Chapter 3

4 0 0
                                    

Pagkatapos naming magkuwentuhan, linibot kami ni mang Tennison sa buong manor. Apat na palapag ito. Sa first floor ang dining room, kitchen at entertainment room. Sa second floor naman ang mga kwarto ng mga katulong dito, malaking cinema, playground at indoor garden. Sa third floor naman ang mga kwarto namin na may cr na, may extra ding apat na restroom sa apat na sulok ng third floor. Sa 4th floor naman ang malaking swimming pool at rooftop. Sa labas naman ay may botanical garden at mini farm. Meron ding malawak na place para sa horse riding. Sa pinakaharap naman ng manor ay may malaking white na fountain. Halatang mamahalin. Pagkatapos naming libutin ang manor, hinatid na kami sa kanya kanya naming kwarto. Halatang pangmayaman talaga ang mga kwarto dito. Light pink ang color ng dingdingng kwarto ko. May isang queen sized bed na nakapatong sa malaging pink at bilog na carpet na may katabing lampshade sa gilid sa medyo gilid naman ay ang cr. Puti naman ang tema ng banyo, pag pasok mo, sasalubungin ka ng isang malaking salamin. Sa kabilang gilid naman ay ang terrace ng kwarto. Linagay ko na ang mga gamit ko sa kabinet at naisipang libutin magisa ang manor. Hindi ko kase masyadong natignan dahil sa kadaldalan ni Allia. Pagkabukas ko nang pinto ay siya naman ding pagbukas ng pinto ng katabing kwarto. Si Suga. Paano ko siya nakilala? May name tag ang pintuan nya. Tinanguan niya ako at tuloy tuloy siyang naglakad. Tila ba memorado nya ang bawat sulok ng bahay. At ang malala'y may kwarto na agad siya bago pa man maibigay ang mga susi para sa magiging kwarto namin. Siguro, dahil nauna siyang dumating saamin. Sinubukan kong libutin ang first floor. Balak ko sanang pumunta sa entertainment room pero sa kasamaang palad, naligaw ako. Halos mangangalahating oras na ang nasayang ko  bago ko marating ang entertainment room. Pero tila ba napawi ang pagod ko nang nakita ko ang loob nito.
"Ang gandaaaaaaa~" agad kong napansin ang ball pool sa gilid, inalis ko ang sapatos ko at dali daling tumalon
*bhoogsh*
"Ouch!/Aray!" Sabay kaming napasigaw nang taong natamaan ko. Yup nakatama ako ng tao. Dahil nakatago lang naman siya sa loob ng ball pool. Nakakahinga pa kaya to? Bigla siyang tumayo. Oh! Si Suga pala?
"What the hell?!? How can you jump so carelessly?" Pagalit niyang sigaw saakin.
"Sorry hindi kase kita nakita." Inisnaban niya lang ako at tumayo na't umalis. Pero may napansin ako sakanya. Wait... Umiiyak ba sya? Namumula kase yung mata' ilong nya. Agad ko namang kinuha ang pagkakataon para sakupin ang ballpool. Habang nageenjoy ako't nagrerelax, bigla namang umingay ang kabilang dako. Hmmn naririnig kong nagbabasketball si Suga. Natempt tuloy akong magbasketball din. Pinuntahan ko siya. As I expected. Magaling siya. Well marunong ako pero hindi ako ganon kagaling. "Marunong din ako."sigaw ko sakanya. Tinignan niya lang ako at ibinaling nanaman niya ang pansin nya sa linalaro niya. Suplado. Pumunta ako sa tabi nya at nagstart nang magshoot. Kaso siguro dahil matagal na akong hindi nakakapagshoot, laging sumasablay. Ok. Last ball naaaaaaa. Kailangan mashoot ko ito! Hinawakan kong mabuti ang bola. Sinukat ko ang bawat angulo ng bola at ng court. Malakas ang loob ko na this time, mashoshoot ko na to. 1...2...3 *bhoogsh* biglang nagdilim ang paningin ko. Ang huli ko nalang naaalala ay may bolang papalapit saakin.

Nasa langit na ba ako? Wait... Hindi ba ito yung laging sinasabi nang mga artistang nagising sa hospital? Yes naman...Feel ko tuloy artista na ako. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Mukhang nasa clinic ako ng manor. Bigla namang pumasok si Suga. 

"What do you feel?"

 "Ok lang"sabi ko sabay upo.

 " Hindi ko alam kung sino ang tatawagin ko sakanila para ibalita kung anong nangyari sayo" Sabi niya. 

Sabagay wala naman siyang alam tungkol saakin. 

"Hayaan mo na sila. Magaalala lang sila saakin." Ngumiti lang siya at pumunta sa mga lalagyanan ng medicines. Wow marunong din pala siyang magsmile? May kinuha siyang gamot at ibinigay saakin. 

"BONAMIN?!?!?" Bigla akong napatawa ng malakas na siya namang ikinagulat niya "anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Iinumin?" Hindi siguradong sagot niya. "Pffft hahahahahahahaahahah!" Nagulat siya bigla sa tawa ko. Eh painumin ba naman ako ng bonamin? "Hindi ba nakakaalis yan ng sakit ng ulo?" Tanong nya saakin. Nagbibiro ba siya o shunga lang talaga?

Dark Manor (BTS FanFic)Where stories live. Discover now