Hana faster! Ang tagal mo talaga kahit kailan!" Ayan nanaman si Felliana, kahit kailan talaga hindi naaalis yung pagkamasungit niya.
"Ok! Ok! Ayto na!" Sigaw ko habang pinipilit na isara ang maleta ko. Ayaw kasing masara! Hyaaaaaaa!!!!
"finally! Nasara nadin!" Napasigaw tuloy ako sa sobrang saya. Finallyyyy. Bumaba na ako sa room ko, nakita ko na si Felliana at Alliana, ang dalawa kong bestfriend and roommates sa dorm since college. "Ang bagal mo talaga Hana kahit kailan" sermon ni Fellie, Fellie ang tawag sakanya habang Allia naman ang kay Alliana. "Sorry naaaaaaa." Sabi ko. Well kung itatanong niyo kung saan kami pupunta, sa Manor lang naman ng mga Fannies. Yun yung sabi ni Allia. Naghahanap kasi kami ng vacation place sa internet dahil balak naming tatlo na magrelax dahil kakatapos lang ng graduation namin so bago kami maghanap ng trabaho, magbabaksyon muna kami. So ayun nga, habang naghahanap kami ng maganda pero sulit na pagbabakasyunan, nakita namin ang manor na ito. Sulit na sulit! Malaking manor, may pool, entertainment room, sine, jakuzzi at guess what? Nasa maliit na isla lang naman ito malapit cavite! Clear water and white sand! At ang pinakamalala? Ang manor na ito lang ang laman ng isla! Malaki kasi talaga ang manor. Parang palasyo! Kaya nga nakakagulat ang presyo. Sa transportation lang ang mahal. Kailangan pa kasing mageroplano para makapunta sa tabing island ng manor then sasakay pa ng bangka papunta sa manor. So ngayon ayto na ako, nasa eroplano. Walang katabi.... Paano ba naman kasi, nagtabi si Fellie at Allia. Parusa ko daw iyon sa pagiging matagal ko. Haaaay. Napapikit nalang ako then after ilang minutes naramdaman kong may umupo sa tabing upuan. Pagdilat ko biglang nanlaki ang mga mata ko. "Oh hi Hana!" Sabi ni sir namjoon. Ang pinakagwapo at pinakabatang professor sa school namin! At hindi lang iyon. Si sir. namjoon din ang crush ni Allia! Narinig ata ni Allia at Fellie si sir Namjoon kaya napatingin sila sa likod, kung nasaan kami. "H-hi sir Namjoon" bati ko, napansin ko ring nanlaki ang mata ng dalawa, bigla ding namula si Allia, biglang may pumasok na idea sa utak ko. "A-ah! Allia, balik kana dito sa place mo!" Sabi ko kay Allia.
"H-ha? Anong place?" Ang slow talaga ng babaeng to.
"Dito sa place na to! Diba ikaw nakaupo dito?" Mukhang di parin nagegets ni Allia, napansin naman ni Ellie ang pagkaslow ni Allia
"Tumayo ka diyan Allia, si Hana ang nakaupo diyan diba? Sige na balik kana sa place mo." Mukhang nagets na ni Allia ang sinasabi namin. Nahihiya siyang tumayo at nakipagpalit saakin. "Sige po sir Babalik na po ako sa place ko." Ngumiti lang si sir Namjoon at umupo na ako sa tabi ni Fellie.
"Mga kaibigan ko talaga. Parehong slow. Yung isa slow sa pagkilos, yung isa naman slow ang utak." Parinig ni Fellie. Dinilaan ko nalang siya at pumikit na ulit.
Nakarating na kami sa kabilang isla ng manor. Papasok na kami nang malaking bangka ng nakita kong nandoon si sir Namjoon. "Sir?" Tawag ni Fellie kay sor Namjoon. "Oh! Pupunta din kayong Manor?" Tumango kaming tatlo.
