Chapter 2

3 1 0
                                    


"Woooow!" Napanganga nalang ako sa ganda ng lugar. Mas maganda talaga itong lugar na ito sa personal! Pababa na ng hagdan si Fellie ng bigla siyang inunahan ni Jungkook. Dahilan para mainis si Fellie. "Tsk. Son of a bitch" wika niya, bigla naman siyang hinarapan ni Jungkook "son of a bitch? But You're not my mother." Sabay ngisi ni Jungkook. Lalo tuloy naginit ang dugo ni Fellie. 

Sinundo kami ni mrs. Ellie na kapatid ng may-ari ng manor at si mr. Tennison, ang caretaker. Hinatid kami sa dining room ng manor which is ang pinakamalaking place sa manor. Gold and black ang theme ng dining room. May malaking parihabang lamesa na gawa sa black na marble na may medyo manipis ngunit mahabang gold na tela. May tatlong chandelier naman na crystal themed na may dilaw na ilaw. Agad kong napansin ang dalawang lalaki at isang babae na nakaupo sa mga upuan na itim na may mga gold lines. Pero ang pinaka kapansinpansin sakanila ay ang sobrang puting lalake na nakaupo sa pinakadulong upuan. Wait... Parang nakita ko na siya somewhere. Bigla siyang tumingin saakin na agad ko namang iniwas nang tingin. Napansin niya kayang nakatitig ako sakanya?Iniwan kami muna ni mrs. Ellie at ni mr. Tennison para magkaroon kaming pagkakataon na makilala ang mga magiging housemates namin. Si sir namjoon ang naglead. "So everyone, to envelop a better friendship, we should start in giving our names and telling something about ourselves right? I'll  start with me. I'm Namjoon Johnson, a chemistry professor." Wika ni sir Namjoon.  Sumunod naman nagpakilala ang kambal. "Im Jimin Danes, a well known singer."

"Jungkook, dancer."
Sumunod naman kaming tatlong magkakaibigan.
"I'm Alliana Falcon, a student and a pianist."
"I'm Hana Aniston, trying to become a doctor."
"Felliana Cameron, student and a painter." Kaugali niya talaga si James. Sumunod naman ay ang babaeng nakaupo sa tabi ni Fellie.
"Faith Delavine, a good looking and the prettiest model in Bench Philippines, also I'm top 98 sexiest female in FHM. Nice meeting you all." Sumunod naman ang kamukha ni Jacob sa twilight. Kamukha nya talaga! Promise.
"Ako naman si Hoseok. Hoseok Afable. Isang matapat na police officer, but you can call me Hobi"Woooah. May dala kaya siyang baril? 

"Hello! I'm Seokjin Smith! You can call me Jin!" Bigla siyang nagheart sign Wait... Bakla ba to?

Bigla namang tumayo ang isa at nagbow, "Hello! I'm Taehyung! Taehyung Montefalco! Sana makaclose ko kayong lahat!" kung yung isa naghear sign, ito naman ng peace sign. Ang weird, ang gaan ng loob ko sakanya.

Lahat kami napatingin sa lalaking nasa pinakadulo ng table. Ang puti naman nya. Pero bigla siyang tumayo. At pinalo niya ng malakas ang table. Awts. Hindi kaya siya nasaktan? "Why did you all came here? I thought after the accident last year, wala nang pupunta dito." Bigla siyang lumabas ng dining hall. Accident? "Ooooh. Akala ko hindi niya na ioopen yun." Lahat kami ay napatingin kay Hobi. "Alam ko ang ganyang tingin, gusto nyong malaman?" iba saamin ay tumango. Yung iba naman, parang alam na nila yung kwento, isa na doon si Namjoon.

"Five years ago, may mga estudyanteng  nagrent ng manor na ito. Isa na doon ang kapatid ko. Si Yunice. Nagpaalam siya saamin na magkakaroon sila ng outing for three days and two nights pero after ng pangatlong araw, tumawag saamin si Yunice para magpaalam ulit dahil mageextend daw sila ng isang linggo. Hindi namin siya pinayagan pero ang sabi niya, wala daw silang masasakyang barko dahil nasira daw ang barkong dapat na sasakyan nila kaya kailangan pa nilang maghintay para sa susunod na barko. Wala kaming nagawa. Hindi naman namin kayang magrent ng barko para sunduin sya dahil wala kaming ganoong kalaking halagang pambayad which is in the first place, linibre lang si Yunice ng mga mayayaman niyang kaibigan. Pagkalipas ng isang linggo, nakauwi na siya pero malaki ang ipinagbago niya. Hindi siya lumalabas ng kwarto at tuwing lumalapit kami sakanya, nagwawala siya't sumisigaw. Alam naming may nangyaring masama sakanya kaya nakipagkita kami sa mga magulang ng mga kaibigan niya. At ang nakakagulat, nalaman namin na tatlo sa mga kaibigan niya ay hindi na bumalik sa manor at sinasabi nilang naglayas daw sila at ang apatna  natira ay pareparehong nagiba ang ugali." Lahat kami ay tahimik na nakikinig kay Kenneth. 

"Alam nyo ba kung paano sila naglayas? Tinawagan nila ang mga magulang nila at sinabing ayaw na nilang magaral at maglalayas daw sila. Sinabi din nilang wag na silang hanapin dahil pag nabalitaan nilang hinahanap sila ay magpapakamatay sila. Napagpasyahan ng mga magulang ng mga natirang kaibigan ni Yunice na ipadala sila sa mental. Pero si Yunice? Nasa bahay parin namin dahil alam namin na hindi baliw ang kapatid ko. Ay oo nga pala! Yung apat na dinala sa mental? Bigla nalang daw silang nawala. Sa dulo, si Yunice nalang ang natira. Kaya nandito ako para imbestigahan ang mga nangyari. Alam kong ang lugar na ito ang rason kung bakit may nangyayaring masama sa lugar na ito. At kailangan kong malaman ang dahilan." Pagkatapos niyang magsalita ay isa isa niya kaming tinignan at binigkas ang huli niyang salita bago pa namin siya sabay sabay na sinugod.

 "Joke lang".  

Dark Manor (BTS FanFic)Where stories live. Discover now