Mula sa Kasunduan

21 0 0
                                    

Yow’s POV

Si Shane parati ko nalang nakikita na madaming problema kaso ayaw niyang sabihin sa akin. Bestfriend naman niya ako diba? Bat ba ganun kaya tuloy para makha tuloy akong tanga. Nakakainis naman oh, isa lang gusto ko na maging maayos yung turi niya sa akin yung close. Kaya heto ako, lagi nalng gumagawa ng paraan sa problema niya inuunahan ko siya.

“Mukhang nahirapan ka yata sa math??” tanong ko

“Eh. Wala yun, hindi pa naman natuturo sa amin.” Pagbubulaan ni Shane

“Wag ka na ngang mag-maang-maangan iyan kasi pareho lang tayo ng lectures noh. Kaya bago umuwi tuturuan kita.” Pilit ko sa kanya

Shane’s POV

My Third Wish Makatulong sa Kaibigan at Kapamilya

Lagi nalang mapagpilit si Yow sa akin kaya tuluyang nawawalan na ako ng pag-asa pang matulungan si Aliana na magkalapit silang dalawa.. Minsan ko nang sinubukan na  tanungin bakit di niya nagawang maging bestfriend si Aliana or magustuhan ito but with change topic o kaya no reply. Kaso sinusubok talaga ako ng panahon patuloy ang sunod-sunod na dating ng problema sa akin

“Shane, alam mo na ba ang balita?” tanong ni Aliana

“Na ano?” atat kong sabi

“Basta wag ka magpanic ha. Dapat carry mo lang.” mapag-aalala niyang sagot

“Nandito naman tayo eh.” Sabi ni Yow

“Tinanggal ang kapatid mo dahil hindi na nakapagbayad ang nanay mo sa kawalan ng trabaho.” Kagulat-gulat na sabi ni Aliana

“Hindi puwede. Paano na ang kinabukasan niya? Dapat humanap ako ng trabaho.” Pag-iisip ko

“Ha? Ikaw?” sabay sabi nila

“Oo, kailangan ko na talagang kumayod para mabuhay kami ng matiwasay”

“Sige ba matutulungan kita diyan.” Sabay sagot nila

“Ako may tita na nangangailangan ng katulong.” Presenta ni Aliana

“Kung gusto mo puede ka sa Computer shop ng pinsan ko tutal magaling ka sa graphics kailangan niya ng kapalit pag sabado’t lingo.” Sabi naman ni Yow

“Naku, walang hanggang salamat talaga sa mga offer ninyo sa akin pero sa ngayon baka pag-isipan ko muna yan kasi baka hindi rin kami magkasundo.” Sagot ko

“Ikaw ang bahala basta nandito kami kapag kailangan mo lang kami.” Sabi ni Yow.

“Sige, una na ako, may klase pa ako kita nalang tayo mamayang uwian.” Sabi ni Aliana

Yow’s & Shane’s POV

Umalis na nga si  Aliana pero heto nagkakulitan pa rin kami dahil sa hindi matapos-tapos na problemang labas naman talaga kami dito na nadadamay lang kaya hindi nagkakasundo.

“Shane, please pagbigyan mo na yung offer ko minsan lang naman ako makatulong sa pamilya mo lalo na hindi pa nila alam kung gaano ako kabuting best friend sayo.” Pagpipilit niya

“Problema ko to, kaya dapat ako lang ang gumagawa ng solusyon dito.” Sagot ko na may pinararating

“Ganyan ka nalang ba parati sa akin? Iniiwasan mo na lumawak ang pagkakaibigan natin.” Pagtatampo niya

“Hindi sa ganoon. Pero malaking gulo lang ang ayaw kong pasukan na ikasisira ko.”

“Anong gulo na ikasisira mo’t baka makatulong naman ako diyan?”

 “Wala. Papayag ako sa offer mo pero sa isang kondisyon.”

“Anong kondisyon iyon?” gulat niyang tanong

“Hindi lang ako ang ituturi mong mahalaga sa iyo sa campus natin.” Sagot ko

“Oo naman, mula ngayon lahat ng manghihingi sa akin ng tulong ay handa na ako palagi” napasagot nalang siya

“O, kasunduan yan kaya gagawa tayo ng kontrata yang pang matagalan ha kasi gusto pati ikaw magbago ang ugali sa pkikisama sa ibang tao.”panghihikayat ko sa lanya

“Sige ba, kaya ko naman baguhin sarili ko baka ikaw lang ang hindi tumupad eh.” Sagot niya.

Aliana’s POV

Ngayon nga, napilit ni Yow na tanggapin ni Shane ang offer niya kaya para bang bumagsak yung pakiramdam ko. Pero nang pumapasok na si Shane iba na yung ihip ng hangin at saka madami din ang nagulat sa nangyari nung araw na iyon. Ganito nung pagkapasok ko maraming nagkakagulo at takang taka sila kaya nagtanong ako dun sa babae.

“Excuse me, Miss, anong  meron dito kaya nagkakagulo?”pag-usisa ko sa babae

“Eh, paano ba naman yung dating hari ng kagwapuhan bigla nalang namansin.” Agad na sagot niya

“Ha, sino ba diyan?” pagtanong ko mula sa malayo

“Yung nakablue, kung hindi mo siya kilala . Siya lang naman si Mil Yow Han na isang consistent honor student at soccer player ng school.” Pagmamalaking sagot niya

“Ah, sige salamat, hindi ko nga talaga yan kilala eh.” Sabay alis ko

Pagkaalis ko dun natanaw na pala ako ni Yow kaya bago pa ako makaalis agad niyang tinawag yung pangalan ko saka napalinggon ako. Nakatinggin lahat ng mga humahangga sa kanya sa amin pero sabi niya sa akin agad wag ko na daw yun pansinin. May aaminin daw siya sa akin ano kaya ito mabuti o masama??

“Bakit ba parang masyado kang malihim sa amin?” pagtataka ko

“Hindi naman sa ganun pero gusto ko lang magbagong buhay at makatulong sa iba dahil ayaw ko na mawala ang taong nasa paligid.” Sagot niya

“Anong magbagong buhay?” usisa ko

Aliana, kaya ko to ginagawa kasi gusto ko maging malapit sa ibang tao pati sa iyo dahil hindi ako ganito dati. Halika na ihahatid na kita” pag-aanyaya niya

Face to FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon