mama?
Medyo nagugulo yung utak ko pero pinilit ko pa ding isipin na inistress ko lang ang sarili ko kaya mas mabuting huwag ng mag isip ng mga bagay na katulad noon.
Pumasok din sa isip ko na baka namimiss ko lang si mama kaya bumangon akong muli at pumunta sa kwarto ni mama.
Doon ay tinabihan ko siya at niyakap habang natutulog.
Doon ay nakatulog na din akong muli.
Naramdaman ko naman na niyakap ako pabalik ni mama. Pakiramdam ko na naman ay safe na safe ako mula sa kahit na anong makakapagpanakit sa akin.
Ang sarap lang sa pakiramdam

7:55am, tuesday.
Nagising ako sa kwarto ni mama. Naaalala kong niyakap ko siya dito kaninang madaling araw lamang ngunit sa ngayon ay wala na akong katabi sa higaan.
Bumaba ako para sumabay sa almusal kay mama dahil panigurado ay naghahanda iyon ng aming makakain.
Ngunit pagkatingin ko sa kusina ay wala siya roon.
Kaya naman ay ako na ang naghain para sa aming dalawa. Naisip kong baka nasa banyo lamang siya kaya naman ay ipaghahain ko na siya ng sa gayon ay paglabas niya ng banyo ay sabay kaming kakain ng almusal

Matapos kong maghain ay kinatok ko na si mama sa banyo ngunit walang sumasagot.
Huli na nang mapansin kong hindi pala nakakandado ang pintuan kaya naman ay agad kong binuksan ngunit walang tao doon.
Hinanap ko siya sa buong bahay ngunit wala talaga siya.
Naupo ako sa mesa at nalulungkot na hindi nagpaalam si mama sa akin kung saan siya magtutungo. Usually kasing nagpapaalam siya kapag may pupuntahan.
Hindi lamang siya nakakapagpaalam sa akin sa t'wing mauuna akong pumasok ng eskwelahan bago ang pagpasok niya sa trabaho.
Tumayo ako at kukuha sana ng gatas sa refrigerator ngunit may napansin akong may nakadikit pala sa ref. Na sulat. Dinikit gamit ang magnet.
Nabasa ko naman ito at ang nakalagay ay..

Magandang umaga anak :)
Start your day with a smile.
Ipinaghanda na kita ng almusal mo at yung baon mo ay nasa tabi lamang ng rice cooker. Mag iingat ka sa pagpasok ah.
Sorry kung hindi nakapagpaalam si mama. Maaga ako pumasok ngayon sa trabaho para maaga din makauwi mamaya. Ayokong maistorbo ang sleeping beauty mo kaya hindi na kita ginising. Take care ah? Aihaetakuchi!
-mama

Napangiti naman ako sa nabasa kong sulat. Mabuti at nakita ko ito kundi buong maghapon talaga ako mag aalala kay mama.

Kumain na ako ng almusal at ako na din ang kumain ng inihain ko kay mama.
Pagkatapos nun ay naghanda na ako para sa pagpasok sa eskwelahan at gumayak na.
8:25am pa lamang kaya naman ay naglakad lang ako ng normal at hindi nagmamadali.
Parang first time ko maglakad ng normal lang. Hahah!
Nakapagtataka at hindi ko kasabayan sa pagpasok si bry. Wala siya sa kanto at sa kahit saang halaman sa paligid.
Ngunit hindi ko na masyado inalala iyon.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may napansin ako sa may kabilang kalsada. May hawak na itak ang isa na sa tingin ko ay itak na pangbuko ang ginagamit niya dahil siya yung vendor ng buko sa kanto. At ang tinututukan naman niya ng itak ay isang lalaking malaki ang katawan. Napatigil ako sa paglalakad. Gustong gusto ko silang awatin at alamin kung ano ang pinagmulan ng away ngunit natakot ako kaya naman ay tumakbo ako at dumiretso ng IA

Pagkadating ko sa classroom ay wala pa doon si Bry. Medyo nag uumpisa na akong magtanong sa isip ko kung nasaan kaya iyon? Baka naghihintay na naman sa kung saan o kaya naman ay baka sinubukan niyang makialam sa gulo kaya baka mapano yun??
Napatayo ako sa naisip kong iyan at nagmadaling tumakbo palabas sana ng IA ngunit hindi pa ako nakakalabas ng IA eh natanaw ko si bry kasama si apple na kakapasok lamang ng gate ng eskwelahan. Masaya silang nagtatawanan kaya naman ay pumasok nalang ako sa classroom at nagkunwaring walang nakita.

