Chapter 4

4 1 0
                                    

  Pagkatapos kong iexplain sakanya ang pagkakaiba ng mga gamot, napagisipan na naming bumalik nalang sa mga kwarto namin. Sinabi ko sakanyang maglalagay nalang ako nang yelo mamaya sa bukol ko.
Pabalik palang kami nang bigla naming nadaanan sila Fellie at Allia. Bigla naman silang ngumisi, alam ko na mga iniisip nito.
"Kaya pala wala ka sa kwarto mo, naghanap ka pala ng fafa." Busit saakin ni Allia.
"Fafa? As in father?" Tumawa bigla ang dalawang bruha. Kanina pa tong Suga na to ah? Galing ba sya sa bundok?
"Wala binubusit lang nila ako. Sige mauna kana, feeling ko magyayaya ng libot itong dalawa eh."
"What? But you're not well"
"Napano ka?!?" Sabay na sambit ng dalawa. Hindi ko alam kung nagwoworry ba sila o nagagalit. 
"Wala, nauntog lang ako sa bola." Sagot ko
"Kawawa naman yung bola" pabirong sabi ni Fellie. Balak ko sanang batukan kaso baka sabihin ni Suga amazona ako.
"Then, I should go." Nagwave ako sakanya at pumasok na sya sa kwarto niya.
"Ayieee~ hindi ko alam ganyan na pala yung type mong lalake ngayon." Busit ni Allia
"Well, gwapo naman sya, bad boy type. Mukha ngalang snobber."
"Ano? Gusto mo pang sumama? Maiwan ka nalang, pahinga kana."
Umoo nalang ako't nagpaalam na sakanilang dalawa. Pagpasok ko ng kwarto ay dirediretso akong pumasok sa banyo't naligo. Pagkatapos kong maligo ay humiga na ako, past 3:00 palang, kaya naisipan kong lumibot libot muna ulit, tutal entertainment room palang naman ang napuntahan ko, naisip kong pumunta sa labas ng manor.  Paglabas ko ay nakita ko si taehyung na tumatakbo, tatawagin ko na sana ng bigla kong napansin na may humahabol sakanya...... KABAYO?!?!?!? Hinahabol siya ng kabayo?!?!??! Nakita nya ako at bigla syang tumakbo papunta saakin.

 Wait... WHAT????? BAKIT SIYA TUMATAKBO PAPALAPIT SAAKIN????

 "HANAAAAAAA!!!!!! Tulong!!!!!" Sigaw niya habang papalapit siya saakin. Bago pa ako makapagisip kung anong gagawin ko ay naabutan nya na ako, hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papasok sa loob ng manor. Ang ending? Pumasok ang kabayo at sa loob kami ng manor nagsisitakbo. Buti nalang ay pababa ng hagdan si mr. Tenisson at pinatigil niya ang kabayo. Ano bang ginagawa ng lalakeng to? 

"sorry po" sabi ni taehyung pagkatapos ibalik ni mr. Tenisson ang kabayo. Bigla lang tumawa si mr. Tenisson " hahahahaha sanay na ako sayo namiss tuloy kita." Tinapik niya lang si taehyung at lumabas na sya. Wait! Magkakilala na sila?"sorry din hana." Panghingi ng paumanhin ni taehyung. 

"ano bang nangyari?"

"pinapakain ko kase si brownie kaso hindi niya ako pinapansin kaya pumasok na ako sa bahay nya, kaso bigla bigla nyang kinain yung buhok ko, tapos ng naalis ko na yung buhok ko sa bibig nya bigla bigla nya naman akong sinugod, ayun tumakbo na ako." Sabi niya. Ilang taon na ba to?

"Magkakilala na kayo ni mr. Tenisson?" tanong ko naman sakanya.

"aaaah! Nakatira na kase ako dito, dati pa. Kami date may ari nito, binenta lang ng mga magulang namin."

"namin?" madami sila?

"oo, nakatira na kami dati dito nila namjoon, hobi, suga, jin, jimin at jungkook. Magpipinsan kami" 

"What? Pati si sir namjoon?"

"oo, kaso nga, sabi ko nga sayo, binenta na nila to, nagaway away kase mga magulang namin kata sa dulo, naghiwa hiwalay na kaming lahat." Grabeng revelation to ah?

"soooo totoo yung sinasabi ni hobi?"

"medyo"

"medyo?"

"bastat! Long story! Tinatamad akong magkwento! Samahan mo nalang akong kumain." bago pa man ako tumangi ay hinila niya na ako. Habang naglalakad kami ay iniintriga ko na sya. May lahi kase akong chismosa.

"soooo mayaman naman pala kayo, bakit sabi ni hobi mahirap lang sila?"

"hindi naman kase sakanya kwento yun."

"eeeh kanino?"

"tinatamad akong magkwento." sabi nya sabay hikab. Nakarating na kami sa kitchen at kumuha siya ng dalawang mini icecream sa ref, pwede ba kaming kumuha ng pagkain dito ng hindi nagpapaalam? binigay niya ang isa saakin. Choco fudge icecream. Sakanya naman, cookies and cream. 

"pag ba kumain ka nyan, magkakagana kanang magkwento?" Tanong ko sakanya.

"Kung susubuan mo ako." May pakamalandi din pala tong lalakeng to eh. 

"ikuwento mo na kaseeeee." pilit ko sakanya

"pilitin mo muna akooooo~" ano bang ginagawa ko sakanya? Hindi pa ba to pamimilit?

"Dali naaaaaa" pabebe pa tong lalaking to.

"ganito kase yan, hindi naman talaga nya kapatid si yunice. Kaklase niya lang. Tapos nalaman niya na dito pala sa manor na ito nangyari yun, so ayun, nacurious sya."

"bakit hindi niyo tinanong sila mr. Tenisson sa nangyari?"

"eh kaseeee, ng rinent nila tong manor, nagpaalam sila na sila nalang daw muna sana yung tao dito, which means, walang tao dito maliban sa mga estudyante. Naalala ko nga, saamin pa nakitulog sila kuya tenisson at kuya felix eh."


Dark Manor (BTS FanFic)Where stories live. Discover now