"I see. Then please don't call me sir there. Namjoon nalang. Nakakasawa na kasing marinig yan." Napatango nalang ulit kami except kay Allia. "P-pero sir hindi po ako sanay." Hindi ko alam kung maaawa ako kay Allia o matatawa, nakakatawa kasi ang expression niya. Halatang halata. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung hindi pa nakakahalata si sir Namjoon. Tumawa nalang siya at umiling. Umupo nalang kami sa tabi niya. Si sir namjoon ang nasa pinakadulo, katabi niya si Allia, then si Fellie then ako. May dalawa pang vacant seat sa tabi ko."Kyaaaaaa!" Biglang nagtilian ang mga nasa labas. Oo sa labas lang dahil mga wala man sa sampo ang mga tao dito sa loob ng bangka. Hanggang may pumasok na dalawang magkamukhang guwapo. "S-si Jimin at Jungkook!!!" Napasigaw bigla si Fellie. "Sino yun?" Tanong naming dalawa ni Allia.
"Hindi niyo sila kilala? For peter's sake! Saang planeta ba kayo galing ha? Hindi niyo man lang kilala ang Danes Twins?"
"Danes Twins???" Tanong ulit namin ni Allia.
"Danes Twins are the most popular twins here in the Philippines. Their well known for their talents and looks." Sabat naman ni si- I mean Namjoon.
"Ang dami niyo namang alam Na-Namjoon." Landi ni Allia kay namjoon. Napatawa tuloy si sir.
"Tsk." Sabi ni Fellie. Biglang nagkatinginan si Namjoon at ang dalawang kambal, para bang magkakakilala na sila, tumabi saakin si Jimin at tumabi naman si Jungkook sa kabila ni Jimin. Hindi nalang ako tumingin sakanila.
"Swerte mo Hana." Fellie.
Hindi nalang ako nagsalita pa at kumuha ng marshmallow sa bag. Binigyan ko ang mga kaibigan ko at si Namjoon. Kumuha naman sila. Habang kumakain, bigla akong kinalabit ng katabi ko. Pagtingin ko nagulat ako dahil nakatingin siya sa marshmallow ko habang naglalaway!
"Pahingiiiiiiiiiiiiii~" pacute na sabi ni Jimin.
"A-ah sure. Sayo na if you want?" Biglang nagliwanag ang mukha nya.
"Are you sure?! Hindi ka naman galit?"
"Im not."
"Thank youuuuuuuu~" bigla namang napatingin ang kakambal niya sakanya.
"Tsk" hala! Parang si Fellie kung magreact!
"Fellie sure ka bang kambal yan?" Bulong kong tanong kay Fellie. Biglang kumunot ang noo niya.
"Ofcourse! Hindi ba halata sa mukha?"
"Eh parang mas mukha pa kayong kambal ng jungkook na yun eh! Pareho kayong ugali!"
"Tsk" see? Pareho talaga silang ugali.
"By the way, I'm Jimin Danes." Pagpapakilala ni Jimin.
"And this is my twin, Jungkook." Tumango lang si Jungkook.
"Im Hana Aniston. This is my friends, Alliana Falcon and Fellianna Cameron. While that guy over there is my professor. Namjoon Johnson." Naghi naman ang tatlo kay Jimin.
"Nice to meet our soon to be housemates." Ngiti niyang sabi. Nginitian ko din siya.
Pumikit nalang ako.Pagbukas ng mga mata ko....
"Na-nasaan ako?" Isang madilim at nakakatakot na manor ang nakita ko. Kamukha ito ng manor na pupuntahan namin. Pero hindi kagaya ng manor na nasearch namin sa google dahil ang manor na ito ay talagang madilim at nakakatakot! May talsik pa ng dugo ang mga dingding ng bahay.
"Gaaaaaaah!!!"
"Kyaaaaaaaah"
"Tulong!!"
"Aaaaaaaaaah!!!"
T-teka? Sigaw yun ah? Sigaw ng mga tao sa loob! Kailangan ko silang tulungan!
Tatakbo na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko, isang lalaking nakamaskara! Bigla siyang tumawa! Yung nakakatakot na tawa. Nananaginip ba ako?
"Hana!" Sigaw niya
"Hana!" Dahan dahang naiiba ang tono ng boses niya. Nagiging babae
"Hana! Wake up" nagising ako sa boses ni Fellie. Panaginip lang pala.
"Where here" sabi niya.

YOU ARE READING
Dark Manor (BTS FanFic)
RomanceWhat will happened when your dream vacation became your biggest nightmare? Handa kana bang matrap sa isang manor kung saan wala kang pwedeng pagkatiwalaan? Dahil malay mo, ikaw na pala ang susunod na mabibiktima. This is based in BTS and the charact...