Nang magring na ang bell na hudyat ng simula ng klase, saktong pagpasok ng mga estudyante sa classroom pati na rin si bry. Hindi niya ako tinignan kahit isang segundo. Diretso lamang ang tingin nito na para bang hindi ako kilala.
Hindi namin kaklase si apple kaya naman ay nawala na siya sa aking paningin.




Maraming araw ang nakalipas at wala kaming imikan ni bry. Na para bang hindi kailanman nagkakilala. Palaging si apple ang kasabay niya pumasok at umuwi. Ako naman ay medyo nalulungkot dahil nawalan ako ng kaibigan.
Hindi ko na lang inisip iyon. Hindi ako nagpadala sa emosyon sa halip ay nag aral na lamang ako mabuti at itinoon ang atensyon sa aking pag aaral at kay mama.

Minsan sa aking pag aaral sa silid aklatan ng IA ay natanaw ko si bry at apple. Magkadikit na magkadikit sila na para bang wala ng natitirang espasyo sa lamesang kinapepwestuhan nila. Sila lamang dalawa ang tao sa mesang iyon kaya naman ay nakakasiguro akong hindi nila kailangan magsiksikan.
Sa kalagitnaan ng kanilang tawanan, habang pinagmamasdan ko sila ay napalingon sa akin si apple. Nginitian ko siya ngunit inialis lamang niya ang tingin niya sa akin at ibinalik ang tingin kay bry.
Ako naman ay muli na lamang yumuko sa binabasa kong libro at pinilit na hindi sila pansinin. Ngunit may mga sandaling hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanila lalo na at rinig na rinig ko ang tawanan nila. Hindi sila kailanman nasisita ng librarian at hindi ko alam kung bakit.

Minsan pa ay may mga araw din na pinipilit ko mag aral ngunit walang pumapasok sa isip ko kundi ang pagkamiss sa aking kaibigan. Kaya naman ay dumadating sa puntong napapatakbo ako patungo sa punong kami lamang dalawa ni bry ang nakakaalam.
Ngunit hanggang doon ay nalulungkot pa din ako. Dahil hindi maalis sa isip ko na nawalan ako ng kaibigan.
Ang sandaling panahon na nakasama at nakausap ko siya ay isa ng malaking bagay sa akin dahil siya lamang ang naging kaibigan ko at sinamahan ako matapos ang ilang taong pag iisa.
Hindi ko lubos maisip na isang araw ay magigising na lamang ako nang hindi na kilala ng aking kaibigan.


Ilang araw pa ang nagdaan ay tiniis ko ang hindi pagkilala sa akin ni bry. Hinayaan ko na tumulo ang luha ko sa tuwing sumasagi sa isipan ko na hindi na niya ako kilala. Maging siya ay hindi ko na din makilala ngunit hinding hindi ko makakalimutan na minsan na siyang naging parte ng aking buhay kahit sa sandaling oras lamang.
Muli, ay itinuon ko pa ang aking atensyon sa aking pag aaral. Kaya naman ay may mga oras na nakakalimot na ako ng kalungkutan at wala na akong ibang iniintindi kundi ang aking pag aaral.

Nagbunga naman ang pag aaral ko ng mabuti. Nagbunga ang pagtuon ko at paglunod sa sarili sa pag aaral.
Kamakailan lamang ay inanunsyo kung sino sino ang mga estudyanteng tumaas at nakapasok sa 5 ranko. At ako naman ang nahirang na may pinakamataas na ranko.
Tuwang tuwa si mama nun at syempre tuwang tuwa din ako dahil hindi ko lubos maisip na makakaya kong manguna sa ranko sa buong IA.
Kung tutuusin, noong una ay hindi ko kailanman naisip na makakapasok ako sa kahit pinakahuling ranko kaya naman ay hindi talaga ako makapaniwala.
Paglingon ko sa paligid upang ibahagi kay bry ang aking tagumpay ay nakita ko siyang papalayo sa akin habang hawak hawak ang kamay ni apple. Muli, ay nabakas na naman sa aking mukha ang lungkot kaya naman ay nagtaka si mama at tinanong ako kung hindi ba ako masaya sa nakuha kong ranko.
Sumagot naman ako kaagad at sinabing masayang masaya ako ng nakangiti. Niyakap ko si mama at niyakap niya din ako pabalik.

"Mama, huwag mo akong iiwan ah"

Hindi ko maunawaan kung bakit yan ang lumabas sa aking bibig ng mga sandaling iyon.
Si mama naman ay niyakap pa ako ng mas mahigpit at napangiti nalang ako habang kayakap siya ngunit may isang patak ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan ito kaya naman ay sumimple akong pinunasan ang aking luha upang hindi mapansin ni mama.





- - - - - - - - - - end of Chapter 4

Dictionary:

Aihaetakuchi (Ay-he-ta-kut-shi) - I love you so much

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imayaki [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon