Chapter 3

15 2 0
                                    

5:17am, monday.
Naalimpungatan ako sa vibration ng aking cellphone.
Sino naman ang magtetext ng ganitong oras??
Kung yung 8080 lang ang nagtext at nagpapaalala lamang na maaaring mangutang dahil wala akong load ng ganitong oras, ay paniguradong itetext ko ng itetext ang tm dahil napakaistorbo niya!

Kahit na antok na antok ako at pakiramdam ko talaga ay natutulog pa ako ay pinilit ko pa ding buksan ang aking kanang mata at sinilip kung sino ang dahilan ng pagvibrate ng phone ko

From: (unregistered number)

Hindi ko naman pala kilala eh! Makabalik na nga lang sa pagtulog..

Inilapag ko na lamang ang phone ko at tinalikuran ito.
Nagbalik ako sa pagtulog.
           
           
6:13am, monday.
Muli ko na namang naramdaman ang vibration ng phone ko ngunit hindi ko na ito pinansin
         
          
8:13am, monday.
Muli, nagvibrate na naman ang phone ko. Hindi ko sana ito papansinin ngunit paulit ulit ang vibration nito. Hudyat na may tumatawag.

Sino naman kayang tatawag sakin.
Ang tagal tagal ng inaamag ng cellphone na to at ngayon nalang ulit nakareceive ng tawag.
Sinagot ko ang tawag ngunit nakapikit pa din ang aking mga mata

"Hello? Sino to? Alam mo bang nakakaistorbo ka? Natutulog yung tao eh"

Para akong lasing magsalita dahil sa hindi pa talaga gising ang diwa ko

"Miss, tumawag lang ako para ipaalalang mahuhuli ka na sa klase. Ingat"

Sagot sa kabilang linya.
Pagkasabi na pagkasabi niya ng mga salitang yan eh agad kong idinilat ang aking mga mata at bumangon sa higaan.
Naghanda sa pagpasok ng eskwelahan, at nagpaalam kay mama na aalis na ako

"Oh, hindi ka ba muna kakain?" -mama

"Hindi na po ma, magdadala nalang ako at sa daan ko kakainin. Mahuhuli na ako sa klase" -ako

"Kanina pa kasi kita ginigising ngunit tulog mantika ka. Ayan tuloy huli ka na. Eto nga pala ipinagbalot na kita dahil alam kong hindi ka na naman makakakain"

Sermon ni mama.
Ang swerte ko talaga kay mama. Napakamaalagain niya.
Ngunit bakit kaya hindi ako nagigising kapag ginigising niya ako? Pero bakit yung vibration ng phone ko nagigising ako?
Hays. Huli na ko sa klase para isipin yun

"Sayeam ma!"

Paalam ko kay mama sabay takbo papalabas ng bahay.
Habang naglalakad ng mabilis ay naisipan kong silipin kung ano ang nilalaman ng mensahe na natanggap ko kaninang umaga o kung meron ba talaga akong natanggap na mensahe o panaginip lamang

5:17am, monday.
From: (unknown)
Miya! Gising na. Baka malate ka.

6:13am, monday.
From: (unknown)
Miya sabay na tayo pumasok. Hihintayin kita sa kanto ng 8:15. Maghihintay ako. Ingat

Hala!
Tinignan ko ang oras.. 8:37am
Sakto namang nasa may kanto na ako kung saan kami nagkakahiwalay na ng daanan ni jay.. Ah.. Bry tuwing pauwi sa bahay.
Sa tingin ko ay si bry to. Dahil siya lang ang nanghingi ng numero ko.
Tumigil ako sandali at lumingon lingon sa paligid.
Walang tao. Wala akong ibang natanaw kundi mga dahon na hinahangin patungong silangan.
Siguro ay nainip si bry kaya nauna nalang sa eskwelahan o kaya naman ay ayaw niyang maglinis ng campus kaya hindi na niya ako hinintay dahil ayaw niya malate.
Itinuloy ko na lamang ang paglakad ko upang makarating sa IA ng hindi nahuhuli sa klase. Kahit minsan man lang. Maranasan kong wala akong lilinisin sa buong campus at maging isa ako sa mga estudyanteng dadaan daan lang kahit may mga estudyanteng naglilinis.
Pagkarating ko sa pangalawang kanto, hindi na kalayuan sa IA eh naramdaman ko sa bulsa ko ang nagvibrate na phone ko

Imayaki [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon